Chapter 15

423 32 24
                                    

The new semester has started for some time now but Ashriel still isn't attending his classes. I haven't seen him either. Ang pinagkaiba lang sa dati ay nagpaalam siya sa akin ngayon na mawawala siya sa mga unang linggo ng klase. Hindi niya naman sinabi kung bakit.

"Kapag ba natuto ako nyan, magkaka-boyfriend ako?" tanong ni Ryna habang tinuturo ang gitara ko. "Pero parang mas maganda kung girlfriend..." bulong niya sa sarili niya.

Kung dati ay dikit na siya sa akin, pagkatapos noong getaway namin ay mas lalong hindi niya na ako nilubayan. "Kahit naman hindi ka naman matutong tumugtog ng gitara, may magkakagusto sa'yo."

Nagliwanag ang mukha niya. "Talaga? Sabi ni Jiro maiirita muna sila sa boses ko bago ako subukang kilalanin."

"That could be true," nag-pout siya sa sinabi ko. Hindi pa naman ako tapos. "But someone who deserves you would see past all those things."

"Weh? Si Ashriel ba, ganoon?"

Hindi ko alam. Hindi niya pa nalalaman yung bagay na ikasisira ko sa kaniya. I just nodded at her because she'd drag the topic if I had responded differently.

"Heto na ang mga pinabibili niyo po, mga mahal na prinsesa." dinig ko ang tinig ni Jiro na papalapit. Pagkalapit niya ay lumuhod pa talaga sa harapan namin habang nakayukong inilalahad 'yung dala niyang pagkain.

I thanked him, "Thanks!"

"Ano ba yan? Pagong ka ba, Manzanares? Kanina pa kami gutom!" Ryna scolded her. Kawawa naman si Jiro, napag-utusan na lang nga, pero biro lang naman.

Nabigla si Jiro, "Aba! Ma'am, napakalayo po at ang daming tao po kasi, ano po? Patawarin niyo naman po sana ako." sarcastic na sabi niya.

Tawang tawa si Ryna, "Forgiven! You may now leave."

We're sitting in one of the tables with large umbrellas near the canteen.

"Ginawa mo namang alipin yung tao..." sita ko sa kanya nang lumipat na ng table si Jiro kung nasaan si Keann.

"Sulitin na natin, gagawin naman niya ang lahat para sayo." pagdadahilan niya habang ngumunguya. "He'd do it for anyone. At tsaka ikaw 'yung nag-utos sa kanya."

"Okay, sabi mo eh."

We stayed in school until evening because of some school work we had to do. Our school at night is very mesmerizing, especially now that Christmas lights and decorations are all over the place.

"Do you know how to do this one, Nyx?" tanong ni Jiro na nakaupo sa harapan ko. Partners kami sa isang activity sa ReadWrite. "Yeah, give it to me."

He stretched his arms. "You can go home, I can finish this soon." sabi ko sa kanya dahil kanina pa siya humihikab. Yumuko lang siya sa armchair at pumikit.

"Uy Nyx, bakit tulog na 'yan? Tapos na kayo?" Nakaupo si Keann sa sahig at si Ryna ang kapartner niya, mukhang katatapos lang nila. I nodded, "I'm almost done, and he answered more than half of it."

Ginising ko na si Jiro at sabay kaming nagtungo sa office para ipasa sa professor ang activity namin. "Nahirapan ka ba?" pagsisimula niya ng usapan habang pabalik kami sa room.

Natigil siya sa paglalakad nang mapapadaan kami sa building ng Humanities at lumingon-lingon.

"Hindi naman. Malinaw naman yung tinuro ni Ma'am kaya hindi na ganoon kahirap intindihin yung dapat gawin." sagot ko na nakuha muli ang atensyon niya.

"Totoo! Kapag siya 'yung nagtuturo, pakiramdam ko matalino ako dahil ang galing niyang mag-explain."

We shared a lot more about that professor of ours hanggang sa makabalik kami.

Laments of Broken Strings (Arte del Amor #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon