Chapter 5

29 2 0
                                    

The following days were like forever to me. Gan'on ba talaga kapag may araw kang inaabangan? Parang bumabagal ang oras? Sobrang tagal lumipas ng maghapon!

Kung pwede lang pabilisin ang oras— oo na! Excited lang talaga ako para sa concert! Sino ba naman ang hindi 'di ba?

This is my first ever concert na aattend-an. Gusto ko sana na ang unang concert kong mapapanuod ng live ay One Direction. Iyong as a band, as in kumpleto sila! 5/5— sige na nga kahit 4/5 na lang.

But that's impossible! They're still on hiatus. Kaya naman wala akong choice kung hindi magchange ng plano. Dapat ang unang concert na mapupuntahan ko ay sa isang member man lang ng One Direction.

At magkakatotoo na ang goal ko!

I woke up with a bright smile on my face. Kahit nakapikit pa ay nakangiti na agad ako.

Finally, this is it! This is the day! Ngayon na ang concert ng aking mahal na si Harry Styles!

I went to my bathroom to brush my teeth and to wash my face. But of course, bago 'yan ay binuhay ko muna ang music ng phone ko. I played Harry Styles' songs para mahype ako at mas lalong dagdagan ang excitement ko.

Para akong tangang sumasayaw sa harap ng sink at salamin ko dito sa banyo. Sinabayan ko pa nang pagkanta kahit na nakalagay sa aking bibig ang sipilyo ko.

Imagine, tugtog pa lang galing sa cellphone ko ay ganito na ako. What more pa mamaya kapag nasa concert na ako? Baka magwala ako doon! I must ready my vocal chords. Mukhang mawawalan ako ng boses bukas!

I wiped my face with a towel and looked at my reflection at the mirror. With smiling lips and shining brown eyes, I took a deep breath. Dang it! I'm so excited!

"Anong oras kita ihahatid sa MOA, Carol?" tanong ni kuya habang kumakain kami ng umagahan.

I swallowed the food in my mouth before answering. "Nand'on na dapat ako nang alas sais ng hapon. The concert will start at seven."

"Hindi naman halatang excited ka." sabi ni mama habang tumatawa. "Pumasok ako sa kwarto mo kanina at nakalagay na sa kama ang susuotin mo!"

Nagtawanan kaming apat, "Ayoko lang na mamaya pa ako maghahanap ng susuotin ko, ma. Alam mo namang matagal akong pumili ng susuotin ko."

"Asus, eh mula nang lumabas ka sa kwarto mo ay hindi na mabura 'yang ngiti mo." pang-aasar pa ni mama.

Napa-iling na lamang ako at natawa.

I tied my below shoulder-length bleached hair up. May kaunting black hair na ang tumutubo kaya nagmistulang design ito sa buhok ko. Alam ko kasing magtatatalon ako at magheheadbang ako mamaya. At kung hahayaan kong nakalugay ang buhok ko ay baka pagkatapos ng concert ay mukha na akong baliw.

It is one in the afternoon at katatapos ko lang mag-ayos nang sarili ko. I was wearing a high-waisted jeans partnered with the shirt that I ordered online— the white one with a print that says 'Treat People With Kindness'. I tucked the shirt in the jeans. I ordered medium para magmukhang oversized sa akin.

I also have a small sling bag para paglagyan ng phone, powerbank, money, powder and liptint. Konti lang ang dala kong gamit para iwas hassle.

I didn’t put so much make-up on my face, subtle cheek tint, powder and liptint are enough. Ayaw ko nang makapal na make-up dahil mahuhulas lang din naman iyon mamaya 'pag pinawisan ako. Hindi naman beauty pageant ang pupuntahan ko.

After checking myself and my things, pumunta na ako kina mama para magpaalam. They told me to be safe and enjoy. Pagkatapos ay sumakay na ako sa kotse kung saan nand'on si kuya.

Up All Night (One Direction Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon