"Kailangan ko pa bang mag gym para mag work out tayo?"
"Ha"
"Gustong-gusto ko yung taong kahit hindi ako perpekto, Kung mahalin ako ay Buong-buo."
Dagdag na biro ni Candy sa binata. Eh kaso lutang pa rin ito kanina pa simula ng magkita sila, makalipas ang isang buwan.
"Ha"
"Isa pang 'Ha' mo, Hahalikan na kita dyan!
"Ha"
Sa isang kisapmata lang ni Eruto nasa harapan na nya agad si Candy at titig na titig ito sa mga mata nya.
"Ha! Hoy.. Hoy... Teka lang Candy! Sandali naman, hoy! Ba't ang bilis mo? kanina nandun ka ah, pero kumurap lang ako saglit nasa harapan na kita agad? Panu mo nagawa yun ha?"
Nakangising mas lalo pang inilapit ni Candy ang mukha kay Eruto. Magkadikit ng mga tungki ng ilong nila. Nanlalaki naman ang mga mata ni Eruto na napaatras para magkaroon sana ng distansya ang mga mukha nila, pero pumulupot ang mga braso ni Candy sa kanyang bewang kaya hindi natuloy ang balak nya.
"Candy..."
Pabulong nyang sabi habang titig na titig sa mga mata ng dalaga na tila may apoy na gustong kumawala dun. Napalunok si Eruto sa kabang nararamdaman. At ng ngumiti si Candy napaawang ng bibig nya ng makita ang ngipin nito at masilip ang dalawang pangil nito.
"C - Candy, anuka ba talaga! Totoo bang isa kang mangkukulam? Pakiusap sabihin mo na sakin ang totoo mong pagkatao!"
Napapikit na lang si Eruto ng dahan dahan syang yakapin ni Candy.
"Totoo Mahal ko! Isa akong puting mangkukulam.. Matatakot kana ba sakin ngayon? Iiwasan mo na bako ngayon?"
Malalalim ang paghinga ni Eruto, nararamdaman nyang mainit na pagdampi ng hininga ni Candy sa kanyang tenga, sumasakit na ang ulo nya kakaisip ng mga nangyayari ngayon. Nalilito sya sa bilis ng mga pangyayari. Wala syang maisagot kay Candy kaya nanatili lang syang nakapikit habang yakap pa rin sya ng dalaga. Nakikinig lang sya sa mga sinasabi nito.
"Wag naman sana Mahal ko, kasi kaya kong talikuran ang lahat ng meron ako, wag ka lang mawala sa piling ko! Kaya pakiusap manatili ka sa tabi ko Eruto!"
Nabaghan si Eruto sa narinig na mga salita mula kay Candy, nagkaroon sya ng lakas ng loob para magtanong pa ulit dito.
"C - Candy bang totoo mong pangalan o gawa gawa mo lang?"
Kahit nag aalinlangan sa magiging reaksyon ni Eruto, di talaga makapag sinungaling si Candy sa binatang itinatangi...kaya natagpuan na lang nyang sarili na nagtatapat dito.
"Ixoe ang totoo kong pangalan, isa akong Heneral sa kaharian ng Umbra, Nanggaling ako sa mundo ng Engkantadya, kung saan naninirahan ang lahat ng engkantong kagaya ko. Isa akong diwata Eruto, isang diwatang puti na mangkukulam. Ang Ama ko ay isang puting mangkukulam at ang aking Ina naman ay isang diwata."
Napabitaw bigla si Eruto sa pagkakayakap kay Candy at kaagad syang dumistansya dito. Kinikilabutan sya sa mga pinagtapat ngayon ni Candy sa kanya. Diyatat totoo ngang pinagsasabi ni Griffin sa kanya! At kaya pala walang mahanap na impormasyon ang kaibigan nya tungkol kay Candy dahil hindi naman pala ito tao kundi isang uri ng engkanto.
"Eruto!"
Tawag ni Candy sa pansin nya at akma itong lalapit sa kanya pero pinigilan nya ito. Nanginginig ang buong katawan nya , hindi lang sa takot kundi sa kalituhan. At yun ang nakita ni Candy sa mga mata nya ang halo halong emosyon na hindi nya mapigilan at makontrol. Nakita nya ang pagpatak ng mga luha nito na agad nitong ikinubli sa kanya, tumalikod na ito at humakbang palayo..
![](https://img.wattpad.com/cover/238017814-288-k108768.jpg)
BINABASA MO ANG
THE ONE 🗡Assassin Series4✔💯
Espiritual⚔ Eruto Dryad ⚔ Bukod sa pagiging assassin agent nya sa Hainsha Organization, isang Gym instructor din si Eruto. Dalawa lang ang tinatambayan nya, ang headquarters at gym na nagpapasaya sa bawat araw nya. Isa sa mga kleyente nila si Candy Mur...