Ch. 04 - The Going Gets Tough

15 1 0
                                    

Ch. 04 - The Going Gets Tough

Nagkita kami ni Xyril sa LRT station sa may Pedro Gil.

Di na ako nagtaka kung bakit gusto ni Divine na isama ko si Xyril. Alam kong tungkol yun sa Tita n'ya.

Kinikilabutan pa din ako sa nangyari nung isang gabi, pati na din yung nangyari kahapon nung pagkagising ko. Sabi ni Mama, wag ko na lang daw pansinin yun. Normal na lang yun sa bahay. Pati si Mama nakakakita din ng kung anu-ano sa bahay. Sabi pa ni Mama, wag na lang daw namin silang gambalin.

"Princess, bakit mo ba ako sinama?" tanong ni Xyril nung naglalakad kami papasok sa ospital.

"Sa tingin ko, si Divine na lang tanungin mo." sagot ko.

"Okay." sabi n'ya. Naging tahimik ulit kami. Di naman kami ganun ka-close ni Xyril kaya di ako masyadong nagkukwento sa kanya.

Dumeretso kami sa elevator. 3rd floor, left side. 4th room.

Papa lang ni Divine yung andoon. Bumati kami ni Xyril sa kanya. Nagpaalam ang Papa n'ya na may bibilhin lang daw at lumabas s'ya.

"Div, okay ka na?"

Nag-nod lang s'ya sa tanong ko.

"Xyril." tawag n'ya.

"Hi Div." nakangiting kumaway si Xyril.

"May sasabihin ako." umpisa ni Divine. Kinabahan ako bigla. Di ko alam kung anong magiging reaksyon ni Xyril sa malalaman n'ya tungkol kay Divine, lalo na sa magiging reaksyon naming dalawa ni Xyril sa kung ano ba yung nangyari kagabi.

"Tungkol saan?"

"Sa akin at sayo."

"Teka, open forum ba to?"

"Hindi. Personal 'to. At gusto ko munang mangako ka na kahit ano pa mang malaman mo ngayon, wala kang pagsasabihan kahit kanino."

"Ah..okay.."

Tumahimik saglit.

"Div, kailangan ko bang lumabas?"

"Hindi. Dyan ka lang." sagot n'ya sa tanong ko.

"Xyril. Ilang araw ng..wala ang Tita mo?" tanong ni Divine.

"18 days. Bakit?"

Napapikit si Divine. Bakit kaya? Napahinga din sya ng malalim.

"Xyril. Sa sasabihin ko, gusto kong maging open minded ka." tumango si Xyril. "Ganito kasi yun. I can see dead people."

"What?" mouth agape, Xyril gasped.

"Nakakakita sya ng spirits. O yung tinatawag nating 'mumu'." paliwanag ko.

"Seriously?"

"Oo. Di ko sinasabi to kahit kanino except sa parents ko at kay Princess. At ngayon, sayo. Ayokong may ibang makaalam nito kasi ayokong isipin nila na isa akong baliw, freak." nangingilid ang luha ni Divine. Napakasensitibong topic nito para sa kanya. Ngayon lang siguro s'ya nag-open sa ibang tao.

Nagpatuloy si Divine. "Natatandaan mo ba nung pumunta kami sa bahay n'yo? Nakita ko Tita mo sa banyo. Nung kumakain kami, nakabantay s'ya sa likod namin ni Princess."

OMG. This is a revealation.

"At kagabi. Naka-usap ko Tita mo."

"Pano mo nalamang Tita ko nga yung nakita mo?"

"Nung nakita ko yung picture n'ya sa may kabaong n'ya, dun ko nalaman na Tita mo pala yun. Akala ko house spirit lang. Idedescribe ko pa ba s'ya? Payat, mahaba ang buhok na medyo kulot, singkit, may maliit nunal sa pisngi."

Tumulo yung luha ni Xyril. That explains Divine is correct.

"Xyril. Di ko alam kung ano nangyari pero nasa bahay namin s'ya since Friday night. At kagabi, di ko na alam ang gagawin ko kaya, pumayag na akong kausapin ko s'ya. Nagtataka s'ya kung bakit s'ya na sa bahay. Xyril, sorry kung nung una, tinanggihan ko yung Tita mong makipag-usap. Natatakot ako kasi baka hindi ko kayanin. Baka hindi kayanin ng katawan ko. At ito na nga yung resulta, naospital ako kasi sinubukan ko." umiiyak na si Divine. Ganun na din si Xyril. At pati na rin ako. Di ko matiis na makitang umiiyak si Divine.

"Anong sinabi n'ya?" tanong ni Xyril. Interesado na sya.

"Bukod sa nalilito s'ya kung bakit s'ya nasa bahay namin, hinanap ka n'ya sakin. Ang sabi ko lang, classmate mo ako. Sabi pa n'ya, pasensya na daw kasi di na s'ya umabot ng graduation natin, pasensya na daw kasi di ka na n'ya makikitang umakyat ng stage at makapagtapos." tumigil si Divine.

Humagulgol naman si Xyril. Siguro sobrang malapit si Xyril sa Tita n'ya. Nakakalungkot.

"Xyril. Bahala ka na daw sa anak n'ya. Bahala ka na daw sa bahay n'ya. Lahat daw yun ibibigay na n'ya sayo."

Sa tingin ko, di mapipigilang ang pag-iyak ni Xyril ngayon.

Nagkwento si Xyril ng tungkol sa kanila ng Tita n'ya. Sabi ni Xyril, baka daw natawag ni Divine ang spirit ng Tita n'ya.

"Div, natatandaan mo pa ba kung anu-ano mga sinabi mo? Baka nga natawag mo s'ya?" tanong ko.

Nag-isip si Divine. Maya-maya ay napatungo s'ya.

"Natawag ko nga ata s'ya." malungkot na sinabi n'ya.

"Anyone can call a spirit." sabi ni Xyril, "Yung mga pinsan ko nagawa na nila yun dati, at may natawag nga sila."

"Yan. Wag mo na uulitin yun." sermon ko, ayoko na mangyari to ulit. Nakakatakot. Baka kung anu pang mangyari uli kay Divine. "Careful ka na dapat sa mga words mo, in case na ganito yung pinag-uusapan."

"Oo na." sagot ni Divine.

Naging maayos na ang mood naming tatlo. Nagkwentuhan kami ng kung anu-ano. Naglolokohan pa kami na merong spirit sa ward ni Divine, sa tingin ko meron nga.

Nagpaalam na kami para umalis. May pasok na ulit bukas, pero di pa papasok si Divine.

---

In Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon