Nagising ako sa malakas na iyak na aking narinig . Ganito madalas ang eksena—walang araw na lumilipas na walang namamatay. Ngayong araw naririnig ko ang pagtangis ng isang inang namatayan ng anak. Alam kong kay aling Precilla ang mga masakit na tinig na iyon. Siguro'y pumanaw na si Marco.
Hindi na bago sa aking pandinig ang gantong uri ng panaghoy. Minsan, madalas, nasa kalagitnaan ako ng aking pagtulog at may bigla na lamang akong maririnig na malungkot na tinig at palahaw. May ilang namatayan ng anak, asawa, pamangkin at iba pang kapamilya.
Maliit lamang ang aming isla. Walang ibang nagtutulungan kundi kami kami rin lamang. Bukod sa malayo at napapalibutan ng tubig dagat ang aming lokasyon, may mga malalaking barkong naglululan ng mga militar, mga taong handang kumitil ng buhay upang sila ay mabuhay. Hindi na rin kami kinokonsidera ng bansang dating sumasakop sa amin dahil sa pesteng virus na kumakalat sa aming lugar.
Hindi alintana ang virus upang matigil ang aming pag-unlad. Sa katunayan, mas maunlad ang aming isla dahil malayo kami sa mapang abusong gobyerno. "Walang kurapsyon." Ngunit sa araw araw na may namamatay, isang malaking tanong kung bakit hindi pa bumababa ang populasyon ng aming lugar.
Ngayong araw papasok na ako sa paaralan. Dito sa aming isla, kaunti lamang ang kursong maaari naming kunin. Iyon ay ang pag-aaral ng medisina, teknolohiya at pag aaral tungkol sa mga halaman. Lahat iyon ay may kaugnayan sa siyensya, nagbabakasakaling makahanap kami ng gamot sa naturang virus.
Alcohol, facemask, face shield...
Mga mumunting armas para sa kalaban namin na hindi nakikita ng aming mga pang karaniwang mata. Pikit mata kaming sumasabak sa gerang kilala namin ang kalaban ngunit hindi namin nakikita."Uy Dem! Andyan ka pala" bati sa akin ng aking kaklaseng si Jovert.
Hindi ko ugaling kumausap ng tao kapag umaga, masyado akong kinakapoy sa umaga. Ayokong simulan ang araw na masaya ako, sabi kasi sakin noon ng isa kong kaibigan
"Huwag mong umpisahan ang araw na masaya ka Dem, baka matapos ang araw umiiyak ka na at hindi mo makayanan ang sakit na ibabato sayo ng tadahana"
Naririnig ko pa rin ang tinig nya na parang kahapon lamang nangyari ang lahat. Nakikita ko pa din ang kanyang busangot na mukha.
Naalala ko na naman ang araw na iyon, ang araw na sobrang saya ko ngunit bago matapos ang maghapon ay binawi din iyon ng tadhana.
.
.
.
Nakakalungkot...Isang balita ang sumira sa aking sistema.
Labintatlong taon na, milagro kung maituturing ngunit buhay pa sya. Bawal nga lamang mahawakan at makita. Tanging telepono lamang ang koneksyon naming dalawa. Pero mas mabuti na yon, ang mahalaga buhay pa sya.
Miss ko na sya. Sisiguraduhin kong matutuklasan ko kung ano ang gamot sa virus na yon.
Kailangan kong matuklasan kung ano ang antidote para makasama ko na ulit sya. Para sa kanya kakayanin ko. Lumalaban sya kaya lalaban din ako. Sya lang ang dahilan ko kung bakit ako nag aaral at nagpapakadalubhasa.
Makikita ulit kita Cally. Gagaling ka Cally.