Entry 18

9 1 0
                                    

Nagising akong sobrang sakit ng katawan ko. Ang bigat ng pakiramdam ko at nahihilo ako.

Nagtaka ako kung bakit napunta ako sa isang silid na kulay itim. Itim na wallpaper,itim na pobre kama at mga itim na gamit.

Nang makaalis ako sa kama e agad din akong bumalik.

Itinakip ko ang kulay itim na kumot sa hubad kong katawan.

Mangiyak-ngiyak kong inalala ang nangyari.

Tinurukan ako ng droga ni Cheska kaya ako pumayag na...

Na... galawin ni Dave.

Nakailang beses kong sinabi sa sarili ko ang mga katagang ito, "Ang tanga mo Britney! Gago ka!"

Ibinalot ko sa katawan ko ang kumot. Lumabas ako ng kwarto.

Nadatnan ko si Cheska at Dave na nakabihis at tila may pupuntahan.

Nakita nila ako kaya napayuko si Cheska. Pero may sinabi si Dave..

"Thanks for the sex. I enjoyed it."

Napasanghap ako sa hangin.

Tinanong ko si Cheska tungkol sa ginawa ng live in partner niya saken.

Alam niyo ba ang sagot niya?

"Hiniling saken ni Dave yun, mahal ko siya kaya pinagbigyan ko."

Sa oras na yun diary, sigurado akong wala na sila sa impluwensiya ng droga.

Itinanong ko kung anong nangyayari sa kanila at ang tanging sagot ni Dave. "This is really us."

Screw Life!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon