Habang patungo sila sa tagaytay ni Griffin, maraming katanungang pumapasok sa isipan ni Eruto. Binabalikan nyang mga panahong nagkakasama't nagkakausap sila ni Candy.
'Minsan naiisip ko, mahal mo nga kaya talaga ako? Baka naman akala mo lang? Sabi mo nga kasi diba. Masyadong mabilis kung pano tayo nagsimula? Hindi ko alam. Bigla kasing nawala yung feeling ng assurance sa puso ko na mahal mo nga talaga ako. Kaylangan ko ng validation. Ng words. Ng Confirmation. Na hindi ko mahingi sayo kasi baka mapilitan ka lang sabihin na “Mahal kita”. Gusto kong manggaling, marinig mula sayo yung mga salitang, “Kahit gaano kabilis nagsimula, kahit di pa kita ganon kakilala, kahit anong sitwasyong pagdadaanan, mahal kita. Kaya wag kang mag-alala. Mahal kita kasi mahal kita.”
Napabaling saglit ang tingin nya kay Griffin ng basagin nito ang katahimikang namamayani sa loob ng sasakyan nila.
"Bro, faster baka dina natin maabutan ang gf mo!"
"Tsss, diko pa sya girlfriend nu! Magiging kami pa nga lang kaya wag ka masyado mag ingay baka mausog pa!"
"Hahaha really Bro, Seriously! Hindi pa kayong dalawa? Haha, pero kung maka react ka parang matagal na kayong mag syota eh."
Napaismid naman si Eruto sa sinabi ni Griffin.
"Hindi ako katulad mo na lahat ng nakapalda pinapatos tsk tsk."
"Syempre! ganun sadya, palay ng lumalapit kaya ako bilang matikas na manok tuka lang ng tuka sayang, kasi, laman tiyan din yun hahaha."
Hindi na lang sya umimik mas binilisan na lang nyang pag mamaneho.. Malapit na sila sa bahay nila Candy ng makaramdam sya ng kakaibang kaba..
'Bakit kaya?'
⚔⚔⚔
"Sigurado kana ba sa pasya mo Candy? Bakit dimu muna hayaang magpaliwanag si Eruto para magka intindihan kayo!"
Magkaharap na nakaupo sa hapag kainan si Alex at Candy. Masyadong seryoso ang usapan ng dalawa na ni hindi man lang nila namalayan ang pagsulpot ng Ama't ina nya. Nanatili lang ang mga ito sa kinatatayuan at nakinig sa usapan ng dalawang diwata.
"Ayoko muna! Kahit anong pag intindi ko sa kanya nauuwi lang din naman sa ganito palagi. Yoko ng masaktan pa lalo Alex."
"Heneral, kasama sa pagmamahal ang masaktan, mabigo, maghintay at umasa. Kaya bakit titigil kana? Panu ka liligaya kung sa umpisa pa lang ay sumusuko kana."
Napahikbi na lang si Candy ng marinig ang madamdaming salita ni Alex. Lahat naman may katotohanan at tinamaan sya sa salitang iyon.
"Tama sila Ama at Ina, hindi nga kami nababagay ni Eruto sa isa't isa.. Magkaiba ang mundong ginagalawan namin Alex."
"Di nga ba sabi mo sakin hindi naman yun hadlang. Ang mahalaga ang pagmamahalan?"
Napahikbi lalo si Candy, at napakagat pa ng kanyang ibabang labi sa pagpipigil na mapabunghalit ng iyak.
"Natatakot sya sakin Alex, kahit hindi sya magsalita nakikita ko pa rin sa mga mata nyang takot at pangamba. Alex hindi nya matanggap ang isang tulad ko! At masakit yun para sakin na halos ikamatay ko kapag tinalikuran na nya ako ng tuluyan."
"Sinaktan ka ba ng lalakeng iyung tinatangi anak?"
Sabay pa silang napalingon ni Alex sa pinanggalingan ng malagom na boses ng kanyang Ama.
"A - Ama!" Nanlalaki ang mga matang sambit nya. At agad na pinahid ang basang pisngi ng mga luha nya.
"Naku lagot! Katapusan na ng pag iibigang Eruto at Candy."
Pabulong na sabi ni Alex sa kanya.. Na ikinabahala naman nya agad, masyadong mahigpit ang Ama nya lalo na sa kapakanan at kaligayahan nya kaya hindi malayong matuldukan na dito ang pagmamahal nya sa binata.
"Ama, Ina! Napaaga naman po yatang pagdalaw nyu dito?"
"E kasi, nakaramdam ako ng kaba para sayo anak kaya napasugod kami dito ng iyong Ama."
Nakangiti man ang kanyang Ina pero batid nyang nababahala rin ito sa galit na nakikita sa mukha ng kanyang Ama.
"Sagutin mong tanong ko Ixeo, sinaktan kaba ng binatang itinatangi mo ha?"
Kinakabahang pilit na pinakalma ni Candy ang sarili at pinanatili ang kalmanteng mukha. Pero sa talas ng pakiramdam ng kanyang Ama di umubra ang pagbabalatkayo nya.
"A - Ama!"
"Wag ka ng sumagot alam ko ng katotohanan, tila nakakalimutan mong may mga kapangyarihan tayo na magagamit sa kahit na anong paraan, para hindi tayo malamangan at masaktan."
Napayuko na lang si Candy at pinigilang magsalita, alam nyang kapag seryoso ang kanyang Ama kahit na anong katwiran pang sabihin nya hindi na ito makikinig pa sa kanya.
"Anak, mahal na mahal ka namin ng iyong Ama at ang hangad lang namin ay ang maging maligaya ka, kaya nga kami pumayag na manirahan ka dito sa mundo ng mga tao dahil sabi mo dito ka sasaya at liligaya. Pero iba ang nakikita namin ngayon sayo anak."
Sumabat naman sa usapan nilang mag Ina ang kanyang Ama na halatang nagtitimpi lang ito ng kinikimkim na galit ng makita syang lumuluha.
"Tayo ng bumalik sa Engkantadya, hindi ko na hahayaang lalo ka pang masaktan ng tagalupa Ixeo, dahil kapag ipinilit mo pang mga gusto mo parurusahan ko ang lalakeng iyon, kaya wag mo akong galitin."
"Pero, Ama! gusto ko po muna syang makausap bago - "
"Wag mo akong suwayin Ixeo! Kung ayaw mong parusahan kita!"
Agad na namagitan ang kanyang Ina, samantalang si Alex ay nakamasid lang sa mag anak. Ayaw nyang makialam kasi ayaw nyang madamay at makatikim ng galit mula sa Amang Hari ni Heneral Ixeo. Malupit ito lalo na kapag isa sa mga kapamilya nito ang nasaktan at naagrabyado.
"Anak, makinig ka na lang sa Ama mo ha! Halika na bumalik na tayo sa palasyo."
Panay ang pagpatak ng luha sa mga mata ni Candy, mabigat ang kanyang pakiramdam na tila ayaw nyang lisanin ang mundo ng mga tao. Gusto nyang makausap muna ang binata para magkaliwanagan sila bago man lang sya bumalik sa Engkantadya. Pero wala na syang nagawa pa ng biglang niyakap sya ng Ama't Ina at sa pagkurap lang ng kanyang mga mata nasa loob na sila ng Palasyong Getah, kung saan sya'y isang prinsesa at Heneral Ixeo ng hukbong sandatahan ng Engkantadya.
'Eruto, Paalam mahal ko...'
💃MahikaNiAyana
BINABASA MO ANG
THE ONE 🗡Assassin Series4✔💯
Spiritual⚔ Eruto Dryad ⚔ Bukod sa pagiging assassin agent nya sa Hainsha Organization, isang Gym instructor din si Eruto. Dalawa lang ang tinatambayan nya, ang headquarters at gym na nagpapasaya sa bawat araw nya. Isa sa mga kleyente nila si Candy Mur...