Jaydee's POV
"Lena!" What an old school name. Malamang yung magulang nya mahilig manood ng kung ano ano kaya nakakuha ng ganong idea
"Pa, nandito nako~"
"Wala ka yatang gana ngayon?" Puna nya sakin kasi walang kabuhay buhay boses ko
"Gutom lang. Noddles lang kasi nakain ko" sabi ko sakanya. Tapos may rason din na ang layo ng nilakad ko
"Kumain ka na don. Matutulog nako, anong oras na din oh" oo nga, late nakong nakauwi.
Pero hindi man lang ako sasabayan ng erpat kong to. Well, at least mukhang hinintay nya ko
"Eh sa Diyos? naniniwala ka?"
Naalala ko yung sinabi nung bata nayon kanina, bat kaya nya tinanong yon?
And while she's asking that, i can feel the sadness in her voice.
Naka tapos nakong lahat kumain pero ayon pa din nasa isip ko. Bat na tanong ng bata yon?
Better ask her tomorrow and don't stress myself tonight
Baka pag ka alis ko dito sa bayan nato itim na labi ko
Kinuha ko yung damit kong suot kahapon sa marumihan, and i can smell it. Yung pag medyo basa tapos na tuyo lang sa loob ng bahay
Smell good
Pabanguhan ko to bago dalhin kay Doc Del bukas.
Nagising ako ng medyo late na din, 1 pm na ng nagising ako. Nag ayos muna ko ng itsura bago lumabas ng kwarto ko
"Pa, pagkain?" tanong ko sa erpat kong nakahiga.
"Itlog, tinamad ako mag luto" sabi nya sakin at tinuro yung mesa
Halata ngang tinamad sya, hindi lang sa pag luto. Pati sa pag linis.
Naligo nako pag katapos kong kumain "aalis ka ulit?" Tumango ako sakanya "san mo dadalhin yang mga gawa mo?"
Hindi man lang nya pinansin yung isa ko pang bitbit. Mas nakakapag taka kaya kung dala ko yung sinuot kong damit last time kahit hindi pa nalalabhan
"May gustong makapag basa eh, papahiram ko muna yung copy" paliwanag ko.
"Okay" sumenyas naman syang lumayas nako. Na gagawin ko naman kasi ayon naman talaga gagawin ko
Napaka sakit ng araw sa balat. Pero dahil wala akong payong ayun, no choice. Tamang lakad sa init
Pag kadating ko don sa clinic ay naka abang na si Doc sakin "hindi ka yata busy doc?" Simula ng napunta ako dito, lagi ko syang naaabutang walang ginagawa
"May mga problema kasi sa mga may sakit sa bayan nato. Ayaw nilang mag pa confine dito. Kaya pumupunta lang ako sa mga bahay nila minsan"
That explain it. Inabot ko naman sa kanya yung dala kong damit. Napuna din nya yung mga copy ng stories na dala "san mo dadalhin yan?"
"May gustong mag basa doc, ipapahiram ko lang saglit" sabi ko.
Alas tres palang kaya may limang oras pako para tumambay dito. Uumpisahan na nya yung pag examine don sa damit ko. Mag hahanap siguro sya ng DNA don.
"Pwedeng sumama doc? Panoodin ko lang kung pano mo ginagawa" curious lang ako kung pano nya gagawin.
"Pwede naman" sumunod nako sa kanya don sa isang kwarto. May mga nilabas syang gamit don. Tapos tinignan tignan yung damit
BINABASA MO ANG
Anástasi
ParanormalA village with an uninvited guests. A girl who wants forgiveness.