LEMON's Pov
Nasa mall ako ngayon para makipagkita sa pinsan ko. pero mahigit dalawang oras na ako rito at 'gang ngayoy wala pa rin ito. Kinuha ko ang phone ko mula sa loob ng aking suot na bodybag at ng makita ko ito ay agad ko namang kinuntak ang number nito.
"Hello Insan, nasaan ka?!" Pasigaw kong sabi dahilan para pagtinginan ako ng mga tao na naroon. "Kanina pa ako nag aantay dito e!" Kunot ang noo kong sabi. "Ano?! Ang tagal kong nag antay sayo dito tapos papupuntahin mo lang ako dyan? bwisit ka!" Inis kong binaba ang fon ko at nag madaling umalis sa kinaroroonan."Anak ng!" Inis na sabi ko ng mabundol ako ng malaposteng katawan. "Bulag ka ba Ha? Ang luwang ng daraanan at talagang...."
"Excuse me" madiin na putol nya sa sinabi ko. "Tama ba ang narinig ko?" Dagdag niya.
Namilog naman ang mga mata ko ng mga sandaling 'yon na halos sampung Segundo rin ata akong natulala at natamimi sa harapan ng isang istranghero."Bu-bulag kana nga, bi-bingi ka pa" nauutal kong sabi sabay lunok laway.
"Tsk" ika niya.
"Anong tsk?" Inis kong tugon.
"Teka lang ha, hindi ko ho kasalanan kung pinanganak kang lampa o tanga" may inis niyang sabi."ouch!" Inda niya sabay hawak sa dumugo niyang labi ng sinuntok ko ito.
"Karma ang tawag dyan" panlilisik kong Sabi "tabi!" Tulak ko sa kanya na nakaharang sa daraanan ko.
Nakarating ako nang canteen na nakabusangot ang aking mukha na siya namang ikinataka nang aking pinsan. "Hala! napano 'yang mukha mo girl?" natatawa niyang sabi.
Inis ko itong nilapitan."Nag aalala ka ba sakin o natatawa?" Lukot ang kilay kong sabi sa harapan nito.
"BWUAHAHAHAHAHA!" Halakhak niya. "Pareho" pang aasar niyang dugtong.
Inis ko itong tinitigan "Pano ba nama'y nakabangga ako kanina" Inis kong sabi sa kanya kayat bahagya naman itong natahimik at seryosong tumingin sakin.
"Oh? Talaga?" Anya na hindi ko alam kung maiinis ako or ano, dahil sa expression ng mukha nito.
"Alam mo, Ikaw ang may kasalanan nito e." Nakapamewang kong sabi sa harapan niya.
"Hala! e bat ako nadamay dyan?" Hindi makatingin niyang sabi sakin sabay atras habang nakataas ang dalawa nitong kamay na animoy parang inoholdup.
"Kung hindi mo ba naman ako pinag antay doon ng ganun katagal edi sana hindi mangyayari sakin yun kanina" Ani ko.
BINABASA MO ANG
You're Still The One [Book1]
Romantizm[DELA JABIEN SERIES] Genre: RomCom ✔️ Don't copy my work THANK YOU! 😍 TAGALOG Original Story Written by: Jlqt12 Started : 09/12/20 Ended : 10/04/20