Chapter 6

10 0 0
                                    

jaydee's POV

Wala si Doc sa Clinic ng pumunta ko ngayong araw, yung nurse lang ang naabutan ko don.

Umalis daw si Doc kasi may Emergency ulit "may new case po ba nung sakit?" Hindi pa alam ng taong bayan na may sakit na kumakalat ngayon

"Oo, may mga bagong cases ngayon and ayaw nilang mag pa check up kaya si doc na ang pumunta"

Wala naman akong pupuntahan ngayon kaya naisipan kong tumambay muna sa clinic at makipag usap sa nurse nato

"By the way, ano po ba pangalan nyo?" Ilang araw nakong napupunta dito pero hindi ko alam pangala nya eh

"I'm Raiza Caril Cruz." Pakilala nya. To be honest gusto ko lang mapa ikot yung usapan para matanong yung pakay ko

Nag usap pa kami ng medyo matagal, nung napansin kong nag oopen na sya sakin ay tinanong ko na "yung mga nakita pong bangkay last time " yung nasa sampu tinutukoy ko "hindi nyo po bang triny na ma autopsy?"

Umiling muna sya bago sumagot. "Higit 24 hours na silang patay ng makita. Kaya wala na din magagawa ang autopsy"

So pano yung death certificate ng mga yon? "Heart failure ang nilagay ni doc sa mga death certificate ng mga yon since hindi nya alam kung pano pinatay "

Nababasa nya isip ko! Run!

"Eh yung mga cases pong hindi pa nakikita? May ginawa na po ba yung village? Or kahit mga pulis o barangay?"

Since nandito na ang usapan, isagad na natin.

"May ginawa sila para mahanap. Kaso in the end, hindi din sila na hanap" so pwedeng sa malayong lugar sila na itapon ng pumatay

Napansin ko naman na parang may naisip si Ms Raiza "come to think of it, lahat ng namatay nito, kapamilya nila yung mga nawawala pang bangkay"

Huh?

A serial killer and a deadly desease, may connection kaya to? I want to dig some more "eh yung mga new cases po na sinabi nyo kanina? Kapamilya din po ba nila?"

Nag isip isip sya sa tanong ko. "Oo, kung tama ako. Kapamilya pa din nung mga nawawala yung mga bago ngayon" the pak?

Na isip kong itanong sakanya yung may pangalan na dea na nawawala pa din. Na sinabi ni kenjie na nakita nya last time

"Kilala nyo po ba yung dea ang pangalan na nawawala?"

"Dea, dea, dea. Dea! Oo kilala ko, kasing idadan mo lang yon kung tama ako." Sabi nya, hindi yon ang mahalagang sagot para sakin.

"Pwede po bang malaman kung saan yon naka tira?" Pumayag naman sya at sinabi sakin kung saan.

If kung mga kapamilya nung mga nawawala ang nag kakasakit ngayon, mapapa tunayan ko kung may iba ng nagaganap dito.

Pag kadating ko don sa address na binigay ni Ms raiza sakin ay kumatok agad ako.

May lumabas agad don. "Hello po." Ngiti ko

Isang lola ang lumabas don at nag bukas ng pinto para sakin "oh iho? Ano kaylangan mo?"

"Tanong ko lang po kung kayo ang pamilya ni dea? You see, dati ko po syang kaibigan dito" sabi naman kasi ni kenjie yon, ginamit ko lang para mapalapit sa pamilya

"Oo kami nga. Ikaw bayan jaydee?" I think naaalala pa nya ko. Tumango naman ako sakanya "lumaki kana simula noong huli kitang nakita, halina't pumasok ka muna"

AnástasiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon