Chapter 12

419 47 19
                                    

"Sumama ka sa kanila, Nyx Lyrica!" tumaas na ang boses niya, and that's when I knew that I have no choice but to go.

For the past two weeks, I've been enjoying my time with my parents. Some days, we went out to dine and shop but we spent most of our time staying in my apartment. I'm completely satisfied with just that.

However, judging from the current situation, I could already tell that my peaceful and quiet vacation is over. Sitting on our couch comfortably and talking to my parents like they're friends, is no one else but Ryna.

"Tito Jude, of course there are boys! I swear, mababait and harmless sila!" pangangatwiran niya kay Dad na mukhang hindi kumbinsido.

My dad sighed, "Pumayag na 'yung asawa ko, wala naman akong magagawa. Kailan ang alis niyo?"

Napatalon at palakpak si Ryna nang pumayag na si Daddy, but like what he said, my mother makes the decisions. Kahit umayaw si Dad ay si Mama pa rin ang masusunod. "Ngayon na po!"

"Ha?" tanong ko dahil sa pagkabigla. Napatingin ako sa malapit na salamin at tinitigan ang sarili kong nakasuot lang ng silk pajama terno.

Namamaga pa ang mukha ko dahil pagkagising na pagkagising ko pa lang ay si Ryna na kumakatok na ang bumungad sa akin.

"Magbihis ka na! Wait!" she even squealed before rushing outside. Tanga na lang ang hindi makapagsasabi na sobrang natutuwa siya sa nangyayari at excited sa kung ano mang binabalak nila.

My parents peeked outside when they heard loud cheers of people, sa dami nila ay sobrang lakas talaga noon. Halos lalaki pa man din. Nandoon nga sila Jiro at ang iba pa sa iba't ibang mga sasakyan.

Lumabas si Dad, kakausapin daw sila.

Pinagkibit-balikat ko na lang iyon dahil wala na akong oras para panoorin pa sila. Mabilis akong umakyat sa kwarto para maligo at makapag-ayos.

I finished in less than ten minutes but rushing like that drained my energy. It's just 10 in the morning! Dapat ay nakahiga pa ako nito at nanonood lang ng kung ano ang mahanap ko.

Tinulungan din ako ni Ryna na mag-impake ng mga damit na pinagkasya namin sa isang maliit na maleta.

Kumunot ang noo ko dahil sa dami ng nilagay niya sa maleta ko. "Ang dami nito. Gaano ba tayo katagal?" tanong ko sa kaniya habang hinihingal na bumababa sa hagdan.

"Ewan ko din! Baka three days?" then she laughed like crazy. Bitbit niya ang maleta ko at inunahan pa ako humalik kina Mama bago siya tumakbo palabas. She's really too excited for this.

"Have fun!" pahabol na habilin ni Mama bago kami tuluyang umalis.

Pinasakay ako ni Ryna sa loob ng kotse ni Jiro and much to my surprise, si Ashriel ang nasa front seat. His body's facing straight but he turned his head a little to the left to look at me.

Hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses na 'to, pero bakit nandito na naman siya? Sa bagay, pareho lang naman kami ng mga kaibigan.

Nagsimula nang umabante ang sasakyan at walang ibang nagsasalita kundi si Ryna na nasa tabi ko.

"Omg! Nakita niyo ba 'yung itenerary natin? Ang tagal ko na dito sa Pampanga pero hindi ko pa napuntahan halos lahat ng 'yon!" Narinig kong humagikgik si Jiro na nagmamaneho.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko. Sumama lang ako sa kanila dahil alam ko lang na may pupuntahan pero wala naman siyang binanggit na kahit anong eksaktong lugar.

Hinila niya ako at pinisil sa yakap, "Lilibutin natin ang Pampanga for you, sis!"

"Ashriel came up with the idea, Nyx. Sa kaniya ka magalit." sabi ni Jiro na sinulyapan ako mula sa rear-view mirror.

Laments of Broken Strings (Arte del Amor #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon