tw: death
This is a flashback.
Ako na siguro yung pinakaswerteng tao sa mundo.
Yung mga hinahangad lang ng iba, nasa akin na. Isa sa mga kayamanan kong itinuturing ay si Railey. He's my most prized possession.
Nasanay ako simula pagkabata na sa akin lang siya. Lahat ng oras niya ay nakalaan para sa akin. Ang mga ginagawa niya ay para sa akin. I believed that everything about him is mine.
That changed when he found his love for music. Naging kaagaw ko sa araw-araw ang gitara na palagi niyang dala at ang kaibigan niya na si Trev na kasama niya sa banda.
Gusto ko yung mga araw na kinakantahan niya ako at inaalayan ng kanta, pero nowadays ay palagi na siyang wala para sa pagbuo nila ng banda. That, I do not like.
Girlfriend niya ako, he should pay more attention to me!
"Ma, wala pa ba si Railey? Kanina pa ako naghihintay." tanong ko kay mama nang padabog akong bumaba mula sa kwarto dahil sa sobrang bored ko kahihintay sa boyfriend ko.
Monthsary namin ngayon at sabi niya sa akin ay darating siya. It's already late at night pero wala parin siya. Kahit nga text ay wala.
"You should understand him more, 'nak." sabi ni mama. Huminga ako nang malalim.
Namimiss ko lang naman siya...
Nang may marinig ako na makina ng sasakyan mula sa labas ng bahay ay kumaripas ako ng takbo. There he is!
My Railey Sky!
Kahit sobrang sabik na akong mayakap siya ay naghintay lang ako sa may gate at hinintay na lumapit siya. His arms were open wide and his sweet smile was clearly shown even in the dark of night. I am still upset with him.
He wrapped me in his embrace and kissed the top of my head. "I'm here..." bulong niya.
I can tell that he is tired, plus the fact that it is already past midnight. Pinapasok ko muna siya sa at dumiretso kami sa kusina kung saan pinagluluto siya ni Dad. "Oh, Railey? Dapat ay bukas ka na lang pumunta, gabi na. Baka nag-aalala na sina Cecilia." sabi niya, pertaining to Railey's mother.
Umakyat na sila mama para matulog at naiwan kami ni Railey sa dining room. "Bakit ngayon ka lang?" panimula ko.
Ibinaba niya ang baso na pinag-iinuman niya. "You know that I have band rehearsals today, Nyx..."
"It's our monthsary! Dahil ba ilang taon na tayo ay wala nang kwenta para sa'yo ang bawat buwan?" sinabi ko nang diretso. Tumayo siya at tumabi sa akin, kinukuha ang kamay ko. "That's not true. Nandito na ako, oh?"
"Hindi ka naman pupunta kung hindi pa kita ginulo."
Umiling siya at hinuhuli ang tingin ko. He's even trying to get me to stand up and sit on his lap. "You know that I'd always come back to you. I've proven that many times already."
Hindi ko siya sinagot. Nakaharap lang siya sa akin kahit na hindi ako nakatingin sa kanya. "What do you want me to do?"
"Give yourself to me only..."
Tumawa siya, "But I've been yours since day one. Wala kang kaagaw sa akin."
Tinignan ko siya nang matalim. "That's not true!"
"When did I ever lie to you?"
Tinuro ko yung gitara niya. "Then do you love me more than you love that?"
"Yes." agad niyang sagot na walang halong pag-aalinlangan. "Would you let go of it for me?"
His eyes shifted from playful to tired, like he's been hiding it from the start.
BINABASA MO ANG
Laments of Broken Strings (Arte del Amor #1)
RomanceNyx Lyrica couldn't find ways to express herself. She found herself desperate to be heard, slowly overflowing with bottled up emotions but still couldn't figure out how. That's when Ashriel Seth, a band member, comes into the picture and shows her a...