Severene
I was thankful that Rio didn't brought me to the mall. Well, masyadong matao doon and I'm not that fond of malls.
Masyadong traffic ang daan papunta sa mall, I hate traffic, masyadong hassle. Masyadong mainit, masyado pang toxic ang hangin. Ayoko din ng mga amoy ng usok na nanggagaling sa mga sasakyan. Imagine the trouble that you're in when you were stuck in the middle of traffic. Hindi uubra ang rabada-bango ni Kris Aquino kapag kumapit ang amoy ng usok sayo.
Ngunit gayunpaman, hindi ko pa rin talaga alam kung saan ako dadalhin ni Rio. We've been travelling for about an hour, ngunit hindi pa rin kami humihinto.
"Where are we going ba? Baka mamaya hindi natin namamalayang nakarating na tayo ng Ilocos nito eh..."
I heard him chuckle, kahit hindi ko nakikita ay pakiramdam ko'y napangisi siya sa sinabi ko. Pansamantala niyang binagalan ang pagpapatakbo ng motor bago nagsalita. Mas naramdaman ko tuloy ang preskong simoy ng hangin.
"We're almost there..." he said, then I heard his hearty chuckle again.
"Pangpitong sabi mo na yan Rio... Wag mo nang paabutin ng walo..." sarkastiko kong sinabi sa kanya.
"Pangpitong tanong mo na rin yan Erene. Wag mo nang paabutin ng walo..."
I rolled my eyes and scoffed after hearing that. Dahil sa inis ay bigla ko tuloy kinurot ang kaliwang balikat ni Rio, he never complained but I heard him groaned. I was about to pinch him again ngunit bigla niyang inihinto ang motor, dahilan kung bakit sumubsob ako sa likod niya. Tsk! Kung hindi lang ako nakakapit ng maigi ay baka sumemplang na ako sa harapan.
"What the heck was that?!" I can't prevent myself from raising a voice on Rio. Samantalang siya ay tatawa-tawa lang."Wag mo kasi akong kurutin. Baka mabangga pa tayo nito eh..."
I silently mocked him, hindi niya ito alam dahil nakatalikod siya. Muli niyang pinaandar ang motor at kumapit sa balikat niya. Tatanungin ko sana ulit siya ngunit hindi ko rin tinuloy, kahit pa kanina pa ako hindi mapakali sa kakaisip kung saan kami pupunta. Ilang barangay na yata ang nadaanan namin. Ang pakiramdam ko ay nasa bayan kami. Bukod sa kakaunti lang ang nakakasalubong naming mga sasakyan ay napakapresko pa ang simoy ng hangin. Halos magkabilaan ang punong nadadaanan namin, may mga natatanaw din akong mga burol, palayan at ilog. Nagpapasalamat din ako na hindi masyadong maaraw dahil kapag nagkataon ay nasunog na sana ang balat ko. Tunay ngang nakakarelax kapag ganito.
Naisip ko tuloy na ansaya tumira sa ganitong lugar. Mukhang simple at magandang buhay. Madami kang pwedeng maging libangan dito. I suddenly remembered my experience when I was seven years old. Sinama kami nina Lola sa probinsya ni Shaun noon. We stayed there during our summer breaks. Well, I experienced having a morning walk in the field with my brother, yung tipong naglalakad ka kahit mahamog. Yung tumatambling-tambling at tumatalon-talon sa dayamihan, yung manghuhuli ng mga tutubi tapos lalagyan ng stick sa buntot, it's bad, but it's kinda fun. Iyong magbobonfire ka tapos magkukuwento ang Lolo namin noon. Tapos ang pinakamasaya ay iyong maliligo ka sa ilog, ginagawa pa naming pampalutang noon iyong putol na puno ng saging. Picking and eating some fruits just like bayabas, guyabano, mangga, kamatsili, duhat, santol, at hindi ko matandaan ang pangalan ng maliit na bilog na prutas na masyadong matamis ang amoy at may maliit ring buto. Naranasan rin naming magpalipad ng saranggola habang nagpapastol ng baka ang Lolo namin noon. Ngunit hindi ko rin nagustuhan noong sumabit ang saranggola ko sa puno ng sampalok, hinayaan pa akong umakyat ni Shaun noon. Hindi ko tuloy maiwasang magkandasugat-sugat dahil hindi ako masyadong sanay umakyat sa puno. Kahit pa nahirapan, nakuha ko rin naman ang saranggola ko sa huli, akala ko ay tapos na ang paghihirap ko, ngunit hindi ko inaasahang hindi pa pala doon nagtatapos. Nang pababa na ako, hindi ko namalayang iyong tuyong sanga ang nakapitan ko, and because of my mistake, nahulog ako sa puno. And you know what's worse? Napasama sa paghulog ko ang isang may kalakihang bahay ng bubuyog. I can still remember the sweet smell and taste of honey on my fingers that time, but I also remembered on how the bees attacked me. I was stung by the bees, went home crying while holding the beehive with the sweet honey. Shame. It wasn't worth it. But that's a memorable experience too.
YOU ARE READING
Loving Severene
РізнеSeverene Castillo's college life was just plain and ordinary. No one had ever noticed her and she like her life to be that way. She has a lot of goals to accomplish and she just want to live her life to the fullest before the time ends. But her lif...