Chapter 1

25 2 0
                                    

"I wanna stay up all night and jump around until we see the sun!"

Nakapikit pa akong nagheheadbang habang nakikinig ng kantang Up All Night ng One Direction nang biglang may humigit ng earphones ko mula sa magkabila kong tenga. Gulat kong nilingon ang tao sa tabi ko.

"Anong problema mo?" tanong ko kay Jessie—which is ang humigit sa earphones ko.

"Anong problema mo?" Pagbabalik niya ng tanong sa akin. Napakunot naman ang aking noo.

"Carolina, baka nakakalimutan mong nasa Mcdo tayo at wala sa concert ng One Direction ha? Kung makapagheadbang ka naman akala mo naman nasa front row ka ng isang concert. May pakanta-kanta at  papikit-pikit ka pa diyan." dagdag pa ni Nicki na nasa harap ko. Natawa naman ang katabi niyang si Ariana habang kumukuha ng fries.

"Hala. Sorry naman, nacarried away lang." sabi ko naman sabay tawa.

"Ikaw Carolina ha. Iset aside mo muna 'yang pagka-fangirl mo sa One Direction kahit ngayong araw lang. Last day na nga natin 'tong magkakasama bago magsummer vacation, puro ka pa pageearphones diyan." Jessie said.

Agad naman akong nakonsensya at agad na nilagay sa loob ng bag ang cellphone ko. Niyakap ko si Jessie hinalikan siya sa pisngi.

"Sorry na nga, Jessie. Hindi ka pa nasanay sa akin e." Sabi ko at sinamaan niya naman ako ng tingin. "Joke lang! Eto naman. Pero seryoso, sorry na. Sige hindi muna ako mageearphones at magfafangirl today."

Kagaya nga nang sinabi ni Jessie ay last day na naman itong magkakasama bago magsummer vacation. Uuwi kasi kami sa mga probinsya namin para doon magbakasyon. At ngayong araw ang bonding time naming apat.

Kaya naman kasi ako naka-earphones kanina kasi umoorder pa silang tatlo at ako lang mag-isa sa table namin. Kalalapag lang nila ng orders nila noong pagsabihan nila ako at halos hindi ko pa natapos pakinggan ang unang kantang pinatugtog ko nang dumating sila. Ang OA lang talaga nilang magreact.

But I cannot blame them though. Bukod kasi sa mukha nga naman akong tanga na nagheheadbang mag-isa ay matagal-tagal din kaming hindi magkikita. Three to four months kasi ang bakasyon sa school namin at hindi ko rin alam kung bakit ganon kahaba ang summer vacation namin. Not that I'm complaining— mas gusto ko nga 'yon e.

Matapos naming kumain ay nagstroll lang kami sa SM. Nag picture taking, window shopping, naglaro sa World of Fun at pogi hunting— suggested by Nicki, by the way.

"Eto, eto! Tingnan niyo itong lalaking nakablack na nakahilig sa dingding. Ang gwapo!" sabi ni Nicki habang iminumwestra ang ang lalaking naispatan.

Nilingon naman ito ni Ariana, "Iyong may hawak na paper bag galing sa Penshoppe? Hmm. Oo nga, may itsura."

Naka-upo kami ngayon sa hagdanan at namamahinga. Habang itong si Ariana at Nicki ay naghahanap ng mga tipo nilang lalaki.

"Carol, nakahanap ka na ba ng nagbebenta ng ticket para sa concert ni Harry Styles?" tanong ni Jessie na nasa tabi ko. Si Ariana at Nicki ay nasa likuran namin— sa mas mataas na step ng hagdan.

Napabuntong-hininga naman ako sa tanong niya, "Wala nga e. Well, actually meron. 'Yong mga bumili ng dalawa pero hindi makakasama ang isa o kaya naman ay iyong mga nagbago ang isip at hindi nalang pupunta? Sila ang nagbebenta sa Twitter e. Pero ang daming mas nauuna sa akin na bumili, 'yong iba naman scam lang."

"Sabagay, magtataka ka pa ba? Harry Styles 'yon e. Biruin mo, in just one hour nasold out na ang tickets para sa concert niya dito!"

Napangiti naman ako sa sinabi ni Jessie. True enough dahil after sabihin na start na ng ticket selling para sa first world tour ni Harry ay nasold out agad ito nang wala pang isang oras. At hindi na ako umabot doon, nag cut off na ang pagbebenta noong bibili na ako. Take note ha, on that day din ako sana bibili. Kaya tuloy ngayon hirap akong makahanap ng bibilihan.

"Oo nga. Heto tuloy si Carolina, proud misis!" biro pa ni Ariana sabay alog sa balikat ko.

"Sira!" sabi ko naman at nagtawanan kaming apat.

Siguro ay hindi pa ito ang right time para makaattend ako ng concert ni Harry Styles—pero sino bang niloloko ko? Pinagagaan ko lang naman ang pakiramdam ko dahil wala na akong mabilhan ng ticket! Asar!

————

Up All Night (One Direction Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon