Chapter 3: Goosebumps

9 2 0
                                    

(a/n: romance comedy at historical fiction po ang book, hindi horror hA tigilan nyo ko)

RAQUEL

He walked towards me and it gave me goosebumps. He kept his gaze directly on my eyes which made him scarier. Kada hakbang nya papalapit ay umaatras ako hanggang sa dumampi ang likod ko sa drawer na nakadisplay, senyales na wala na kong aatrasan pa. I placed my trembling hands on top of the drawer as he was getting closer, and closer, and closer.. I was about to pass out when someone grabbed my right shoulder.

"Hey dickhead, are you okay? Para kang nakakita ng multo!" natatawa nyang sabi. "Thirdy, I saw him! He was right he-" he cut me off for the nth time. "He was at the kitchen. He's cooking lunch for us. Hah! I found him!" sabi nya na lalong nakapanggulantang sa akin. "No, Thirdy! I.. I saw him here!" I said while pointing at the place where I last saw the old man. "He addressed me by my real name and.. and.. he was scaring me! Nilapitan nya ko tapos-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang may tumawag sa amin mula sa baba.

"Mga anak, handa na ang tanghalian! Bumaba na kayo riyan!" boses ito ng matanda. May pagkakahawig ito sa boses ng lalaking nakaharap ko kanina. "Masamang pinagiintay ang pagkain! Kumain na tayo!" dugtong pa nito. "See? I told you he was at the kitchen! Di mo lang matanggap na ako yung nakakita sa kanya at hindi ikaw e! Bleh! Tara na sa baba!" sabi nya at tinapik ng dalawang beses ang likod ko. Nauna na syang maglakad habang ako ay natulala na lamang sa kawalan. Siguro gutom lang to. Sana nga gutom lang to.

Nang bumaba kami sa kusina ay nakahain na ang mga pagkain at may matandang nakatayo malapit sa lamesa. Kumpara sa matandang nakita ko kanina, ay mas maaliwalas at kaaya aya ang kanyang itsura. Sa kanyang tayo ay mukhang inaantay nya kaming bumaba para sabay sabay na kaming kumain. "Nagluto ako ng sinigang na hipon. Pasensya na at ito lang ang naihanda ko. Hindi ko kasi inasahang may bisitang darating ngayong araw." sabi nya at nginitian kami. Nagkatinginan naman kami ni Thirdy at sa tingin ko ay pareho kami ng iniisip. Lumapit sya sakin at bumulong, "Maybe the rumors about him having troubles with people aren't true at all." he said while looking at the old man pour water on our glass. "Yeah, he seems.. kind." I replied while observing him.

"Oh, ano pang inaantay nyo? Maupo na kayo!" saad ng matanda at ngumiti. Sinunod naman namin ang sinabi nya at umupo. Malaki ang lamesa at sa palagay ko ay kakasya ang sampung tao rito. Ang matanda ay nakaupo sa dulong bahagi ng lamesa habang kami naman ni Thirdy, ay magkatabi sa kanyang gawing kanan.

Biglang nagsalita ang matanda, "Ako nga pala si Narcisco, Lolo Isko na lamang ang itawag nyo sa akin" at ngumiti siya. "Matagal na kong naninirahan dito. Ikaw ba ang anak ni Felipe?" tanong niya sabay tingin kay Thirdy na halos ubusin na lahat ng pagkain sa hapag. "Ahh opo Lolo." uminom sya ng tubig bago muling magsalita dahil puno ito ng pagkain. "Inutusan lang po ako ni Papa na bisitahin kayo. Raquel nga po pala , kaibigan ko." sabi nya sabay turo sa akin. Ngumiti naman ako bilang tugon kahit kakaiba pa rin ang pakiramdam ko sa matandang ito. "Kay gandang bata.. Hindi mo ba ito gelpren (girlfriend)?" tanong nya na syang nakapagpasamid sa aming pareho. Napalagok kami ni Thirdy ng tubig ng wala sa oras.

"Nako hindi p-po hehehe" sagot niya sa tanong ng matanda at napatingin sa akin. He looked at me with a disgusted face and I rolled my eyes on him. "Hindi ko po gugustuhing magkanobya ng tanga." dugtong nya na nakapagpatawa sa matanda na syang nakapagpainit ng dugo ko. "Gwapo mo no? Mukha kang kulangot." sabi ko sabay ngiti ng peke. "Ang kapal mo lods, kuko lang kita." he shot back. "Oh talaga? Ikaw ingrown ko lang." sabi ko sabay apak sa paa nya.

"Aray! Hoy pede kinukuha kaya akong model ng shampoo baka akala mo!" saad nya sabay hawi ng buhok nya na parang nasa shoot sya ng commercial ng pantene. "Oo, ikaw yung balakubak, gago ka." and I made a face. "Nye nye nye nye" and he stuck his tongue out and made a face too and we mocked each other like second graders. "Hayyy, naaalala ko tuloy ang kabataan ko." saad ng matanda at tumawa. Muntikan na naming makalimutang may kasama nga pala kami dahil sa pagiging isip bata naming dalawa. Natahimik kaming pareho dahil sa hiya sa inasta namin sa harap ng hapagkainan, at higit sa lahat, sa harap ng nakatatanda sa amin.

Take Me BackWhere stories live. Discover now