Nagising ako nang diko maaninag ang mga nakikita ko dahil medyo malabo ito kaya ginusot gusot ko muna ang mga mata ko at marahan na dumilat kulay light blue ang tumambad sa paningin ko . "Nasa langit na ba ako?" mahina kong saad na agad naman akong naupo ng maalala ko ang mga nangyari. inikot ko ang mga mata ko sa paligid nasa loob pala ako ng tent."akala ko nasa heaven na ako." Ani kong hinawakan ko pa ang dibdib ko sa sobrang kaba na aking naramdaman. Mayat maya pay lumabas ako ng tent at don nagulat ako nang bumungad sa harapan ko ang mukha ni boss. "Ay! kabayo!" Walang preno kong saad.Yumuko ito para pagpantayin ang mga mukha namin."Mukha ba akong kabayo?" Inis nitong sabi naitinuro pa ang hintuturo nito sa kanyang mukha.
"Kamusta na ang pakiramdam mo lemon?" Singit na tanong ni leo.
Nilingon ko ito"Ha? bakit A anong nangyare sa akin?" Pagkukunwari ko nahinawakan ko pa ang ulo ko na kunway nalilito kong isipan. "Si-sino kayo?" gulat na nag tinginan silang lahat sakin. "Wala akong matandaan feeling ko nag ka amnisya ata ako wala kasi akong malala sa nangyare." kunwari na malungkot kong saad.
"Tsk" rinig kong sabi ni boss na tinalikuran lang ako. "kumain kana ng magkalaman yang utak mo nang hindi ka mabaliw dyan" dagdag niyang sabi habang papalayo na ito sa akin. Nahiya naman akong tumingin sa mga Kaibigan nito na lihim pang natawa malibang kay Eva.
Sinunod ko naman ang sinabi ni boss kumain ako. napatingin ako sa gawi niya habang nakaawang ang bibig ko dahil sa natutulalang pinagmamasdan ko ito. Nasa kaliwa kong pisngi ang kaliwa ko ring kamay, habang nakatukod naman ang siko ko sa hita ko."Ang gwapo ni boss" sa isip isip ko. namulat ako mula sa aking pagka-tulala ng batuhin ako ni leo."Aray" Inda ko sabay himas sa braso ko kung saan tumama ang maliit na batong inihagis ni Leo sakin.
"Ang lalim ng iniisip mo, siguro may six pack abs yan?" pang aasar na natatawang sabi ni Leo ng lumapit ito sakin.
Inis ko itong tinignan "Panira ka naman ng moment" nakanguso kong saad kay Leo."Leo, pa paano nga pala ako na punta dito? Tanong ko kay leo habang naroon kay boss ang paningin ko.
"Hindi ko alam" Tugon niya "nakita ka nalang namin na buhat buhat ka na ni Rainth." aniya nakay boss rin nakatingin.
"Ang natatandaan ko kasi bago ako mawalan ng malay, nasa taas ako ng puno at may malaking ahas" pag kukwento ko kay leo.
"Si rainth, ang tanungin mo Lemon" Saad nyang nakatingin na sya sakin.
"Hm." tangin nasabi ko lang. "O sya, sige at ako'y maliligo na." Paalam ko kay leo, na tumayo na ako at tinalikuran ito.
"Where are you going?" Tanong ni boss ng makita ako.
Nilingon ko ito ng nakataas ang isa kong kilay. "Maliligo ho boss" Mataray kong Sabi.
"Ikaw lang magisa?” nasa pag aalala ang tono nitong Sabi saking likuran. Bigla akong huminto at dun namilog ang mga mata ko ng bumangga sa likuran ko ang matipunong katawan ni boss."Hmm" tikhim niya sabay lunok ng laway.
"Ano bang ginagawa mo?” tulak ko sa kanya ng humarap ako. "Bat mo ba ako sinusundan?" Inis kong Sabi.
"I'll go with you" Mabilis niyang tugon.
Bigla naman nag init ang magkabilaan kong pisngi sa sinabing iyon ni boss. "Ano? Boss, hindi ko ho kailangan ng kasama, maliligo lang ho ako." Madiin na mahina kong sabi sa harapan nito.
"I'll go with you, wether you like it or not" Pilyo niyang sabi habang nakapamulsa ang dalawa nitong kamay.
"Kainis naman!" padabog kong sabi.
"Diko trip mamboso ng flat chested" seryoso ang mukha niyang sabi sa likuran ko.
Umigting ang tainga ko ng marinig ko 'yon, agad naman akong huminto sa pag lalakad at mabilis na nilingon ito ng nakakunot ang noo."Anong sabi mo?" Nanlilisik ang mga mata kong sabi. Nilapitan ko ito at kinuha ko ang dalawa nitong palad saka mabilis na inilagay ko iyon sa dalawa kong hinaharap ng madiin at sobrang diin. "Flat ba yan ha?" Inis kong sabi sa harapan ng mukha niya.
Nakita ko ang pag galaw ng lalamunan nito at sunod² na paglunok ng laway nito habang nakatingin ito dun sa kamay nya na nasa dibdib ko. Napakurap ako nang mga sampung beses. nag iinit ang buo kong mukha ng magtama ang aming paningin At doon lang ako nakabalik sa katinuan sabay tingin sa dibdib ko na hawak-hawak pa rin iyon ni boss."Wuaaaaaaaaa!!!" Tulak ko sa kanya. Nanlilisik pa lalo ang mga mata ko ng makita kong nakangiti ito dahilan para sugurin ko ito at sa di kalaunay na out of balance ito kakaatras sa palo ko at nahatak ako nito."Wuaaaaah..!" Sigaw ko ulit ng maramadam ko ang dalawa nitong palad na nakahawak na naman sa papaya ko. Mabilis akong naupo sa ibabaw nya. "Manyak! Manyak!” palo ko sa dibdib nito. At nang subukan ko ng tumayo mabilis niya namang kinabig ang batok ko dahilan para masubsob ang labi ko sa labi nito. namimilog ang mga mata ko ng mga Oras nayon. agad ko namang binawi ang labi ko sa labi nito Inis akong tumayo at patakbong tinahak ang daan patungo sa ilog. Lukot ang kilay kong nilingon ito na nakasunod sa likuran ko."bakit mo ako hinalikan?" Ani ko ng makarating kami. "alam mo ba na iniingatan ko ang first kiss ko para sa taong..."
"Sorry, okay" Mahinahon nyang sabi.
Inismiran ko lang ito saka tinalikuran.
"Tumalikod ka!" Inis kong utos sa kanya. "Wag kang lilingon hanggat hindi ako natatapos maligo" galit sa boses kong sabi."Okay.." Aniya na may tunog ang ngisi.
Tumalikod nga ito sa akin at do'n ko na sinimulan hubarin ang mga saplot ko sa katawan, tanging pangilalim lamang ang sapin ko sa katawan."Wag kang lilingon!" Banta ko.
"Anong gagawin mo kapag lumingon ako?" Nangisi nyang Sabi.
Hindi naman agad ako nakatugon sa tanong niya."Ma mag resign ako!" Sagot ko bago nilublob ang ulo ko sa tubig. Napansin kong tahimik ito hanggang sa matapos akong maligo at walang imik itong nakasunod sa likuran ko hanggang sa makarating kami sa tent, walang bumasag sa katahimikan nyon. Nakita kong lumapit ito sa mga kaibigan nya habang ako namay pumasok na sa loob ng tent at humiga roon.
hinawakan ko ang dibdib ko kung saan naro'n ang kumakabog kong puso, ang lakas ng tibok nito ano ba ang ibig sabihin nito? Napabuntong hininga na lamang ako ng malalim saka tumagilid ng pwesto ng bigla kong maalala ang paglapat ng mga labi namin ni boss kanina. Marahan akong napahawak sa labi ko at hindi ko alam kung bakit ganito parang ang sarap sa pakiramdam.
To be continued...

BINABASA MO ANG
You're Still The One [Book1]
Romance[DELA JABIEN SERIES] Genre: RomCom ✔️ Don't copy my work THANK YOU! 😍 TAGALOG Original Story Written by: Jlqt12 Started : 09/12/20 Ended : 10/04/20