Jaydee's POV
"Pa, may pala?" Tanong ko kay papa pag kagising ko palang.
"Gagawin mo sa pala?"
"Basta" tinuro din naman nya
"Wag mong bugbugin yung sarili mo sa pag kamatay ni kenjie." Hindi ko nalang yon pinansin.
Inayos ko yung mga gagamitin ko sa pag huhukay mamaya, pag katapos non ay nag ayos nako ng sarili
Pag katapos kong kumain ay nag handa nakong umalis, hindi na din naman ako tinanong ni papa kung saan pupunta.
Sa sobra kong tagal matulog at mag ayos kanina, 4 nako naka alis.
Sobrang pagod ang inabot ko kahapon kaya napaka sobrang late akong nagising eh.
Dumating din naman agad ako don sa pakay kong lugar. Walang patumpik tumpik ay hinukay ko agad yon.
Ang una kong hinukay ay yung kay kenjie, hindi naman ganon kalaliman yung pag kakahukay, kaha natapos agad ako don ng wala pang kalahating oras.
Nakita ko yung ataol nya. Looking at it feels shit. "Patawadin mo ko" bulong ko
Binuksan ko na yon ng hindi nag aalinlangan
"Bingo" may sumilay na ngiti sa labi ko ng nakita kong walang bangkay na naka higa don.
Sinunod ko naman ay yung katabing nilibing. Wala din.
"Last" sabi ko at pinukol yung yosi. Mag aalasais na ng natapos kong hukayin yung pangatlo.
Binuksan ko yon at nakita ang inaasahan. Wala ding laman.
Kinuha kaya nung mga nag huhukay dito kagabi yung mga bangkay. Umakyat nako at umupo saglit.
Naka ramdam naman ako ng mga matang naka tingin sakin, oarang gusto akong patayin o sakmalin
"Oh. Come on, pangatlo na to oh" bulong ko.
Walang utak yata ang sumugod sakin dahil nadinig ko ang pag takbo nya papunta sa pwesto ko.
Hindi ko dala ang pocket knife ko pero. "Mas madaling makatama ang pala" kasabay ng pag tingin ko ay ang pag wasiwas ko ng pala.
Sapul. Bagsak. "Hmmm? Iba ngayon?" Hindi sya yung kahapon na sumugod sakin.
Wala syang malay, or worst, baka napatay ko sya sa sobrang lakas ng oag hampas ko sa ulo nya
Nilapitan ko yung katawan nya "don't you dare die on m-" napatigil naman ako ng hawakan mo sya
Cold
Sunod kong hinawakan ay yung pulsuhan nya.
Wala
Pati puso nya
Wala
"Are you fucking kidding me?" Is he dead?
No, hindi ako ang pumatay sakanya. Wala syang body heat from the very beginning, it means "you're a living dead" may ngiting lumabas sakin
No, now is not the time, hinila ko yung katawan nya papunta sa isang hukay na hinukay ko.
"Good thing na nag dala ako ng martilyo at pako." Nag dala ako kahit hindi ko alam kung saan ko magagamit.
Nilagay ko sya don sa isang ataol at pinako ang kamay nya don. Wala man lang reaction, maybe he can't feel pain?
Tinapos ko agad yon, umakyat at binuhusan ang katawan nya, hindi ko sya nilibing agad don.
Sakto lang para pag kadilat nya ay may makikita pa sya kahit pano, pero hindi sya makaka alis

BINABASA MO ANG
Anástasi
ParanormalA village with an uninvited guests. A girl who wants forgiveness.