Chapter 4

18 2 0
                                    

"Legit ba 'to?" Iyan na lang ang nasabi ko matapos ang matagal-tagal na pagtitig sa ticket na hawak ko.

"Oo naman. Front row pa kaya 'yan." Proud na sabi ni kuya. I looked at him with wide eyes.

"F-front row?"

"Ang kuya mo ang naka-isip niyan." I looked  at mama. "Sinabi niya sa amin ng papa mo na magkakaroon daw nga ng concert ang isa sa mga idols mo kaya paniguradong gugustuhin mong pumunta. Sabi niya ay kung pwedeng ambagan namin siya ng pambili ng ticket para sa 'yo."

"Pero bakit?" I turned my gaze to kuya.

"Anong bakit? Syempre alam kong titipidin mo ang allowance mo para makabili ng ticket. Kaya kami na lang ang bibili." He smiled.

"Tinipid ko pa rin naman ang allowance ko. Sana ay sinabi mo para nakapag-ambag rin ako."

"It's because that's your kuya's advance birthday gift to you kaya hindi niya sinabin sa 'yo. " said papa. And then I realised, my birthday is in a month.

Ibinigay ko muna ang ticket kay mama at pumunta kay kuya. He chuckled when I hugged him tight.

"Thank you, kuya. That's the best birthday gift ever." I said.

"Wala 'yon. Ano ka ba? Anything for you." He caressed my hair. "I love you. Kahit madalas bwisit ka."

I laughed hard, "I love you, kuya. Pero mas bwisit ka."

Kumalas ako sa yakap at pumunta naman kina papa.

I thanked him and hugged him. He didn't answer but instead, he kissed the top of my head.

Niyakap ko din si mama at hinalikan niya ako sa pisngi. "Are you happy?"

"I am so happy, mama. Thank you po."

***

"Holy shit. Seryoso?" sabi ni Nicki.

We're having a video call right now. Me, Nicki, Jessie and Ariana. Kinuwento ko sa kanila ang nangyari kanina at maging sila ay nagulat.

"Oo nga, Nicks. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin ako makapaniwala."

"Ang swerte mo sa kuya mo, Carol! Sana all." sabi ni Ariana. I just smiled. Yeah, I'm so lucky.

"Hoy, Ariana! Anong sana all ka diyan? Akin lang ang kuya ni Carol 'no!" Biglang sabi naman ni Jessie.

"What I mean is, sana all may kuyang supportive. Duh, ako kaya ang panganay sa amin. Kaya sana all. Hindi naman kita aagawan sa crush mong hindi ka naman kinacrushback."

"'Yan! Mabuti nang malinaw." Said Jessie. "Haaaaay, ang sweet naman ng kuya mo, Carol. Partida kapatid ka pa lang, paano pa kaya kapag jowa niya na ako?"

I laughed at what she said. Unang kita pa lang ni Jessie kay kuya ay nagkacrush na agad ito sa aking kapatid. But unfortunately, masyadong career oriented si kuya kaya bokya ang aking friend.

"Umamin ka na kasi, Jes." sabi ni Nicki.

"Eh focused nga sa trabaho. Asado muna ako." kunwaring malungkot na sabi ni Jessie.

"Ilakad mo nga ito sa kuya mo." suhestyon ni Nicki.

"Oo nga, Carol. Ireto mo naman ako sa kuya mo." walang hiyang pagsang-ayon pa ni Jessie.

"Wow, kapal ng feslak ha?" nagtawanan naman silang tatlo. "Oh siya sige, I'll try my best para ireto ka. Pero I can't assure you anything ha. Baka mamaya asang-asa ka diyan"

Ay ayon, umaabot ng langit ang kasiyahan ng bruha. Napa-iling na lang ako. Masyadong deds na deds sa kuya kong panget.

"Pero seryoso, I'm happy for you. Kasi makakapunta ka na." Ariana said.

"Paano nga kaya nakabili ang kuya mo ng ticket 'no? Kasi hindi ba, mahirap tyempuhan ang front row dahil 'yon ang target ng mga fans?"

I also wondered how kuya bought that ticket. Iyon ang isa sa mga pinag-aagawan na seats. It's unbelievable.

"I don't know." I chuckled. "Alam mo naman iyang si kuya, madaming connections."

"So anong balak mong gawin d'on sa pera na ipambibili mo sana ng ticket?" Jessie said.

"Oo nga. Bumili ka kaya ng merch ni Harry na damit sis tapos 'yon ang suotin mo sa concert."

Oo nga, ano? Pwede kong ipambili ng merch iyong pera ko. I mean, hindi naman lahat 'yon ay gagastusin ko. Siguro mga dalawang tshirt lang ang bibilihin ko.

So I looked for an online shop that's selling Harry's merch. Fortunately, may nakita ako at available pa ito. I ordered two shirts— isang white shirt may 'Treat People with Kindness' na print at isang black shirt na may print ng album niya.

I can't wait to wear one of those shirts on Harry Styles' concert!

Up All Night (One Direction Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon