"What were you doing?" bungad na tanong ni Ashriel as soon as we got out of there. Bigla nalang kasi niya akong hinila kahit na hindi pa ako nakapagpapaalam kay Jiro. Baka kung anong isipin niya, nakakahiya. Ako na lang nga ang humihingi ng pabor.
"You told me to go to the Music Club and I did!" I said, annoyed at his expression. Parang ako pa ang mali.
"Sa Music Club, hindi kay Kenjiro." diin niyang sinabi. Hindi ako makapaniwala na nag-aattitude siya sa akin ngayon eh siya na nga itong nang-istorbo sa akin!
Hindi naman ako mahilig makipagtalo pero hindi ako matatahimik hangga't hindi ko naiintindihan ang logic ng lalaking 'to! I inhaled before muttering the words, "Bakit ba galit ka? I did what you wanted me to do. Hindi na nga kita kinukulit, hindi na nga ako nagpapakita sayo, eh!"
Tumalikod siya habang hinihilot ang sentido. "Tinanong mo pa, alam mo naman pala kung bakit."
Ano daw?
Naglakad na naman siya palayo. Nasanay na yata ang sistema ko na bawat nakikita ko ang likod niya na nakaharap sa akin ay susundan ko siya kahit saan! "Wait for me," I asked of him because my legs could not keep up with his pace.
Tinatahak namin ang pamilyar na daan papunta sa rooftop. Hindi niya naman ako pinigilan na sundan siya kaya nagpatuloy lang ako.
"Paano mo nalaman ang pangalan ko?" tanong ko. Hindi ko kasi matandaan na sinabi ko sa kaniya 'yon.
"Kaius wouldn't shut up about it. Don't tell just anyone your name, kahit pa type mo sila." he said.
Hindi ko naman type si Kaius, ah! Napaka-big deal naman sa lalaking 'to ng mga pangalan. "Hindi ko naman sinabi sa'yo ah."
Tinikom ko ang bibig ko nang ma-realize na baka kung anong isipin niya sa sinabi ko pagkatapos ng kasasabi niya lang.
Pagdating namin sa rooftop ay sinalubong kami ng malakas na hampas ng hangin at tulad ng dati ay walang ibang tao doon. Kami lang yata talaga ang may alam nito.
He sat down on the floor while I chose to stand. Tumingala siya sa akin saglit, matalim ang tingin sa mga mata at bahagyang nakanguso ang mga mapupulang labi. "Tatayo ka lang dyan?" masungit niyang tanong.
Sinubukan kong intindihin kung bakit siya galit and I only came up with one conclusion. Crush niya si Kaius? Kaya siguro nagalit siya dahil gustong makipagkaibigan sa akin ni Kaius. I nodded while muttering these thoughts to myself.
Wait, baka naman si Jiro ang crush niya? Ewan ko na.
Napatingin si Seth sa akin, nagtataka.
Before he could even speak, inunahan ko na siya.
"Hindi ko alam sino sa dalawa yung gusto mo pero sana out na ako dyan. Hindi ko sila type. Gusto ko lang matutong mag-gitara. Bye." I was breathless when I finished saying all those.
He looked at me. "Sinong hindi mo type?" tanong niya, medyo malayo sa point ng sinabi ko. Napakunot ang noo ko dahil hindi yata talaga kami magkakaintindihan ng lalaking ito.
"Si Kaius. Si Jiro." sinagot ko nalang para tigilan niya na ako.
May naglarong ngiti sa mga labi niya. Ganun ba talaga siya kasaya na hindi ko type 'yung crush niya? O baka protective lang talaga siya sa mga kaibigan niya?
I rolled my eyes. Uuwi na ako, I'd rather spend my time studying than dealing with this annoying guy.
I started walking away when he spoke, "Fine. Tuturuan kita but in one condition." With that, mabilis ko siyang nilingon.
Talaga ba? Anong meron sakanya ngayon? Kanina lang halos inaaway na niya ako eh.
"What condition?"
BINABASA MO ANG
Laments of Broken Strings (Arte del Amor #1)
RomanceNyx Lyrica couldn't find ways to express herself. She found herself desperate to be heard, slowly overflowing with bottled up emotions but still couldn't figure out how. That's when Ashriel Seth, a band member, comes into the picture and shows her a...