Bente

1.3K 48 3
                                    


Smart


"Bakit niyo dala-dala gifts ko!", angil ko sa mga lalaking hawak-hawak ang mga regalo ko. Hindi naman nagbago ang reaksyon nila.


Kakatapos palang ni Mali na kumain at mabusog, tapos narin ang party namin kaya nabigla ako ng pagharap ko ay narito na ang limang lalaking ito---yakap yakap ang mga gifts ko!



"Pinapasundo hoh Kayo ni Boss Master, iyong asawa niyo hoh", magalang na sabi nong isa at parang nangingiwe pa. Napalunok ako ng wala sa oras at sumama sa kanila. Si Mali naman ay tulala lang at walang imik.



Binitawan lang siya ni Logan nagkaganiyan na agad, kaya siguro nakipagbreak ang isang 'yon kasi ayaw nang paghiwalayin ni Mali ang kamay nilang dalawa.


Buti nalang hindi ako gano'n. Pano nalang kung maghuhugas sila ng pwet diba? Sinasabi ko nga ba kaya umiyak si Logan kasi sinabihan siya ni Mali na posasan siya.


Nagbalik ako sa reyalidad ng makarating na kami sa labas ng gate. "Ihahatid nalang namin itong bestfriend mo Mrs. Yoon", ani Edward . Niyakap ko muna ng mahigpit si Mali.


"911 ang police number. Alam mo nang gagawin", bulong ko sa kaniya. Hindi ko alam kung natatawa ba o maiiyak nanaman itong si Mali sa ekspresyon ng mukha niya, bago sila umalis papuntang sasakyan ni Edward.


"Psst!", agad namang lumingon sa'kin 'yong lalaking sinitsitan ko. Tinuro niya pa ang sarili niya kaya tumango ako. "Tawagan mo si Titus, sabihin mo, siya sumundo sa'kin ngayon", ngiti ko pa. Alam ko nanamang nagtatampo nanaman 'yon ngayon. Pagnagkataon, iiwasan niya nanaman ako.


"B-boss Master gusto hoh nang asawa niyo na kayo ang-- p-pero"


Agad kong hinablot sa kaniya ang cellphone at nilagay sa taenga ko. "Don't fucking give your phone to her!", napaigik ako sa sigaw ni Juan sa telepono.


"Sunduin mo'ko! Hindi ako aalis dito, bala ka, kapag hindi ka dumating, magugutom ako rito't magiging pulubi. ", pananakot ko tsaka ko siya binabaan. Nagugulat parin ang lalaki habang kinukuha sa'kin ang cellphone, kinindatan ko naman agad siya. Bumungisngis ako ng mamula ang pisngi niya.


Dapat sinabi ko rin kay Titus na tatae ako sa kalsada kapag hindi siya pumunta. Sayang!



"Puwede niyo na 'kong iwan", anunsyo ko sa kanila, nagsiiwasan sila ng tingin. Lahat sila may itsura kaya halos lahat ng babae ay nakatingin saamin.



"H-hindi hoh p'wede, utos ni Boss Master na bantayan kayo", sagot n'ong namula ang mukha kanina habang nakayuko na ngayon. Ngumuso ako tsaka tumango-tango. Ginala ko ang paningin habang naghihintay sa pagdating niya.


Maya-maya pa ay isang humaharurot na kotse ang sigang inaangkin ang kalsada sa pagarangkada. Tumikhim ako ng huminto ang kotseng iyon sa tapat ko at iniluwa ang asawa kong napakalamig ng mukha.



Agad akong umupo ng walang imik niyang binuksan ang frontseat door ng kotse. Mas lalo lang sumikip ang pakiramdam ko habang nagmamaneho siya, hindi naman iyon matulin pero parang dinadagundong ang dibdib ko sa kaba. Nasa likod ng kotse niya ang mga regalo ko at bag. Nakayuko lang ako hanggang sa huminto ang kotse niya.


"Juan", panimula sabay hawak sa braso niya. Malamig parin ang awra niya at nanatiling sa labas ang tingin. Hala.


"Nainis lang ako sayo kaya ko nasabi 'yon."
tipid siyang tumango at hindi man lang ako tinapunan ng tingin.


RAPE  (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon