Ch. 01 - At the Funeral

106 3 0
                                    

Weird.

Ang weird ng pakiramdam ko. Di ko alam kung bakit. Basta ang alam ko, parang may kakaibang mangyayari.

Mangyayari? Ano nga bang mangyayari ngayon? Pupunta lang naman ako sa burol ng tita ng classmate ko sa may Quezon City.

"Cess, matagal ka pa?" tanong ni Div. Div short for Divine. Andrea Divine Gonzalvo. Bestfriend ko. S'ya ang una at matalik kong kaibigan sa pamantasan. Mula noong first day nung first year pa lang kami dito sa Polytechnic University of the Philippines (o mas kilala bilang PUP), kami na talaga ang magkasama. Ako unang nakipag-usap sa kanya noon sa may tapat ng naging room namin at pagkatapos noon, lagi na kaming magkasama. Kahit saan. Kahit saang gimick din, kapag di pupunta ang isa samin, di na rin sasama yung isa. Kaya ngayon, pupunta ako kaya pupunta din s'ya.

Nakatayo si Div sa tapat ng salamin sa Ladies Room sa may Restroom sa tabi ng Charlie Bldg. ng PUP. Tapos na s'yang mag-ayos ng sarili at ako na lang ang inintay n'ya.

"Hindi. Tapos na din." sabi ko habang binabalik ko ang pouch ko sa bag.

"Tara na." aya ko. Isinukbit ko na ang mabigat kong bag sa balikat ko at umalis na kami sa cr.

Weird.

Tahimik kaming naglakad palabas ng campus. Tahimik din naming binaybay ang street ng Teresa.

Sumakay kami sa jeep. Nakasabay namin yung iba naming mga kaklase na pupunta din sa burol. Ilang araw na din kasing di pumapasok si Xyril at napagdesisyunan din nilang icheck s'ya.

Weird. Ang tahimik ni Divine. Madaldal si Div. Di s'ya nauubusan ng kwento. Tatahimik lang s'ya kapag may katext s'ya o nag-i-internet s'ya sa phone n'ya. Yun talaga, di s'ya magsasalita. Pero ngayon, nakalingon lang s'ya sa bintana ng jeep at pinapanood ang mga dinadaanan namin.

"Div." tawag ko. Di s'ya lumingon. "Divide." napalingon din s'ya. "Gusto mo kumain?" tanong ko.

"Pag-uwi na lang." matipid na sagot n'ya. Kinuha n'ya ang phone n'ya. Internet. Napansin kong kasing di s'ya masyadong pumipindot. Kapag kasi nagtetext s'ya, lahat ng button ng phone n'ya mapipindot n'ya.

Nakarating na kami sa bahay ng tita ni Xyril. Katamtaman lang ang laki ng bahay. Nasa garahe ang burol. May dalawang tent kung saan naroroon ang pinaglalamayan at ang mga upuan kung saan nakapwesto ang mga bumibisita.

Ang daming bisita. Nahagilap din ng klase si Xyril at nakausap tungkol sa kalagayan n'ya at sa pagliban n'ya ng mga klase.

Ang init. Ang init sa garahe. Ganoon din kaya sa loob ng bahay.

"Div. May pamaypay ka dyan?" tanong ko. Agad naman akong inabutan ng pamaypay ni Divine.

Nagpaypay ako sa sarili pati na din sa kanya.

Nakapikit si Divine. Bakit kaya? Hapon pa lang naman. Di naman ganoon karami ang ginawa namin sa university kanina para mapagod s'ya ng sobra. Payat si Divine pero di yun dahilan para mapagod s'ya agad. Malikot nga s'ya eh.

"Div. Samahan mo ko, CR tayo."

"Sige. Asan ba si Xyril ngayon? Pasama din tayo."

Umalis kami sa tent at pumasok sa bahay.

Antique. Ang daming mga lumang bagay sa loob ng bahay. Mga kahoy pa ang mga cabinet at mga lamesa, pati na din ang pinapatungan ng TV at mga stereo.

Nakita namin si Xyril sa may sala. Nagpaalam kami at sinamahan n'ya kami sa may banyo.

"Ay, teka muna. May tao pa. Upo muna kayo jan. Antayin n'yo na lang lumabas." sabi ni Xyril at pinaupo kami sa mga upuan malapit sa may CR.

Nagpasalamat ako bago n'ya kami iwanan.

In Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon