The holidays were over in a blink of an eye and we are back in Angeles, where everything is starting to go back to normal after the Christmas season. Ang mga dekorasyon at parol ay isa-isa nang inaalis.
I am in my room talking to Ashriel through Skype. He went back to Tagaytay on the very first day of the year habang kami ay naiwan sa Paralaya nang ilang araw pa matapos ang pagsalubong sa bagong taon.
Bagong ligo siya ngayon at basa pa ang buhok na humarap sa camera.
"Do not sleep with your hair still wet, Ashriel." paalala ko sa kanya.
Nasa desk ako at gumagawa ng mga assignment na hindi ko ginawa noong bakasyon. I am cramming all of them right now. Wala namang nagsasalita sa amin ni Ashriel pero pinili pa rin namin na tumawag.
"Lyrica?"
"Yes?"
"Do you have places that you haven't been to yet and would want to go? Pick one that you still don't have memories of." tanong niya. Nakahiga na siya ngayon sa kama niya habang nakatingin lang sa akin na nag-aaral.
Napaisip ako... "Skyranch?"
"Alin?"
"The one here in Pampanga." sagot ko at tumango lang siya, hindi na ulit nagsalita. Habang tinatapos ko ang assignment sa Chemistry ay naisip ko siya.
"By the way, gagraduate ka ba sa lagay na 'yan? Ang tagal mo nang hindi pumapasok."
Ngumiti lang siya, "The Alcazars got my back. Nothing to worry about."
I rolled my eyes. Kakaiba talaga kapag marami kang kapit, walang imposible. "It's not unfair, Lyrica... I already did everything that was due at ipapasa ko lahat ng kakailanganin pa. Ayaw ko rin mapag-iwanan..."
I nodded. Nakalimutan ko na isa nga pala siya sa mga candidates for valedictorian ng batch namin. It's not impossible for Ashriel to actually be first, but Ambrose Vann's grades are just out of this world.
Maging ako ay hindi ko maisip ang sarili ko na magkakaroon ng ganoon kataas na mga marka.
Buong magdamag ay sinamahan ako ni Ashriel hanggang sa matapos ko ang lahat ng kailangan kong ipasa para bukas. Nakatulog rin kami nang hindi napapatay ang tawag.
Kinabukasan ay nasa classroom na ulit ako at walang nagbago sa mga kaklase ko. Tinanong nila ako kung paano ko nakakausap si Ashriel at umani ako ng iba't ibang batikos nang sabi ko ay Skype.
"That is so 2012!" sabi ni Ryna.
Kinuha niya ang cellphone ko at nang silipin ko ay nakita kong nag-install siya ng Messenger doon.
"Bakit ba wala kang social media? Ngayon ko lang naitanong..."
"I deactivated them all when my boyfriend died." diretso kong sagot na ikinagulat nilang lahat. Ibabalik sana ni Ryna ang cellphone ko dahil sa narinig niya.
Oh, I didn't mean to make them feel awkward. "I'm fine."
Railey would've wanted me to move forward, because there is no moving on.
"Install the social media applications you know." sabi ko sa kanila. Dahil doon ay nagkumpulan sina Keann, Jiro, Elyza at Laureen sa paligid namin ni Ryna.
"Finally! Makikita mo na ang lahat ng kababuyan nina Kaius sa group chat!" sabi ni Elyza.
Laureen shushed her, "Mamaya mo na sabihin. Baka biglang umayaw si Nyx!"
Natatawa ako dahil mukhang mas excited pa sila kaysa sa akin. Inilahad sa akin ni Ryna ang cellphone ko at nag log-in ako muli sa account ko na matagal nang naka-deactivate.
BINABASA MO ANG
Laments of Broken Strings (Arte del Amor #1)
RomanceNyx Lyrica couldn't find ways to express herself. She found herself desperate to be heard, slowly overflowing with bottled up emotions but still couldn't figure out how. That's when Ashriel Seth, a band member, comes into the picture and shows her a...