Tulala pa rin si Eruto habang pinagmamasdan si Brent na wala pa ring malay habang nakahiga ito sa sofa nila Candy.
'Alex, anong ginawa mo sa kasamahan ni Eruto?'
'Ala ah! Ano naman ang gagawin ko sa tagalupa na yan?"
Inosenteng sagot ni Alex kay Ixoe, na may pagdududang nakatingin sa kanya. Sa isipan lang sila nag uusap na dalawa kasi ayaw nyang lalo pang matakot si Eruto. Hinimatay pa nga lang kaibigan nito natulala na eh , mas lalo na kapag may nakita itong kakaiba sa kanilang dalawa ni Alex.
'Kilalang kilala kita Alex kaya wag ka ng maglihim pa sakin, anong ginawa mo sa binatang yan ha?'
Napilitan tuloy magsabi ng totoo si Alex, alam kasi nitong hindi sya tatantanan ng heneral kakatanong kaya nagtapat na sya dito.
"Wala naman akong ginawa, pinatulog ko lang.'
'Yung totoo Alex!'
Seryoso ng mukha ni Candy kaya alam na ni Alex ang kasunod nito.
'Sinabuyan ko ng sleeping potion yun lang pangako heneral wala nakong masamang ginawa sa tagalupa.'
'Hmmmm... Bakit tila nahihirapan akong paniwalaan ang sinasabi mo? Parang meron ka pang hindi sinasabi sakin.'
'Ay grabe sya magbintang sakin! Nakakasama ng loob , nakakasakit pa ng damdamin.'
'Kasi alam kong may kasamang parusa yang sinasabi mong sleeping potion, at huhulaan ko basi sa reaksyon ng mukha nitong tagalupa nasa isang masamang panaginip sya ngayon.'
'Hahaha tama! Nasa masamang panaginip talaga sya ngayon kung saan sinisikap nyang mabuhay sa pakikipaglaban sa mga mangkukulam na nag anyong mababangis na hayop at tinutugis sya para lapain at kainin.'
Naaawang napatitig si Candy kay Brent na pawis na pawis at tila hirap na sa kung anumang kinakaharap nito.
'Tama na Alex, itigil mo na yan pakiusap! Nakakaawa naman ang tagalupang yan, mamamatay ng walang kalaban laban.'
' Hmp! pinahirapan nya kaya ako kanina.'
Nakasimangot na sagot ni Alex sa kanya pero sumunod din naman, yun nga lang may kasamang irap pa sa kanya.
"Bro, anong nangyari sayo?"
Agad na tanong ni Eruto sa kaibigan ng dahan dahan na itong gumagalaw, tinulungan pa nya itong makabangon at makaupo ng maayos. Habang abala ang dalawang lalake sa pag uusap ipinitik naman ni Candy ang kamay na nakatago sa likod nya. Lumitaw sa harap ni Alex ang isang set ng inumin at makakain, nakalutang lang ito sa hangin ni hindi nito kinuha ang mga iyon.
'Kunin mo na at ibigay sa dalawang tagalupa! Yan ang parusa mo sa kapilyahang ginawa mo sa kanila. Hala! lapitan mo na sila at pagsilbihan.'
'Hmp! Kasi naman eh!'
Reklamo pa nito pero sumunod din naman, nangingiti na lang si Candy habang pinagmamasdan si Alex na nagbibigay ng pa meryenda sa dalawang lalake.
"Candy, pasensya na kung na abala kayo namin, pumunta lang naman kami para ipaalam sana sayo na 1month magsasara ang E&S Gym. Mag a abroad kasi si Sundae at may business trip naman ako. Pasensya na kung maaantala ang training mo!"
"Sus palusot pa to e! Pede naman itawag o itext sa cellphone, bakit nag hirap pang pumunta dito?."
Pabulong kunyari ni Alex pero sadya namang nilakasan para iparinig sa mga bisita nila. Natawa na lang si Candy sa inaasal ng kapwa diwata. Lalo na ng makita nya ang makahulugang tinginan ng dalawang lalaki.
BINABASA MO ANG
THE ONE 🗡Assassin Series4✔💯
Espiritual⚔ Eruto Dryad ⚔ Bukod sa pagiging assassin agent nya sa Hainsha Organization, isang Gym instructor din si Eruto. Dalawa lang ang tinatambayan nya, ang headquarters at gym na nagpapasaya sa bawat araw nya. Isa sa mga kleyente nila si Candy Mur...