Chapter 02

19 4 5
                                    

Severene

My first class will start at 9 in the morning, so it's just okay for me to wake up a little bit late since my school was just 17 minutes walk from my house. Kaya naman ganun na lang ang galit na nararamdaman ko nang hindi ko na magawang ibalik ang tulog ko dahil sa walang habas na pagkatok ng sinumang demonyo sa pinto ng kwarto ko.

"Sev ano ba! Anong oras na! Putok na putok na iyong araw tapos tulog ka pa?! Gising na!"

Marahas ang naging pagbuntong hininga ko at napapikit na lang ng mata. I felt frustrated and starting to feel upset when I heard my older sister shouting outside and she keeps on knocking the door. Her voice was so harsh as ever, then she started to say mean things to me when she didn't heard any reply from me.

"Sev kakain na! Kapag hindi ka pa bumangon jan, bahala ka!"

I felt my chest tightened when I heard her footsteps away from my room. I didn't even prevent my tears to fall.

Bakit ba kailangan nilang maging ganoon sa'kin?

Yeah right. Naalala ko na ang dahilan kung bakit.

It's because of that person.

I became the villain.

Ako na nga ang nakaranas ng sakit, ako pa ang pinagmumukhang masama.

That's because they never believed in me. They never did.

Today is the 17th day of September. Muntik ko nang makalimutan kung anong meron ngayon.

Nawalan na ako ng ganang mag-almusal kaya naman nagmadali na lang akong maligo at magbihis. Kung sakali mang makaramdam ako ng gutom ay sa cafeteria na lang ako kakain.

Lumipas pa ang ilang minuto ay tapos na rin akong mag-ayos ng sarili. Kinuha ko na ang bag ko at dali-daling lumabas ng kwarto. Nang makarating ako sa hagdan ay hindi nakaligtas sa pandinig ko ang tawanan ng mga tao sa ibaba. Mukhang masaya yata ang mga ito sa pinag-uusapan nila.

I clenched my fist as anger started to crept in my system. Lalo na nang marinig ko kung gaano kalakas ang halakhak nila.

Walang emosyon akong bumaba ng hagdan. Pansamantalang nawala ang tawanan nila at naramdaman kong nakatingin na sila sa'kin.

"Antagal mo namang bumaba?!" nagpantig ang tenga ko nang muli ko na namang marinig si Suzy. Can't she tone down her voice kapag ako ang kausap niya? Tsh. I'm not a deaf.

Saglit akong tumingin sa kanila ngunit agad ko ring iniiwas ang aking paningin.

"Nag-aaral ka pa ba?! Anong oras na ah... Hindi ka ba late niyan?!" hindi ko pa rin sinagot si Suzy.

Sa pananalita niya ay para akong isang batang walang ginawang matino. Yung tipong puro bulakbol lang ang alam. I'm not wondering anymore though, coz she always compare me to those kind of people. Wala pa nga akong ginagawa ay pinagbibintangan na ako. Nakakasakal ang ganoong bagay.

"Umagang-umaga Suzy. Pwede bang wag kang sumigaw?" sunod kong narinig ang boses ni Sam, my older brother.

Napailing-iling na lang ako. Mukhang dahil sa'kin ay nasira ko yata ang masayang almusal nilang magpapamilya. Kahit wala ako ay masaya naman sila.

Loving Severene Where stories live. Discover now