Chapter 7

13 2 0
                                    

I still can't believe that I've watched Harry Styles perform—LIVE! Oo, isa 'yon sa mga goal ko pero hindi pa rin maalis sa sistema ko na isiping baka panaginip lang ang lahat.

Halos kalahating minuto na yata magmula nang matapos ang kauna-unahang concert na inattend-an ko at heto pa rin ako, nakatulala at nakahilig sa bakal sa harapan ko. Hindi pa rin ako umaalis sa pwesto ko kanina bago magsimula ang concert.

My hands are still shaking and my heart is pounding very loud to the point that it hurts. Napahawak ako sa aking dibdib at huminga ng malalim.

Ang sakit pala sa dibdib kapag masyado kang masaya.

Unti-unti nang nag-aalisan ang mga tao sa paligid at maging ang stage sa aking harapan ay nililinis na rin. Nililigpit ang mga instrumento at nililikom ang mga nagkalat na wire.

Nag-init ang gilid ng mga mata ko at agad na pumatak ang mga luha. The feeling is so overwhelming na nagiging emosyonal na ako.

Gosh. Ang OA mo, Carolina!

Naputol ang pagdadrama ko nang magvibrate ang cellphone ko— na nasa loob ng bag ko. Kaunting parte lang ng concert ang kinuhanan ko ng video. Para lang may ebidensya ako sa sarili ko paggising ko. Na totoo ang nangyari sa gabing ito at hindi isang panaginip. At saka, kaya konting part lang dahil gusto kong maenjoy ng bongga ang concert. Without my phone, I can focus on Harry only.

Pinunasan ko muna ang luha na pumatak sa mata ko kanina bago ko sinagot ang tumatawag.

"Kuya Jeff?" Sabi ko.

"Carolina, san ka? Nandito na ako sa kaliwang parte ng stage." sabi ni kuya Jeff sa kabilang linya. "Sa may pintuan papuntang backstage."

Oh shoot. Nawala sa isip ko na kay kuya Jeff nga pala ako sasabay pauwi. Kasi naman e, ang drama drama ko kanina.

"Nandito pa rin kuya sa front seat. Punta na ako diyan." inayos ko ang damit ko. "Wait mo ako."

I ended the call and headed to the left side of the stage. Hindi na ako nag-abala pang mag-ayos gaya nang mga nakita ko na nagreretouch pa ng make-up bago lumabas. Who knows, baka may lakad pa sila. Ako kasi diretso uwi na kaya why bother to retouch?

Nakita ko si kuya Jeff na nasa tabi ng saradong pinto na may nakadikit na "Backstage" na sign na malamang ay pinto papuntang backstage. Ngumiti siya sa akin nang makita niya ako.

"Uwi na tayo, kuya?" sabi ko sa kaniya nang makarating ako sa tapat niya.

"Sandali lang, magpapa-alam lang ako sa mga kasama ko sa loob." sabi niya. "Samahan mo muna ako. Madali lang naman ako."

I nodded. Binuksan niya ang pinto sa gilid niya at pina-una akong pumasok bago siya. Syempre, pinauna ko siyang maglakad dahil hindi ko naman alam kung saan kami pupunta.

Maraming tao kaming nakasalubong at halos lahat sila ay kinocongrats si kuya Jeff. Paminsan-minsan siyang humihinto para sa mga kumakausap at binabati siya kaya napapahinto rin ako.

Kung bakit nila kinocongratulate si kuya? I have no idea. Hindi ko rin ito masyadong napagtuonan ng pansin dahil lumilipad ang isip ko habang naglalakad. May aftershock pa rin sa sistema ko mula sa concert kanina.

Huminto si kuya Jeff at bubuksan na sana ang isang pinto nang may kumausap muli sa kaniya. Gumilid sila habang nag-uusap kaya pumunta rin ako sa gilid dahil maraming tao ang nagmamadaling lumalakad sa gitna ng pasilyo.

Nakasandal ako sa pader nang mapatingin ako sa nakasaradong pinto sa harapan ko na bubuksan na sana ni kuya kanina. May nakadikit din ditong papel na may nakasulat na 'HARRY STYLES'.

Yes, in all caps.

Nagloading pa ng isang minuto ang utak ko at nanatiling nakatitig sa papel.

Wait, what?

Nanlaki ang mata ko nang magsink in sa utak ko ang nabasa ko. Oh my gosh, there's no way na nasa loob ng kwartong iyan si Harry 'di ba? Imposible!

Kahit na ilang beses ko pang sabihin sa sarili ko na imposible iyon ay hindi pa rin maalis ang kabog ng dibdib ko. Nanlalamig na ang kamay ko at ang bilis ng tibok ng puso ko.

What if ito nga ang dressing room ni Harry? Hindi malabo kasi nasa backstage kami 'di ba? No, no, no. Umaalis na siguro agad siya pagkatapos ng concert niya. Just like what they're doing in One Direction's tours. Tama, baka ganoon nga.

Kalma lang kasi, Carolina. Masyado kang praning.

Natapos nang magchikahan si kuya Jeffrey at ang kausap niya. Tiningnan niya ako sinenyasan na sumunod ako sa kaniya.

Kahit nanlalambot ang mga binti ko dahil sa kabang hindi ko maipaliwanag kung saan nanggagaling ay sumunod ako sa kaniya. Parang nagslow motion ang lahat nang ilagay ni kuya ang kanang kamay niya sa doorknob. Pinihit niya ito at itinulak para magbukas.

Pigil ang aking paghinga habang sumusunod nang dahan-dahan kay kuya Jeffrey. Nanatili ako sa may pintuan at pinagmasdan siya na lumapit sa harapan ng isang lalaking naka-upo sa isang sofa sa gitna ng kwarto. Inilapag niya ang iniinom niyang isang baso ng tubig at tumayo para salubungin si kuya Jeff.

Hindi ko na napansin pa ang itsura ng buong kwarto dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko. Naghighfive si kuya at ang lalaki at mabilis na nagyakapan. They are saying something to each other pero wala akong naiintindihan sa sinasabi nila. My mind still can't process what I am seeing right now. There is no way in the world! Nananaginip ba ako?

Nang kumalas sila sa yakap ay bumaling sa akin si kuya. Nagulat ako at bahagyang napaatras nang lumingon din ang lalaki.

Holy shet.

I wanted to slap my face to check if I an dreaming right now. My heart beats faster when his eyes met mine. Gusto kong sumigaw at magwala nang unti-unti siyang ngumiti habang nakatingin sa akin.

"I want you to meet Carolina. She's my cousin but I treat her as my sister. And she's a huge fan of yours."

Dapat pala nagretouch ako kanina kahit liptint lang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 15, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Up All Night (One Direction Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon