Chapter 2

772 56 18
                                    

I looked up at the man in front of me. Even with his seemingly harsh features and fiery eyes, I felt gentleness from them as he looked back at me.

"Thank you, Seth." sabi ko. Binawi niya ang kamay niyang nakapatong sa balikat ko at umiwas ng tingin. Umayos rin siya sa pagkakaupo niya sa harapan ko.

"Seth..." ulit niya sa pangalan niya.

"The nickname Ash just didn't sit well with me. Ang lakas maka-pokémon." paliwanag ko. He nodded, seryoso pa rin ang mukha. With his head turned away and his side profile is all I could see, I noticed how long his eyelashes are.

Nakapikit ako at nakayakap sa gitara pero naramdaman ko na tinabihan ako ni Seth. He started, "Sorry..." dahilan para mapalingon ako sakanya.

Umiwas na naman siya ng tingin. Nakatingin na siya sa view ng papalubog na araw. "I just happened to come back here. Nakita ko 'yung gitara and decided to bring it with me para hindi mawala."

From looking at his face, tumitig na rin ako sa nakamamanghang tanawin sa harapan namin. Ramdam na rin ang paglamig ng simoy ng hangin.

"Bakit?" tanong ko sakanya. Hindi ko maintindihan kung bakit nag-effort pa siya na bitbitin 'yung gitara ko kahit hindi niya naman ako kakilala. Ni hindi niya rin alam ang pangalan ko. Tapos ay sinungitan niya pa ako kanina.

He shrugged, "It seemed important to you."

Silence enveloped us. We were both being lulled by the gentle sound of the wind.

Nanatili kami doon hanggang tuluyan na ngang magdilim at tanging mga fluorescent lights nalang ang nagbibigay liwanag sa kalawakan ng rooftop. The silence between us is so comfortable I could actually fall asleep.

It is so calming... and comforting, for some reason I couldn't exactly pinpoint. A few moments later, he stood up at aktong aalis na. "You're going?" tanong ko.

He nodded, "I have to go home."

"Turuan mo akong mag-gitara." sabi ko sa kaniya bago siya nawala sa paningin ko pero tuloy-tuloy lang siyang naglakad papalayo.

Ilang araw ang nagdaan at mas lumakas na ang usap-usapan tungkol sa papalapit na concert kung saan tutugtog 'yung banda nina Jiro.

Nasa canteen kami ngayong magkakaklase at ang daming mga tagahanga Jiro ang kanina pang lapit nang lapit para magpapansin sa kanya.

Kanina pa rin ako naiirita dahil hindi ako makakain ng maayos sa ingay nila. Si Jiro naman ay talagang crowd pleaser dahil talagang ine-entertain niya ang lahat. He's too kind, if I may say.

"Salamat sa libreng tickets Jiro, libreng sulyap din kay Isaiah my babycakes!" sabi ni Ryna na nasa tabi ko. She wouldn't shut up about this Isaiah guy na ka-banda ni Jiro.

"Gaga! Mas gwapo yung gitarista nila!" sabat sakanya ng isa pa. Tumayo naman si Jiro para harapin ang nagsalita, at umaktong na-offend sa pagtatalo ng mga kaklase namin.

"Suporta naman guys! Nyx, 'di ba, pinakapogi yung drummer?" sabi niya. Tumango nalang ako, "Sure."

"Naghanap ka pa talaga ng kakampi!" si Keann. Agad naman siyang binackup-an ni Rain, "Si Nyx lang ang kailangang kakampi niyan, 'no."

Tiningnan ko lang sila, not giving much thought about what they were talking about. Though I saw Jiro na mukha nang kamatis sa sobrang pamumula ng mukha.

Nagtaka ako nang biglang naglingunan ang iba sa direksyon ng pintuan, kaya napatingin na rin ako. Even my classmates who are unstoppable were quiet for a moment. Napaawang ang bibig ko nang nakitang si Ashriel iyon at ang dalawa niya pang kaklase na nakita ko na sa room nila noon.

Laments of Broken Strings (Arte del Amor #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon