Ch. 05 - The Tough Gets Going

13 0 0
                                    

Pagkalipas ng tatlong araw...

"Divine. Okay ka lang?" tanong ko. Tahimik na naman sya. Minsan, natutulala din sya.

"Oo."

"Di ka okay. Sabihin mo. May nangyari ba?"

Napatingin lang s'ya sakin. May ibig sabihin ang mga tingin n'ya. Kahit nga kilos n'ya nag-iba ng bahagya, kaya alam ko talaga na may something kay Divine ngayon. Medyo mahirap hulaan yung mga nararamdaman n'ya, kahit pa noon, dahil di n'ya agad yun ineexpress.

Tinitigan n'ya lang ako. "Princess." huminga s'ya ng malalim, "Nasa bahay pa s'ya."

"Oh my God." 'di ko alam yung mararamdaman ko. Parang ang hirap paniwalaan pero alam kong totoo yun. "Talaga?" tanong kong naninigurado.

Tumango lang s'ya sakin.

Heto na naman akong matanong.

"Asan s'ya?"

"Sa may banyo? Minsan kasi di ko s'ya nakikita o nararamdaman, basta naglalakad s'ya sa may kusina hanggang sa may banyo."

"Kinakausap ka pa ba n'ya?"

"Di na. Tsaka ayoko na. Baka di na kayanin ng katawan ko."

I want to laugh at that. Payat kasi si Divine.

"Ano itsura n'ya?"

"White tshirt, naka-maong ata s'ya. Alam mo ba, Cess, ang tingkad n'ya. Ganun kapag bagong...alam mo na...tapos ang lakas pa nila."

"Sa tingin mo, kailan s'ya aalis sa inyo?"

"Di ko alam eh. Di ko rin kayang paalisin s'ya sa bahay."

Tahimik ulit kami. 30 minutes before class. Kami pa lang ni Divine dito.

Napatingin ako sa Freedom Park.

Totoo ba na pwede talagang mangyari ang mga ganito? Ang hirap paniwalaan pero naniniwala ako. Magulo utak ko tungkol dito pero nagtitiwala ako kay Divine.

"Princess! Divine!" napalingon ako sa may hagdan at nakita kong naglalakad si Xyril papunta samin. Nginitian ko lang sya.

"Nakahanap na kayo ng company for OJT?" tanong n'ya.

"Wala pa eh. Maghahanap pa lang." sagot ko.

"Hanap tayo bukas." aya ni Divine sakin.

"Sige," sagot ko sa kanya, "Meron ka na ba, Xy?"

"May interview ako bukas, sana matanggap na ako."

"Good luck, Xyril."

"Thanks." Xyril paused, "Div, may tanong lang ako."

"Sure."

"Hmm.. Nasa bahay n'yo pa ba s'ya?"

Napatingin si Divine sakin bago s'ya tumingin kay Xyril.

"Andoon pa s'ya." ngumiti s'ya na parang pilit. Gusto atang i-deny ni Div ang katotohanang andoon pa sa bahay nila yung spirit ng Tita ni Xyril.

"Ah..okay..thanks.." yun lang ang naisagot ni Xyril.

Nagsimula nang dumating pa yung iba naming kaklase kaya di na kami masyadong nakapag-usap.

---

Lumipas ang tatlong araw...

"Ma, unli ka?" tanong ko kay Mama. Katatapos lang namin maghapunan at tapos na din akong maglinis ng kusina.

"Oo, anak. Nasa kwarto yung cellphone ko." sagot ni Mama.

Dali-dali akong pumunta sa kwarto at kinuha ang cellphone ni Mama. Agad kong ini-dial ang number ni Divine kasi may sasabihin akong importante.

Nag-ring.

"Hello."

"Div!"

"Oh?"

"May good news ako."

"Ano yun?"

"Natanggap tayo dun sa in-apply-an nating company."

"Talaga?"

"Oo. Tumawag sakin yung HR Manager kanina pag-uwi ko. Sabi n'ya pwede na daw tayong mag-start."

"Sa Wednesday na di ba?"

"Oo."

Saglit na katahimikan.

"Princess."

"Oh, bakit?"

"Anong ginagawa mo? Bakit ang ingay?" tanong n'ya.

"Wala naman. Naglakad lang. Galing ako sa kwarto nila Mama. Andito na 'ko sa kwarto ko ngayon. Bakit?"

"Wala naman. Ang ingay kasi. Akala ko nasa tabi ka ng TV."

"Di ah. Nagbabasa lang ako dito. May book ka ng HP di ba? Peram ako."

"Oo. Sige, dalhin ko bukas."

"Sige. Salamat."

"Teka, Princess. May maingay talaga eh."

"Ha? Wala naman ah. Nasa sala sila Mama. Di naman malakas yung volume ng TV."

"Nasa kwarto mo ba yung kapatid mo?"

"Wala ah. Tulog na yun. Maaga nakatulog yung batang yun."

Tahimik ulit.

"Div?"

"Princess. May bumubulong talaga eh."

"You mean--"

"Oo?"

"Shocks. Sige na Divine. Bye na. End call na."

What was that?!?

Grabe yung kaba ko.

Alam ko na meron talagang spirit dito sa bahay pero di ko inakala na ganun sila magpaparamdam sakin.

Una, ung doppleganger. Ngayon naman, bulong.

Kailangan kong itext si Divine.

"Divine, okay ka lang?" kung nagkakaganito ako, what more sa sya na mismong nakakakita o nakakarinig?

"Okay lang. Pray na lang tayo." reply n'ya.

"Div. Bata ba yung narinig mo?"

"Oo! Bata!"

Sabi na nga ba eh.

***

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 16, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon