Chapter 6

16 1 0
                                    

The guard scanned my ticket and made a way for me to go inside the arena. Napanganga ako sa lawak ng arena na nasold-out ni Harry Styles in just a couple of minutes. I've heard that this arena can have fifteen thousand people.

Marami nang mga tao sa loob ng arena nang makapasok ako. Some are just sitting on their seats while others are busy on their phones— texting, calling and taking pictures. Ang iba naman ay ang mga marshals na nag-aassist sa mga manunuod papunta sa kanilang mga upuan.

"Pst. Carolina!"

Pinagmamasdan ko pa ang buong arena nang marinig ko na may tumawag sa pangalan ko. Wait, is that my name? Sa dami ng tao rito ay posibleng namali lang ang pagkakarinig ko.

"Carolina!"

I was about to walk again when I heard my name again. Now, I'm sure that I was being called.

Iniikot ko ang aking paningin para hanapin kung sinong tumatawag sa akin. And my eyes widened and my jaw dropped when I saw a man who's wearing a black jacket and jeans. He's smiling from ear to ear while waving at me.

"Kuya Jeffrey!" I ran towards him and hugged him tight. He chucked and hugged me too.

Kumalas ako sa yakap at hinarap siya. "Akala ko nasa UK ka? Kelan ka pa dumating?"

"I just landed here two days ago." he said. Pumunta kami sa gilid dahil maraming tao ang dumadaan. "Kamusta na?"

"Eto sa wakas makakapanuod na ng concert ni Harry Styles." napasigaw pa ako ng konti dahil sa biglang pagkaramdam ko ulit ng excitement. "Ikaw kuya? Manunuod ka rin? Bakit hindi mo sinabi na dadating ka!"

"Syempre naman manunuod ako!" sabi niya. "Oo nga pala, sabi ng kuya mo sa akin ka na raw sumabay pauwi."

"Binilin ako ni kuya sa 'yo? So alam niya na dumating ka?" Tumango siya at tumawa. Nakakainis si kuya! Hindi niya man lang sinabi sa akin na dumating na pala si kuya Jeffrey. Alam kaya nina mama?

"Oh siya, sige. Punta ka na sa pwesto mo. Magkita na lang tayo mamaya pagkatapos ng concert d'on sa gilid ng stage, sa may pinto papuntang backstage." he said. "May kailangan pa kasi akong gawin e."

"Sure kuya Jeffrey. See you later."

Nauna na siyang umalis at ako naman ay lumakad na papunta sa pwesto ko. A marshal approached me and asked where I am going to. Sinabi ko na sa front row ako kaya itinuro niya ang pwesto ko. And malamang sa unahang parte ako—front row nga e.

The lights are still on kaya maliwanag pa sa buong arena. Siguradong mamaya ay papatayin na ito 'pag magsisimula na ang concert.

Sobrang lapit ng pwesto ko sa stage. Mayroon lamang na daan para sa mga guards na nagbabantay tapos ay 'yong barrier na. Nahahati rin ang audience na nasa gitna or kaming mga nasa sahig—basta 'yong nasa harap ng stage. Kumbaga, ginawan ng parang aisle sa gitna ng audience.

Napasulyap ako sa babae sa tabi ko. Ngumiti siya sa akin kaya naman ngumiti rin ako. May dala siyang tarpaulin na punong-puno ng mga pictures ni Harry at may nakasulat pa na 'Marry Me, Harry!'. Palihim akong napangiti at napa-iling.

Bumalik ang tingin ko sa stage dahil may mga staff na umakyat d'on. Inayos nila ang pwesto ng mga instumento na gagamitin ng banda ni Harry na nasa stage. May naglagay rin ng mic stand sa parte ng stage na katapat ko. Oh my gosh! Don't tell me na doon pupwesto si Harry mamaya?! Shet.

Ilang saglit pa ay puno na ang arena. You can hear the screams of the fans chanting Harry's name. Bahagya pa akong nasagi nang nasa likod ko kaya medyo tumama ang dibdib ko sa bakal na barrier sa harap ko. Aray ha! Flat na nga, tumama pa sa bakal!My poor boobs.

Nagsigawan ang mga tao nang pinatay na ang ilaw sa arena kaya medyo dumilim na ang paligid. Mas lalong lumakas ang sigawan nang lumabas na sa stage ang banda ni Harry. Kahit ako ay napasigaw sa excitement! Kalma, Carolina! Hindi pa nagsisimula!

Minutes later, may nagflash na sa malaking screen sa taas ng stage. An animation of Harry's hands while playing a rubrics cube.

Nang mabuo ang rubics cube ay nagblack muli ang giant screen pagkatapos ay unti-unting nabuhay ang ilaw sa stage. As the lights are slowly turning on, nagsimula na ring tumugtog ang unang kanta na kakantahin ni Harry. That gave me chills.

Halos takpan ko na ang aking tenga sa sobrang lakas ng sigawan ng mga tao. The screams even go louder as the star of the night walks to the stage. Hindi ko akalain na may ilalakas pa ang sigaw ng mga 'to.

Hindi mabura ang ngiti sa labi ko habang pinagmamasdang maglakad si Harry Styles papunta sa harapan ko—sa harap ng mic stand.

He's wearing a dark blue glittery outfit. Hindi nakabutones ang unang apat na butones sa kaniyang pang-itaas—that's why you can see a butterfly tattoo in his abdomen. His curly hair is brushed up that made a clear picture of his face. May suot rin siyang green cross na kwintas at halos lahat ng daliri niya ay mayroong singsing.

Nagliwanag ang buong stage nang tumunog ang unang beat ng kanta. Habang si Harry naman ay pumunta sa iba't ibang parte ng stage at nagsasayaw.

"Open up your eyes, shut your mouth and see that I'm still the only one who's been inlove with me."

I felt chills on my hair down to my back when I heard him sing the first line of the song. Halos lahat siguro ng buhok sa katawan ko ang nagtaasan.

Hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko basta ang alam ko ay para akong nakalutang sa kung saan habang sumasabay sa kanta ni Harry.

Humina ang mga sigawan at napalitan iyon ng mga boses na sumasabay sa kanta. You can see the people slightly banging their heads to the beat of the music while singing with him.

I looked at Harry and you can see the passion in his eyes while performing. He's smiling and waving at the audience when he had a chance.

His voice is heaven sent. Napakaganda at napakalinis ng boses niya na aakalain mong studio version ang pinapakinggan mo at hindi live.

"Magandang gabi, Pilipinas!" Again. Screams filled the whole arena when Harry spoke.

"I am Harry Styles. Thank you so much for having me tonight!"

——

SONG: Only Angel by Harry Styles

Up All Night (One Direction Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon