Dyes.

1.4K 39 7
                                    


SCAM

Nag-aayos na ako nang damit ko, ngayon na ang kasal ko. Pinalobo ko ang sariling bibig at ngumuso pagkatapos. Ang ganda-ganda ko sa salamin! Sana maganda parin ako kahit wala na sa salamin.


Napangiti ako nang yakapin ako ni Mama. Kitang-kita ko ang pangingilid nang mata niya kaya agad akong humarap sa kaniya.

"Ma! Bakit hindi niyo sinabing ayaw niyo pala nang kasal na'to. E di sana hindi na'ko pumayag dito." gusto ko tuloy maiyak dahil pinagtawanan ako ni Mama. Baka nasisiraan na siya nang ulo dulot nang depresyon.


Napa-aray ako nang pitikin ni Mama ang aking noo.

"Huwag kang magisip nang kung ano-ano. Masaya lang ako, tears of joy ang tawag dito." niyakap niya ako, ngumiti ako nang matamis dahil hindi pala siya nasisiraan nang ulo. Normal panaman pala ang Mama ko.

Naglalakad ako sa pulang tela na straight, red carpet daw tawag dito. Maganda ang sinag nang araw, ang ganda ganda nang mga bulaklak na pink , talagang ginawa nilang totoo ang mga sinabi ko. Gusto kong magtatatalon at hawakan lahat nang bubbles na sumasalubong sakin at nagkalat sa paligid ngunit.

Natuon lamang ang atensyon ko sa lalaking nakatayo at naghihintay sakin mula sa malayo. Hindi ko namalayang nakarating na ako sa harap niya, namumula-mula ang mata nita at ilong. Napalunok ako nang pahirin niya ang luha na hindi ko namalayang bumuhos na pala sa aking pisngi.

Wala naman kaming pinagdadaanang dalawa, hindi naman kami nag-away pero umiiyak kami. Baka kami na ang nasisiraan nang bait.

Hawak-hawak niya ang kamay ko habang nagsasalita ang pari. Napakatangos nang ilong niya dahil nakatagilid siya sakin. Ang labi niya napakasarap panggigilan.

Wala sa sariling napahagikhik ako nang maalala kung ilang beses na kaming nagkiss. Ngumuso ako nang samaan niya ko nang tingin.

Ginawa namin ang tradisyong sinasabi nila, andami pa kasing anik-anik. Tumayo ako nang tumayo siya, tapos madami siyang sinabi sa harap ko tulad nang.

"Matagal ko nang gustong mangyari ang lahat nang 'to. Im always praying that someday madadala kita sa harap nang altar. Marrying you infront of my relatives and love ones. " pinahiran ko ang luha niya kasi tuloy-tuloy talaga ang daloy. Hindi konaman siya inaaway, naiiyak din tuloy ako.

"And now, here we are. Natupad lahat ang pangarap ko. " ang dali naman kasi nang pangarap mo. Juan. Huhuhu.

"Thank you for making my wish come true. Ikaw parin ang baby ko, kahit nawawala parin ang utak mo." nagtawanan sina Mama at lahat nang tao. Sinimangutan ko siya. Bangag ba siya? Kung wala akong utak e di sana wala akong naiisip!

Hindi nalang ako nagsalita kasi baka magalit siya.

Binigay niya sakin ang microphone, message daw kasi tawag dito.

"W-wala akong gustong sabihin", nguso ko. Wala naman talaga! Pinanlakihan ako nang mata ni Mama, ang ilang bisita naman ay halos may kaniya-kaniyang reaksyon, natakot tuloy ako dahil madilim ang mukha ni Juan.

"Eto na nga magsasalita na." pagpapanick ko. Tumikhim muna ako bago nilapit ang mikropono sa bibig.

"You really know how to ruin the moment huh." inis niyang komento. Wala sa sariling pinandilatan ko siya nang mata.

"Ang totoo ang gwapo talaga nang magiging asawa ko." nakarinig ako nang ilang sipol nang ibang tao pero hindi makatakas sa mata ko ang pagiwas ni Juan at pagkagat nang labi niya. Napangise ako nang mamula ang kaniyang pisngi.

Napabungisngis ako, hinawakan ko ang panga niya para bumaling siya sa harap ko."Juan, gusto kong titigan mo'ko", mas lalo siyang namula sa sinabi ko.

Balae, kinikilig ako.

Omo! Ang cute!

Titigan mo raw kasi Pare!

Napalunok ako nang titigan niya talaga ako.
Hinawakan niya rin ang kamay kong nakahawak sa pisngi niya at mariin iyong hinalikan. May kamay na humaplos sa puso ko.

"Wala paman ang anak nating dalawa, gusto kong sabihin sayo na pakiramdam ko, napakaswerte ko dahil magiging asawa na kita Juan!", medyo napatalon pa ako nang konti . Ngumiti siya sakin.

"Kahit para kang nauulol minsan at ibang klase kung tupakin", hindi na nahupa ang tawanan nang nakikinig. Hindi nawala ang ngiti sa labi ni John Titus.

"Isang karangalan ang maging asawa mo! Kahit hindi naman ako high standars na babae, atleast middle standard naman ako" gusto ko sanang ipakita ang middle finger ko kaso hindi ko ginawa, baka kasi magalit siya.    

"Andami ko nang sinabi Juan. Kiss monako para matapos na", ungot ko sa kaniya at saka ngumuso. Nangangalay na kasi ang heels ko. Umusbong naman ang tuksuhan sa paligid namin habang marahan siyang tumatawa, hindi inaalis ang paningin sakin.

Maya-maya pa ay naglalagayan na kami nang singsing. "Juan, pagkatapos ba nito magkikiss na tayo? ", ngumise naman siya habang nilalagay ang singsing sakin. Medyo tumatalon talon ako nang tumango siya.

Excited kong nilagay sa kaniya ang singsing din, naghihiyawan ang ilang tao, dahil ba sa tumatalon ako habang sinusuot sa kaniya iyon at malaki ang ngiti? Hihihi excited na'ko!

"You are now Mr. Sheena Bugan Yoon!", deklara nang pare. Napangiwe ako sa sobrang kabantutan nang pangalan ko.
Ngumuso tuloy ako habang malakas ang tawanan nang ilan.

Sheena

Bugan

Yoon!

Huhuhu.

"You may now kissed your bride", anunsyo pa nang pare, halatang natatawa rin katulad ni Juan. Nang itaas niya na ang belo ko, kinabig niya ang beywang ko kasabay nang pagtalon ko palapit sa kaniya.

Wooooooooooooh!!!!!!

They're so bagay talagaaaaaa!!!!

Happpppy Weddddddiiiiiing!!!!!

Parehas kaming nakapikit habang ninanaman ang halik nang bawat isa. Kasama nang pagtama nang araw saming mga mukha, sa harap nang maraming bulaklak na napapalibutan nang bubbles. Naroon kami at may sariling mundo.

Hinalikan niya ang noo ko habang nakapikit parin ako. "I love you", napamulat ako bigla sa sinabi niya, nanigas ata ang katawan ko. Hindi ako makapagsalita. Ngumiti siya sakin at muling inangkin ang aking labi.


Ang bilis niya naman pala mafall. I

sang linggo palang kami ah!

Hmmp!

Scam ka Juan!


























RAPE  (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon