• Chapter 3 •

6 1 0
                                    

Chapter: Meeting the Alpha

||•Jhetrose's POV•||

Ito na ang pinakahinihintay kong momentum!!!

I'm going to meet the Alpha Familia!!!!!

Naglalakad kami ngayong tatlo patungo sa dining hall, marami naring studyante ang patungo don. Nang marating na namon yun, goodness gracious!!

ANLAKI NG DINING HALL!!!!

ANG GAGARA NG CHANDELIER'S NILA DITO!!

" Mamaya kana ma-amaze dyan Jhet, kelangan na nating ma-upo " sabay hila ni Rachelle sakin, syempre si Cleo kasunod lang namin, si Cleo narin ang nagpili ng pwesto namin, malapit ang pwesto namin sa pinto..

" Oh my gosh!! "

" Have you heard the news!? "

" What news!? "

" The Alpha's coming here!!!! " Tapos nagsimula nang magtilian ang mga kababaihan dito, mas lalong lumala ng may pumasok na isang grupo ng mga studyante, isa nga lang ang babae. Pero nakakatakot ang mga expressions ng mukha nila, except don sa lalaking kumakaway-kaway.

" They're the Alpha Familia " napalingon naman ako kay Cleo dahil sa sinabi nya.

my ghad!!!

Sila yun!??!

" Yung lalaking nauna sa kanila, his name is Sky Travinson , yung kasunod nya naman ay si Kaizer Alvarez , sasabihin ko nalang name nila lahat. Yung kasunod ni Kaizer he's Ion Montero, yung kasunod nya ay si Maxton Vega. Yung tatlong lalaki sa right side ng table, they're Yuno Korigaya, Trevor Odron and Lerwick Lim, and that girl is Shenna Feirious. "

" Nakakatakot naman ata ang mga aura nila eh , parang ang susungit nila. "

" Ganyan sila pagnakakasalamuha ng ibang tao, si Yuno lang ang namamansin ng mga hindi nya kilala. Yung iba , yung mga kasama lang nila sa Alpha ang pinapansin, yung apat na myembro lang ng Alpha ang di talaga masyadong magkasundo. "

" Sino sa kanila? "

" Sky, Kaizer, Ion , and Shenna " napatingin naman ako sa apat na taong sinasabi ni Cleo, masama nga sila magtinginan sa isat isa. Bakit kaya?

" Eh diba sabi mo may magi sila? Ano yung magi nila? " Napatingin naman si Cleo sa kapatid nya , parang nagse-senyasan silang dalawa eh.

" I'm sorry, bawal kasing pag-usapan ang mga Magi ng Alpha. Baka sa dorm ko nalang e-kwento sayo. " Malungkot na sabi ni Cleo

Ganon ba talaga sila ka especial at bawal talagang pag-usapan ang mga Magi nila sa public? Tsk..

Madali namang natapos ang lunch namin , nag-announce lang ang Dean about don sa levelling tapos ayun kumain na kami. After that pinauwi na kami, nang makabalik na kami sa dorm, syempre tanong kaagad kay Cleo. I'm really really curious about the Alpha Familia's Magi..

" Haist... Pinagbabawal kasi nang Dean na pag-usapan sa public ang mga Magi nang mga alpha "

" Bakit ? "

" Cause their Magi's are very precious hehe " this time si Rachelle na ang nagsalita, nasa kwarto kami ni Cleo ngayon , nagkwe-kwentohan..

" Sabihin mo na Cleo , puh-please... ^_________^ " Nagpakawala muna sya nang isang malalim na buntong hininga saka tumingin sakin.

" Okay , Sky Travinson , he's the son of Zeus "

" Ano!?!? "

" Kaya nga pinagbabawal na pagusapan sila sa public dahil don, ang ilang myembro kasi ng Alpha Familia are demigods , patapusin mo muna ako, tsaka di ko muna sasabihin sayo kung ano mga kakayanan nila ah. Nakakapagod kasing mag-explain. okay? " Tumango ako at nakinig ule sa nga sinasabi nya. " Next is Kaizer Alvarez, he's a royalty vampire. " Saad nya

Ain's Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon