Chapter 3

357 76 3
                                    

"Boss, woy gising na!" Yugyog ko sa balikat nito "pano ba to?" kamot ko sa ulo ko ng hindi na malaman kung ano ang gagawin ko. Nilibot ko muna ang mga mata ko at sa di kalaunay nakita ko ang Isang serbidor na dumaan sa labas ng pinto. mabilis akong tumayo at lumabas para humingi ng tulong rito. "Sir! excuse me!" Nilingon naman agad ako. "Sir, pwede ho ba makahingi ng tulong sa inyo." saad ko na mukang nagmamakaawa.

"Sige po ma'am." Aniya na binaba muna nito sa lamesa ang dala².

"Salamat sir!" Magalang Kong sabi nang maisakay na namin ito. Napabuntong hininga ako. "Boss" pukaw ko sa kanya. "Boss, saan ho 'yong address ng bahay mo?" Tanong ko sa taong mahimbing ang tulog "punyeta!" Kamot ko sa ulo ko ng hindi ito magising. napabuntong hininga na naman ako sa inis. itapon ko nalang kaya ito sa kung saan² at akoy nai-stress na saiyong mokong ka. Nako kung hindi ko lang talaga kailangan ng salapi ililibing kita rito ng buhay.

KINAUMAGAHAN
----------------------------Napangiwi ako sa sobrang sakit ng batok ko at katawan.
"Hmm" Ungot ng gago mula sa aking likuran. Sarap batukan nuh? makaganti manlang, kainis."Ouch" mahina niyang inda.

Tinignan ko ito mula sa front mirror ng sasakyan."Baka kulang pa yan boss, ano gusto mo bumalik pa tayo?" Irita kong sabi.

"Where are we?" Taka na tanong niya.

"Sa america" pilyo kong tugon.

"Can you talk to me properly, Don't forget that I am your boss" Nanggigigil niyang sabi.

"Maayos naman ho akong nakikipag usap sayo" tugon ko sa kanya ngunit inismiran nya lang ako. "Oh ano, okay na ho ba kayo? O baka gusto mo pang gumala bossss”Medyo mahina pero lukot ang noo kong sabi.

"Take me home" Utos niya na walang emosyon Ang mukha.

"Address nyo ho?" Binigay naman agad nya ang address ng tinitirahan nito.

MAKALIPAS ANG MAHIGIT KALAHATING ORAS
------------------------------ "Ba-bahay mo to?" Nauutal kong sabi na parang hindi makapaniwala.

"Hindi" Tugon niya "Bahay ng magulang ko" dagdag nya.

"Ahh" maikli kong tugon. Nakita ko itong paakyat sa limang palapag na hagdan bago makapasok sa malaking pintuan ng bahay. "Boss, uwi na ho ako" paalam ko sa likuran nito na nakatingala sa kanya.

Nilingon nya ako mula sa pang apat na palapag ng hagdan."Ayaw mo bang pumasok?" Nakapamulsa ang mga kamay.

"May gagawin pa ho ako boss!" Yun ang tugon ko pero sa totoo lang gusto ko talagang pumasok.

Tinalikuran niya ako. "Okay" aniya habang palapit  sa malaking pinto.

Nangunot ang noo ko "tsk ang bilis nyang kausap, ni hindi manlang nya ako pinigilan.” nakanguso kong Sabi. Inis akong nagmarcha patungo sa malaking gate, At lalo pa akong nainis nang hindi ko alam kung pano buksan 'to, Lukot ang noo kong nilingon 'to. Nakangisi at nakapamulsa na itong nakatingin mula sa kinaroroonan ko. "Boss! pano buksan 'to!?" Pasigaw kong tanong.

You're Still The One [Book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon