Hiyang hiya ako ng mga Oras na iyon dahil hindi ko alam na naikwento na pala ako ni boss Rainth sa mga Kapatid nito. 😩 Halos kalahating Oras din Ang lumipas bago kami matapos."Uwi na ho ako" nakayuko kong saad sa kanila. "Ma-maraming salamat ho sainyo" nahihiya Kong sabi.
"Ate Lemon!” tawag ni sande. "sumabay kana kay kuya cean, palabas rin kasi sya ngayon" aniya.
"Na-nako, hindi na sande” iling ko.
"Ako ang maghahatid sa kanya" singit mula sa aming likuran. Nagulat kaming nilingon ito, at sinundan pa namin ito ng tingin nang mag dire diretsong naglakad palabas ng kusina.
"That's my brother!" Habol na sigaw ni Sande na ang pinariringgan nito ay ang kuya rainth nya. Lihim nalang akong napangiti.
"O ano Lemon, Okay lang ba sayo?" Ani kuya Cean sakin. "Yung boss mo ang maghahatid sayo” may nakakalokong Saad ni kuya cean.
"Si-sige po kuya Cean, salamat po.” ani ko na medyo namumula na ang pisngi ko.
"O sya, sige magiingat kayo at ako rin ay maliligo na.” saad pa ni kuya cean bago nya kami tinalikuran ni Sande.
Sabay kaming lumabas ni Sande ng bahay. "Bye-bye ate lemon." aniya ng maihatid nya ako sa kotse ni boss.
Inis ko namang nilingon si boss nasa tabi ko lang. "bakit mo pa ako ihahatid?" Lukot ang kilay kong sabi.
"Anong problema dun kung ihahatid kita?" Aniya na nakatoon ang paningin sa daan. "address?" Dagdag nitong sabi.
"Ha?"
"Address ng tinitirahan mo" Paguulit niya pa.
Marahan akong napalunok. "Ihatid mo nalang ako dyan sa may kanto.” di makatingin kong sabi.
"Ibibigay mo ba o tatanggalin kita sa trabaho?" Madiin at masungit niyang sabi. Mabilis pa sa alaskwatrong naibigay ko ang address na tinitirahan namin ni Chakna. Mga dalawang Oras din Ang lumipas bago kami nakarating sa tinitirahan ko. Jusko sobrang traffic sa lungsod. "May lakad tayo bukas, sunduin kita rito" Walang emosyon ang mukha nitong sabi.
"Saan po tayo p-"
"Batangas"
"Ho?! e boss, may gagawin pa ho ako bukas." pagsisinungaling ko habang kagat kagat ko ang pangibaba kong labi.
"Driver kita diba? kaya't sa ayaw at gusto mo, sasama ka sakin" Aniya na may halong galit sa tono nito.
"Pero"
"No buts Ms. Lemon Hernandez. 5am tomorrow in the morning dapat ready kana" Aniya na ikinakunot ko naman ng noo.
"Ano!? Seryoso?"namimilog ang mga mata kong nakatingin sa kanya.
"Narinig mo naman ako diba?" Aniya.
BINABASA MO ANG
You're Still The One [Book1]
Romance[DELA JABIEN SERIES] Genre: RomCom ✔️ Don't copy my work THANK YOU! 😍 TAGALOG Original Story Written by: Jlqt12 Started : 09/12/20 Ended : 10/04/20