God! I swear to God I hate them!
Mula paggising ko hanggang sa pag-alis ko ng bahay nagsasagutan sila. General Meeting ng mga parents ngayon sa school pero di na ako nageffort na sabihin yun,for what? E di naman nila ako naririnig satwing may gusto akong sabihin.
Tulad ng dati diary, tahimik akong pumasok sa room. Nakasaksak lang ang earphone sa tenga ko habang tumutugtog ang The sound of Silence.
Ganito nalang ang buhay ko at tanggap ko nayun.
Natapos ang araw.
Walang nangyaring kakaiba bukod sa pinasulat kami ng essay ng teacher namin sa Filipino.
Naglakad nako pauwi.
Mas matagal kasi akong makakarating kapag maglalakad ako.Binagalan ko ang paglalakad. Kaso kahit anong kupad ko e sa impyerno parin ang kahahantungan ko.
Nakarinig ako na malakas na pagsara ng pinto tapos narinig kong sumisigaw si mama sa labas ng kwarto ni papa.
Isinaksak ko nalang ulit yung earphone ko,dumiretso sa ref at kumuha ng makakakain.
Pumasok na ako sa room ko saka ako humiga.
Sana di nalang ako. Sana di hindi nalang sila.
Sana pinatay nalang nila ako noon.
Tinuloy niya nalang sana ang pagpapalaglag saken.