Unang beses ng operasyon.
Palitan ng droga sa isang abandonadong bodega.
Magkahalong kaba at takot ang nararamdaman ko.
Nakakapit lang ako sa kamay ni Ches.
Lalong nangatog ang mga tuhod ko nang sunod-sunod na lumabas ang mga armadong kalalakihan.
Pinaligiran nila kami.
Maya-maya, may lumapit sa amin na lalaki. Nasa mid 40's. Katabi niya ang isang lalaking may hawak na case. Pera siguro yun kapalit ng drogang dala namin.
Binuksan ni Dave ang case na dala namin. Kinilatis ng lalaki ang droga at sinenyasan ang kasama nito. Iniabot ni Dave ang dala namin ganun din ang lalaki na ka-transaksyon namin.
Nakita kong nakipagkamayan si Dave sa matanda simbolo na tapos na ang transaksyon na ito.
Unang operasyon. Ligtas akong nakauwi.
Tila binunutan ako ng tinik sa lalamunan nang makalabas kami sa bodegang iyon.
Nang makauwi kami. Binuksan ni Ches ang case na iniuwi namin. Pera. Napakadaming pera.
Ayoko mang isipin pero..
Parang nagugustuhan ko ang nangyayaring ito.