Natapos ang aking beauty rest kasi nuyugyug ako ng aking tiyuhin.
" Oyy.. gising na "
" Ayaw "
" Pag dika gumising dyan kukuyugin Kita"
" Tito naman eh!! "
" Oyy baba kana , nandito na tayo "
Hmmp!! Padabog kong sinara ang pinto ng koche ng makalabas nako, I can't believe it!!
w(°o°)w
This school is soooooo damn huge!!! Mukha syang palasyo, may mga flags pa ngang nakasabit eh. Yung gate nya, mukhang gawa sa ginto? I don't know ah, pero kulay gold yung ginto eh..
" JULIAN!!! " napalingon naman ako sa taong biglang tumawag kay Tito, palapit sya samin, or should I say kay Tito sya palapit..
Ay? Miss na miss talaga nya si Tito eh no? Ang higpit makayakap eh, yak! YAKAP NYA PARIN TITO KO?!!!
" EHEM! " para naman atang napansin na nilang may tao kaya humiwalay muna sila sa isat-isa for the mean time, kalurkey ang yakapan moment nila ah..
" Is she? " Di na natuloy ni Mr. Pogi ang sasabihin nya kasi tumango kaagad si Tito, grabeh ah. Nagkakaintindihan sila? Ganon ba kalakas ang bond nila?
" Hello , I'm Charles Dominos. I'm the Dean here " waaahhh!!! Sorry po?! Pinapatay ko na po kayo sa isip ko huhuhu
" Jhetrose Samonte po " with matching smiley pays pa yan ah..
" Let's get inside " buti naman at naisip nyang papasukin kami, kala ko dito lang kami sa labas poreber eh..
Nang makapasok na kami, my ghad! I was amaze by the beauty of this school, lahat ng mga building's dito, may kanya kanyang design na nakaka-attract sa mga dayo dito. Yung mga puno, well take care, ang tataba tapos pagpumasok kana talaga , bubungad ang magarang hallway. Naglalakihang chandelier's , I bet it's very expensive mukha kasing napakagara ng mga chandelier dito. Ni minsan di ako nakakakita ng mga ganito sa mga napapasukan kong hall , huminto kami sa harap ng isang pinto..
«Dean's Office»
Pinauna nya kaming papasukin at halos malaglag ang panga ko sa laki ng office nato! Mukhang dinaig pa ang office ng presidente ng pilipinas! The tables and furnitures here are expensive for petesake! Alam nyo ba kung bat ko nasabing expensive? Nakikita ko ang mga to sa tv, and it cost BILLIONS!
" Sit down please " nakakahiyang ilapat sa upuang to ang pwet ko as in, pero si Tito ay gora upo agad ang bruhabels. " So jhetrose, Welcome to A Academy " A Academy? Ano yung isang A? Tsk.. di man lang kinompleto oh. " For the meantime sa dorm nato ka titira " may binigay sya saking susi..
Room 143?
Type ako ni sir!!!???
Bwahhahaha
Matapos nang paguusapbels naming tatlo, nagpaalam nadin sakin si Tito kasi may pupuntahan pa daw sya , so solo flight ako ngayon. Magisa akong naghahanap sa room ko, haist.. kung bakit naman kasi kelangan dito pako tumira, pwede namang sa bahay lang ako.
Room 143?
Asan naba kasi ang room nayun!? Magtanong nalang kaya ako? Eksakto! May dalawang babaeng palapit sa kinaroroonan ko..
" Hi " bungad ko sa kanila, sige magsuplada kayo, kakalbuhin ko yang mga ulo nyo..
" Hello " buti naman at mabait..
" Uhmmm.. pwede ko bang tanungin kong san ko mahahanap ang room nato? " Ipinakita ko sa kanila ang dorm key ko , tinignan nila yun at tumingin ule sakin..
BINABASA MO ANG
Ain's Academy
FantasyIsang academya na punong puno ng misteryo sa mga tao, sikat ngunit di alam kung san matatagpuan, don sa academyang yun nanggaling ang mga sikat, at mayayamang tao sa buong mundo. marami naring sumubok na hanapin ito, pero maski ni isa walang pang na...