Jaydee's POV
Sobrang late nako nagising ngayong araw anak ng tupa, dahil sa pagod ko kahapon siguro to.
Tinatamad pakong tumayo sa kama ko. "Nak!" Kumakatok si papa sa pinto "kumain ka na nga!" Pumasok sya at nakita akong gising
"Pa pagod ako, tatamad akong tumayo" sabi ko sakanya. Mukha namang ayaw nyang bilhin sinabi ko
"Bat ka naman pagod?"
"Tinulungan ko si Doc del kahapon sa mga emergency." Sabi ko sakanya ng straight forward.
"Di nga? Edi nakita mo yung limang patay ngayon sa bayan na to?" Lima? Ang alam ko dalawa lang
"Lima?"
"Palusot ka lang pala eh, tumayo kana dyan! Hinintay pa kita bago kumain din!" Palusot daw kahit nag sabi naman ng totoo.
Tumayo nako at nag ayos ayos kahit pano pag kalabas ko don nakita ko si erpat na naka upo at kumakain na.
"Pa? Alam ko kasi dalawa lang yung namatay kagabi, panong naging lima?"
"Madaling araw yata naganap yung ibang pag kamatay." Sagot nya, so that explain it.
"San mo na dinig yan?"
"Ano kaba? Nasan ba tayo ngayon? Syempre tsismisan sa labas" kahit saang parte ka naman ng pilipinas may tsismisan eh, bat diko naisip agad yon?
"Pumunta ka nga pala kayla kenjie mamaya, pumunta dito kahapon wala ka." Hassle, mamaya pa sana ako lalabas.
Tinapos ko na yung pag kain ko, then normal rotation, naligo nag bihis, nag sapatos at "pa! Layas nako!"
"Go lang!" Nakipag sigawan sa erpats ko.
Nag lakad nako papuntang bahay nila kenjie. Tamang tingin pa ko sa ibang bahay, saan kaya naka tira yung lena na yon?
Pag kadating ko don ay pinapasok agad ako ng parents nya, pumunta ako don sa kwarto nya na tinuro lang din sakin
"Yo kenjie! Kaylangan mo kahapon?" Hmmm? Namumutla sya? Lumapit agad ako sakanya at kinapa yung noo nya, no fever. I also checked is pulse. Not stable, masyadong matulin.
"I-i saw her yesterday" sabi nya habang nangangatog.
"Who?"
"D-d-dea" huh? Akala ko ba crush nya yung tao? Bat parang natatakot sya?
"Kumalma ka nga!" Sigaw ko sa kanya. Mukha namang natauhan sya don. Hinintay ko pa syang kumalma bago ulit tanungin "when did you saw her?"
"Nung pa uwi nako galing senyo" bumalik na nga pagiging kalmado nya
"Now, what's up with that reaction? Akala ko ba crush mo sya? Di ba dapat matuwa ka?" Ayon yung pinag tataka ko. Paanong parang natatakot pa sya, napa tunayan na nga nyang buhay yung tao eh
Tinignan naman nya yung kamay nya. Nangatog ulit sya at parang nawala yung pag ka kalma "n-nung h-hinawakan k-ko s-ya" wait. Baka kinikilig lang to?
"Ano kinilig ka?" Biro ko at tumawa, kaso na natili padin yung tingin nya sa kamay nya
"S-she don't have a pulse, a-and s-she's cold"
Nag taka naman ako don? Are you telling me na she's dead? "Are you saying that she's dead?" Tumango naman sya. "Then, ano ginawa mo nung hinawakan mo sya?"
Bigla namang na iyak si kenjie. Hindi ko sya pinigilan, his old enough. "I! I run of course!"
In his state of mind right now, hindi ko sya makaka usap ng matino. "I got it, that's how human will react" tumayo ako don sa pwesto ko at nag handang umalis "well, for now. Mag pahinga ka muna"
BINABASA MO ANG
Anástasi
ParanormalA village with an uninvited guests. A girl who wants forgiveness.