"Ixoe, ano itong nababalitaan kong madalas kana daw pumupunta sa mundo ng mga tao ha? Anong misyon mo dun?"
"Ina, Candy Mur na po ang pangalan ko, saka may basbas po ng mahal na Reyna Amethyst ang paninirahan ko sa lupa."
Nagkatinginan ang lna't Ama nya sa tinuran ng anak nilang heneral ng Engkantadya.
"Tila yatang nararamdaman kong hindi isang misyon ang pinagkakaabalahan mo dun anak, maari bang malaman kung ano yun?"
Anang Ama nyang si King Etan, kapag ito ng nagtanong kailangan nyang sumagot ng may katotohanan dahil kapag nagsinungaling sya dito may katumbas yung kaparusahan. At ayaw nyang maparusahan, yun ang pinakaayaw nyang mangyari dahil isa lang ang ibig sabihin nun, hindi na sya makakaapak pa sa mundo ng mga tao.
'Ama, umiibig po ako sa tagalupa! Hindi ko po sinasadya! nangyari lang po ito ng hindi ko po inaasahan nung itinalaga ako ng Mahal na Reyna na tagapagbantay ng Prinsesa Ayana."
Kinakabahang paliwanag nya saka tiningnan ang kanyang Ina na nakikinig lang sa usapan nilang mag ama.
"Ina, maaari nyu po ba akong payagan na manatili sa mundo ng mga tao! Sige na po Ina payagan nyu na po ako ni Ama."
"Anak, alam mo naman ang batas ng Engkantadya diba? Ayaw ka naming mapahamak."
Nag aalalang turan ni Jade kay Ixoe, sabay sulyap sa asawang tila malalim ang iniisip.
"Alam ko po ang lahat ng batas dito, kaya nga isinangguni ko na po ang usaping ito sa Mahal na Reyna at pinayagan na po nya ako Ina."
Malapad ang pagkakangiting sabi pa nya, saka lumapit sa Ina at niyakap ito na tila naglalambing.
"Aba'y may magagawa pa ba kami kung mismong si Reyna Amethyst ng nagpasya ng kapalaran mo."
Naiiling na sabi ng kanyang Ama, na lalong nagpasaya sa kanya. Sinugod nya ito saka mahigpit na niyakap.
"Maraming salamat po Ama, pinasaya nyu po ako ng lubos." Saka sumulyap sa kanyang Ina. " salamat po Ina mahal na mahal ko po kayo ni Ama."
Nilapitan at sabay silang niyakap ni Jade, hinalikan pang nuo nya saka tinapik ang braso ng Ama nyang nakayakap pa rin sa kanya.
"Halika na mahal kong Hari, pasyalan natin ang palasyo ng Reyna Amethyst. Narinig ko ang ulat ni Amber na may nakita daw si Lorsan sa pag eespiya nya sa Gaelin."
Bago maglaho ang mag asawa may ibinilin pa si Etan sa nag iisang anak nito.
"Ixoe, mag iingat ka sa mundo ng mga tao! Saka wag mong gagamitin ang kapangyarihan mo kung hindi naman kailangan, baka yan pang maging dahilan ng ikapahamak mo."
"Opo Ama, pakatandaan ko pong lahat ng mga bilin nyu ni Ina sakin, wag po kayong mag alala kaya ko na pong pangalagaan ang aking sarili. Kayo din po mag iingat po kayo palagi ni Ina, mahal na mahal ko po kayo!"
"Anak dalasan mong uwi dito ha! Nalulungkot kami kapag dika namin nakikita!"
"Sige po Ina, dadalasan ko pong uwi dito! Sige po aalis na rin po ako, hanggang sa muli nating pagkikita, Paalam!"
Bitbit ang malaking bag yumukod muna sya sa mga magulang na naluluha ang mga matang nakatingin sa kanya, habang sya naman ay malapad ang pagkakangiti naglaho na sya. Tanging usok na lang naiwan.
Sanay na sanay na sya sa mundo ng mga tao kaya madali na lang para sa kanya ang maglaho at sumulpot sa lugar na naisin nya. Sa bahay ng mag asawang Selya at Gardo sya naninirahan habang ang mag asawa naman ay sa Engkantadya na namalagi kasama ang anak anakan nilang si Prinsesa Ayana at ang kabiyak nitong si Dwarf. Paminsan minsan dinadalaw sya ng mga ito pero ang madalas nyang panauhin ay si Draca at kabiyak nitong si Euri, Si Alex na minsan nagtatagal ng isang buwan bago bumalik ng kahariang Umbra. Kagaya ngayon isang linggo na nyang kasama si Alex sa bahay.
BINABASA MO ANG
THE ONE 🗡Assassin Series4✔💯
Duchowe⚔ Eruto Dryad ⚔ Bukod sa pagiging assassin agent nya sa Hainsha Organization, isang Gym instructor din si Eruto. Dalawa lang ang tinatambayan nya, ang headquarters at gym na nagpapasaya sa bawat araw nya. Isa sa mga kleyente nila si Candy Mur...