Nandito ako sa isang puting silid.
Public place.
Mga taong nakasuot ng unipormeng kulay puti.
Hospital.
Kasama ko si Cheska.
Nadatnan namin si mama sa CR ng room niya na nakasalampak sa sahig habang tuloy-tuloy sa pagbuga ng bula ang bibig nito at nanginginig.
Galing kasi kami sa mall ni Ches, tapos nang makauwi ako walang magulo o kaya sigawan,kaya sinilip ko sila sa room nila at yun na nga.
Ang pinagtataka ko. Wala na si papa dun.