Chapter 03

14 2 0
                                        

Severene

Pagkatapos na pagkatapos ng klase ko sa hapon ay agad akong bumili ng bulaklak at kandila bago nagpunta sa sementeryo.

Napakatahimik ng sementeryo nang dumating ako, tanging mga huni ng ibon lang ang maririnig, may nadaanan din akong iilang tao habang naglalakad papunta sa puntod ni Shaun. Ilang minuto lang ay nakarating na rin ako sa wakas.


Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga habang tinitignan ang puntod niya. Wala man lang ni isang bulaklak o kahit anong bagay na nakalagay sa puntod ni Shaun nang dumating ako, ang ibig sabihin nito'y wala pang dumadalaw sa kanya kung ganoon.

So they totally forgot huh? Or hindi lang talaga sila pumunta?

I put the flowers besides his gravestone at sinindihan ko na rin ang dala kong kandila. Itinabi ko ang posporo at bahagyang hinaplos ang pangalan niya bago ako nagbigay ng isang buntong hininga.

"Hey there Shaun... I missed you..."

I put my bag on the tree near his grave. I closed my eyes as I uttered my prayer for him. Pinipigilan ko rin ang sarili kong umiyak o maging emosyonal.

Napatigil na lang ako nang maramdaman ko ang malakas at malamig na simoy ng hangin. Ngunit hindi ako nakaramdam ng takot, bagkus ay nakagagaan ng pakiramdam. Parang yakap ni Shaun.

"Ang daya-daya mo talaga Shaun... Bakit mo ako iniwan?" my voice cracked when I uttered those words and I can't hold my tears anymore, mabilis itong tumulo at nagtuloy-tuloy nang ganoon.

I bit my lower lip and looked up at the sky. Pilit kong pinigilan ang sarili kong humikbi at lumuha, ngunit mas lalong sumasakit ang dibdib ko kapag ginagawa ko iyon. Mas nadadagdagan ang bigat nun. Kaya sa huli ay hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Nakaluhod akong bumagsak sa lupa habang lumuluha at humihikbi. Hindi ko na pinansin pa kung may mga tao sa paligid ko. Ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay ang sakit na nararamdaman ko, isali na rin diyan ang pangungulila sa isang taong napakahalaga sa'kin.

Shaun....

Pati tuloy ang mapait na nangyari sa nakaraan ay hindi pinalagpas ng isip ko. Naalala ko iyon at naging triple ang sakit na nararamdaman ko kanina, nadagdagan pa iyon ng galit at pagsisisi.

Kung meron lang sana akong nagawa...

Kung meron lang sana silang nagawa...

Baka hanggang ngayon ay buhay ka pa...

Shaun...

"Shaun... I- - - N-need you to come back... I can sacrifice everything - - - bumalik ka lang..."

"I need you here Shaun... Wala na akong kakampi... I'm alone in this battle - - - I need you back..."

"You promised Shaun... You promised that you will never leave me - - - but in the end, you did. And that hurts a lot..."

"S-Shaun... Marami pa tayong pangarap, paano yun matutupad kung wala ka na. You told me that we will do our goals together. But now, what?"

Pinunasan ko ang mga luha ko sa mata ngunit nagtuloy-tuloy pa rin ito sa pag-agos at hindi ko na mapigilan pa. I felt my chest tightened everytime I say his name. At habang sinasabi ko lahat sa kanya ang mga bagay na iyon ay unti-unting nadadagdagan ang bigat sa dibdib ko at parang may tumutusok sa puso ko.

Loving Severene Where stories live. Discover now