Ch. 02 - What She Sees

36 0 0
                                    

"Hi, Divine! Hi, Eunice!"

Napatingin kami sa taas. Sa taong nasa harap namin, si Mike. Bumati din kami. Di ko inakala na dadating din s'ya ng maaga.

Natahimik lang kami ni Divine. Di n'ya naituloy ang pagkwento sakin tungkol sa kakayahan n'yang makakita ng mga kaluluwa.

---

Lumipas ang dalawang klase na distracted ako. Di ko magawang ialis sa isip ko ang sinabi ni Divine.

Nakakakita s'ya. Sa totoo lang, nakaramdam ako ng inggit. Matagal na akong nakakaramdam ng kung anu-ano sa bahay namin. Naririnig ko din sila at minsan pa, naaaninag o namamalik mata ako na para bang may bata o puti sa gilid ng mata ko. Sanay na ako. Pakiramdam ko, gusto ko ng mag-level up at makakita ng totoo. Ang weird ko talaga.

"Princess Eunice." may tumawag sakin. Nakalabas na ako ng classroom. Nakita ko si Divine na nag-iintay sakin. Nakasandal s'ya sa bakal na bakod sa corridor.

Fair weather. Napatingin ako sa baba at nakita ko ang Chapel. Chapel. May mga estudyanteng nakatambay doon at kumakain. Right place para ipagpatuloy namin ang pag-uusap.

"Divine. Kain na tayo." aya ko sa kanya.

Naglakad kami papunta sa hagdan ng north wing malapit sa dome at doon bumaba. Bumili kami ng pagkain. Inaya ko si Divine na sa may Chapel kami kumain. Pumayag s'ya.

"Divine," tawag ko sa kanya, "May nakikita ka ba dito? Sa loob ng Chapel?" tanong ko. Nasa may entrance kami, tapat ng oval at building ng College of Nutrition. Solo namin yung lugar.

"Gusto mo talagang malaman?" tanong n'ya. Mukhang nag-aalala s'ya sa akin na baka matakot ako.

"Oo." desidido ako. Kinakabahan din ako sa sagot n'ya. Pero gusto kong malaman.

"Meron." mas lalo akong kinabahan sa sagot n'ya.

"Ilan?" tumingin s'ya at inikot ang mga mata n'ya sa loob ng Chapel.

"Tatlo sila. Andun sa may electric fan sa kabila."

Nagtatalo sa isip ko kung titingin ba ako o hindi. At dahil gusto ko ngang makakita, lumingon ako. Yung puso ko gusto ng kumawala sa dibdib ko. Yung mga balahibo ko, lahat nakataas.

Hinanap ko yung electric fan. Wala. Wala akong nakita. Di ata talaga ako nakakakita. Tumingin ulit ako kay Divine.

"Div, di ka ba natatakot?"

Napatingin s'ya sa baba. "Natatakot din. Pero sanay na ako. Wag lang silang lalapit sakin."

Tinapos ko na lang yung pagkain ko. Ganun din si Divine. Di ko alam kung ano yung una kong tatanungin sa kanya.

"Div." simula ko, "Madami ka bang nakikita dito sa school?"

Tumango lang s'ya. Tinanong ko kung saan.

"Madami sila. Pagala-gala lang. Sa may Charlie. Sa NALLRC. Sa library, parehong Filipiniana at Reference."

Dios ko. Nakakagulat na. "Ano sila?"

"Parang mga janitor."

"Nasubukan mo na bang makipag-usap?"

Umiling lang s'ya,

"Paano ba nagsimula?" tanong ko. Heto na. Mahabang paliwanagan at kwento ang maririnig ko mula kay Divine. Detalyado s'yang magkwento kaya nakakatuwang makinig sa kanya.

"Noong elementary pa lang ako. Grade 5. Balita na talaga sa school namin, di ko na sasabihin kung anong name ng school ah, na may mga ligaw na kaluluwa doon. Madaming kwento yung kumakalat sa lugar na may mga nakikita daw silang mga teacher at estudyante na nagmumulto sa elementary building." napahinto s'ya. Tumingin s'ya sakin. Nagtatanong ang mga mata n'ya kung nakakasunod ba ako sa kwento n'ya.

In Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon