Hindi nako tumuloy sa paggamit ng CR.
Dumiretso nalang ako sa (kuhanan ng alak) at pinanood ang bar tender.
Tinanong naman ako ng bar tender kung anong iniinom ko. Hindi ko alam ang isasagot ko kaya sinabi ko nalang na kahit ano basta hindi malakas.
Binigyan niya ako ng kulay asul na inumin at nakalagay sa wine glass. Gatorade ba 'to?
Habang iniinum ko ang isang mapait na inumin e may lumapit saken.
Lalaki, nasa mid 20's. Nakipagkilala siya saken, at nakipagkwentuhan.
Habang nagkakasiyahan kami e lumapit sakin si Cheska. At sabi niya. 'You know each other na?'
Tapos ayun, nalaman ko na Marco pala ang name nang kausap ko. May ari ng bar na'to at..
Ang pusher ng ecstasy na gamit namin nila Ches.