RAQUEL
Medyo nangangalay na ang pa ako dahil kanina pa kaming naglalakad. May kalayuan din kasi ang sikot ng parada, kaya nga hanga ako sa banda dahil hindi sila hinihingal habang tumutugtog at naglalakad. Magtatanong sana ako kung malayo pa ngunit biglang tumigil ang mga taong nasa harap namin at nagkumpulan.
Maraming tao sa harap namin, the reason why I can't have a good look at what's happening in front of us. Paulit ulit akong tumitingkayad para makita pero maraming mas matangkad sa akin ang nakaharang kaya kahit anong gawin ko ay hindi pa rin ako makakita.
"Juana!!", tawag sa akin ni Tonyo. "Halika dito!!", he said while gesturing me to come. Lumapit naman ako sa kanya at nagulat nang hawakan nya ang kamay ko. "Kanina ka pa naming hinahanap ni Aleng, nandito ka lang pala. Tara na sa loob!", saad nya at nagsimulang maglakad. Napatingin ako sa kamay naming magkahawak, bagay na napansin nya. Inilipat naman nya ang kamay nya sa braso ko dahil sa hiya. Sayang. Holding hands while walking na sana.
"P-pasensya na. Marami kasing tao, baka maligaw ka na naman.", wika nya ng hindi tumitingin sakin. Shy type pala, cutie nemern!!
"San ba tayo pupunta?", medyo nilaksan ko ang boses ko dahil bukod sa maingay ang tao, ay patuloy pa rin ang pagtugtog ng banda. "Sa bahay!! Nandun sina Pipeng at Isko. Nauna na ring pumunta si Aleng doon.", saad nya na nakapagpakaba sa akin. 'Isko'? Hindi. Baka kapangalan lang.
Hindi ganung kalayo ang bahay na tinutukoy nya mula sa kinaroroonan namin kanina kaya mabilis kaming nakapunta agad. Nasa tabi ito ng kalsada at kapansin pansin ang laki nito. This isn't a house. This is a mansion!
Villaraigosa. Basa ko sa nakasulat sa malaking pinto. Binuksan naman ito ni Tonyo at inalalayan akong pumasok sa bahay nila. "Tara sa taas, nandun na ang mga kasama natin!" saad nya at naunang maglakad patungo sa may hagdanan.
Hindi pa ako nakakaakyat ay dinig ko na ang mga tawanan sa pangalawang palapag. Pinakamalakas ang boses ni Aleng at bakas ang saya sa boses niya. "Wala pa ba si Juana?", dinig kong tanong ng boses ng isang lalaki. "Malapit na ang babayitang iyon. Umuna na ko sa kanila ni Tonyo at sinabing sumunod na lang sila sa atin.", boses ni Aleng. "Oh, ayan na pala sila!" wika ng lalaking nakatalikod sa akin.
Tila nanigas ang aking katawan nang humarap ang lalaki sa akin at ngumiti. Thirdy?
"Ang tagal nyong dalawa!", reklamo ni Aleng. "Kanina pa namin kayong inaantay! Si Felipe, kanina pang hindi mapakali sa kakahanap sayo ,Juana!", natatawang sabi ni Thirdy. What the hell is he doing here?
"M-magandang tanghali, J-juana.", nauutal na sabi ng lalaking katabi ni Aleng. "K-kamusta ka na?" at ngumiti sya. He was wearing an orange stripe short sleeved polo, paired with a black pants. Over all, he looks.. definitely handsome.
"Huy! Tinatanong ka ni Felipe! Uso sumagot!", Aleng said that made me quit staring at that guy. "Oh, uhh.. I'm.. fine?" I akwardly answered his question.
"Naks, english! Ano Pipeng, naintindihan mo ba ang sinabi nya?" tawa ni Thirdy sabay siko sa lalaking Felipe pala ang pangalan. "Iba talaga pag nakaAmerika!" dugtong pa niya na bahagyang nakapagpatawa sa lahat maliban sakin.
My brows were furrowed as I stare at Thirdy who acts as if nothing happened. How could he talk to me as if he did nothing wrong? Ang kapal talaga ng mukha nya!
"Anong ginagawa mo rito?", diretsa kong tanong sa kanya. Masama ang tingin ko rito dahil talagang masama ang loob ko sa kanya. I clenched my fist as I stare at his confused face. "Huh? Lagi naman akong nasa bahay na ito.", tawa pa nya.
"Oo nga, parang ikaw na ang anak ni Papa at hindi ako e! Ginawa mo nang tambayan ang pamamahay ko!", Tonyo replied and slightly punched Thirdy's left shoulder as a joke.
YOU ARE READING
Take Me Back
Historical FictionI don't know why I'm in this place. All I know is that I don't belong here.. Nagising na lang ako na nasa ibang lugar na ako at hindi ko alam ang gagawin.. I don't have a single idea on what happened.. But this place, which I never knew I could tra...