Entry #5

15 2 0
                                    


Ewan ko pero hindi ako yung taong nagdadiary o sumusulat na parang kinakausap ang sarili. Mukha kasing tanga e. Pero ngayon, kailangan ko lang talaga ng makakausap diary.

Nakakainis. Nakakaiyak. Nakakasawa na.
Bakit ganun sila mama at papa? Maghapon na nga silang nagbangayan kahapon tapos pati pa ngayon.
Naiiyak nako kanina kasi hindi naman talaga sila ganun dati Diary, nakakahiya sila. Oo, ngayon ko lang sila ikinahiya sa tanang buhay ko.

Nakakawalang gana lang kasi, imbes na inspirasyon mo sila para mag-aral ng mabuti e sila naman yung nangdadown sayo. Nakakabwisit lang.

Hindi naman ako nagagalit sa parents ko dati pero ngayon dumadalas na. Minsan para takasan yung magulo nilang paguusap e sinasaksakan ko nalang ng earphone itong tenga ko saka ivovolume ng sagad ang isang malakas na music para lang kunware wala akong naririnig. O di kaya, aalis ako saka lalayo sa kanila, kung saan saan ako napapadpad pero wala akong pake basta makalayo ako sa kanila.

Nanghihina akong pumasok sa room diary. Nakakawalang gana lang talaga. Feeling ko ibang Britney ang nasa katawan ko. Feeling ko ang laki ng nagbago saken.

Anong pwede kong gawin. Satwing nagaaway sila umaatras ang dila ko para manlang masabi na "Ma,pa. Please stop." Alam mo yun?

Napakawalang kwenta ng araw-araw kong buhay. Apektado nadin ang mga kaibigan ko. Hinahanap nila ang dating masayahin,makulit,at  madaldal na Britney.

Sorry guys. Siguro, matagal tagal na ulit bago niyo makita ang dating ako Or worst, hindi niyo na ulit siya makikita.

Mas mabuti na siguro kung maging numb nalang ako. Lagi ko nalang papaalalahanan ang sarili ko at sasabihin lagi na "Conceal it..conceal"

Itatago ko nalang lahat ng expression ng mukha ko. Itatapon ko nalang lahat ng ngiti sa labi ko. IISIPIN KO NALANG NA WALANG NAKAKAKITA SAKEN AT HINDI AKO NAGEEXIST SA MUNDO

Screw Life!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon