⚔Final Chapter

57 10 0
                                    

"Anong ibig sabihin nito Alex? Bakit mo dinala dito ang mga tagalupang yan?"

Dumadagondong ang boses ng Ama ni Candy habang galit na galit nitong ibinagsak ang hawak na tungkod. Naglikha iyon ng malakas na lindol at may nagbagsakang kidlat sa kapaligiran ng palasyong Getah.

"Kamahalan, pakiusap! huminahon po sana muna kayo at pakinggan ang nais kong iparating na salita sa inyo."

Hindi naman naka galaw ang grupo ni Eruto, natutulala na lang sila sa mga kaganapan na nasasaksihan nila ngayon.

"Isa kang lapastangan! Bakit mo sinuway ang utos ko ha? Alam mo ang batas sa kaharian ko."

Ikinumpas Ni Haring Etan ang hawak nitong tungkod na nakaturo kay Alex na nabigla sa tumamang kidlat sa katawan nito na nagdulot ng malalaking hiwa at nagtalsikan ang mga dugo nito sa kung saan.

"Uhhh... P - Patawad Mahal na H - Hari! Gwarkkk..."

Hindi na napigilan ni Alex ang pagsuka ng dugo habang sapo ang bibig nito. Humahangos namang dumating si Reyna Jade at sa likod nito ay si Amber na syang sumundo dito. Lumapit agad ito sa Kabiyak saka niyakap ito para kumalma sana pero lalo lang itong nagalit ng makitang isang tagalupa ang lumapit kay Alex at dinaluhan ang diwata.

"Alex!"

Sa ginawa ni Brent na pagtulong kay Alex, nagsisunuran na rin ang mga kaibigan nito.

"Mga lapastangan kayong lahaaatt! Kaylalakas ng loob nyung magtungo at tumuntong sa kaharian ko ng walang pahintulot."

Kumumpas ang dalawang kamay ng Hari, hindi lang kidlat at lindol ang pinakawalan nito, may ipo ipo na rin na may kasamang ulan ang patungo sa kinaroroonan nila Eruto, pero bago pa yun umabot sa kanila, biglang lumitaw si Candy at pumagitna para apulahin ang daluyong na tatapos sana sa mga buhay nila.

"Ama! Tama na po! Tumigil na po kayo Ama! Parang awa nyu na po!! Tama naaa!"

Umiiyak na napaupo na lang si Candy sa bulwagan ng Palasyo, habang lumuluha ito ng mga brilyante. Natataranta namang nilapitan sya kaagad ng Ama't Ina nito. Isang rason na pinaka iingatan nilang wag mahulog sa matinding emosyon si Candy ay ang pagluha nito ng brilyante na kapag nasobrahan ay ikamatay nito.

Isa rin ito sa dahilan kaya nag iisa lang syang anak ng Hari at Reyna ng Getah, yun ay dahil sa ang kanyang Ama ay isang puting mangkukulam at ang kanyang Ina ay isang diwata. Sa batas ng kahariang Getah hindi pwedeng magsama ang mangkukulam at diwata, dahil malalakas ang kapangyarihan ng dalawang angkan.

Sa pagsuway ng kanyang mga magulang sa propeseya ng Getah isang makapangyarihang parusa ang ipinataw sa kanyang Ama't Ina na kailanman ay hindi na mawawala pa. Siya ang nagtaglay ng parusa at yun ay ang pagluha nya ng dyamante na kung hindi maampat ang paglabas nito sa kanyang mga mata maaaring ikamatay nya ng tuluyan.

"Anak, tahan na! Patawarin mo ako sa nagawa ko! Pinangangalagaan lamang kita, ayokong magdusa ka sakaling magkamali ka sa iyong pasya."

Yakap yakap sya ng mga magulang, at sa narinig na salita ng kanyang Ama, unti unting gumaan ang pakiramdam nya. Ang ipinagtataka nya lang kung bakit tuloy pa rin ang pagluha nya ng dyamante, diba dapat naampat na ito dahil gumaan ng pakiramdam nya? Pero bakit tila yata dumadami pa rin ang nilalabas nyang dyamante.

"Tama na Anak! Kumalma kana, hindi makakabuti para sayo ang patuloy na lumuha,, kaya Anak, tumahan kana!"

Ipipikit sana nyang mga mata para huminto ng pagtulo ng dyamante sa kanyang mga mata ng mahagip ng kanyang paningin si Eruto. Lumuluha rin ito habang nakatingin sa kanya. Hindi ito lumalapit sa kinaroroonan nya, marahil ay natatakot sa kanyang Ama.

THE ONE 🗡Assassin Series4✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon