Ch. 03 - The Encounter

23 1 1
                                    

Ch. 03 - The Encounter

Lumipas ang Sabado tulad ng dati. Bored. Di din ako makagawa ng mga assignment kasi madaming gawaing bahay. Pero kahit madaming ginagawa bored pa din ako.

At dahil di ko na talaga matiis ang pagkainip ko, pupunta ako kina Divine.

Maikli lang ang byahe, di gaanong mabagal ang traffic. Pinapasok ako sa bahay ng Mama n'ya. May sakit si Divine at nasa sala s'ya at kumakain.

"Div. Bakit nagkasakit ka? Ano bang pinaggagagawa mo?" bati kong pabiro. Ngumiti lang s'ya at nagpatuloy sa pagkain.

Iniwan kami ng Mama n'ya para maggrocery. Buti na lang daw dumating ako at may makakasama si Divine. Ako na ang nagligpit ng pinagkainan ni Divine. Umupo na lang s'ya sa sala at nanood ng TV.

Ang tamlay ni Divine. Pasara na ang mga mata n'ya na parang matutulog na bago ko s'ya iwan sa sala para maghugas.

Nakakapagtaka. Kanina naririnig ko pa s'yang tumatawa ng mahina. Ngayon ang tahimik.

Binilisan ko na ang paghuhugas at pumunta sa sala.

Nadatnan kong nakaupo ng ayos si Divine sa couch kung saan ko s'ya iniwan kanina. Hindi s'ya nakasandal at ang mga kamay n'ya ay nasa lap n'ya.

Nakatungo s'ya.

Lumapit ako ng konti. Nabalot ang buong katawan ko ng kilabot.

Nakapikit si Divine.

Umungol.

Is she possessed?

"Div." tawag ko. Di s'ya sumagot.

Narinig ko ulit s'yang umungol. Parang may salitang nabubuo.

"Nasaan ako?" rinig kong bigkas n'ya.

"Div. Okay ka lang?" kinakabahan na ako.

"Gusto ko ng umuwi." sabi n'ya.

Ano? "Div. Nasa bahay ka. Ano bang pinagsasasabi mo jan?" nanginginig yung boses ko sa kaba.

Tumulo ang mga luha ni Divine. Dios ko. Di ko na alam ang gagawin ko.

Ang Mama n'ya. Tama. Tinawagan ko na ang Mama n'ya. Matagal bago n'ya nasagot.

"Tita, asan po kayo?"

"Bakit ganyan ang boses mo, hija? May nangyari ba? Kamusta na si Andi?"

"Tita, si Divine po. Di ko alam ang gagawin ko."

"Dios ko, ano bang nangyayari dyan?"

"Tita, para pong kinukumbulsyon s'ya. Di ko po alam. Nagsasalita po s'yang mag-isa at umiiyak."

Naputol yung tawag. Sana umuwi agad si Tita.

Gigisingin ko ba si Divine o ano?

Lumapit ako sa kanya. Ang init sa paligid n'ya. Grabe. Parang nag-aapoy s'ya sa lagnat.

"Divine." napaiyak na ako nang hinawakan ko yung balikat n'ya. Ang init n'ya.

Shit! Tita, asan ka na ba?

"Divine," tawag ko ulit. Tumayo na ako sa harap n'ya at hinawakan ang magkabilang balikat.

Nagdasal ako saglit.

"Divine, ano ba!"

Napadilat s'ya. Bumuhos na ang luha n'ya. Niyakap n'ya ako, "Cess," hagulgol n'ya.

Niyakap ko na din s'ya. Wala na akong pakialam kung gano s'ya kainit.

Di ko alam kung bakit s'ya nagkagano'n. Di ko alam kung ano ba at para saan yung mga sinasabi n'ya kanina.

In Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon