Trenta 'y sais

982 35 2
                                    

Take care


"Hindi ko gustong iparamdam 'yan sayo Sheena."

"Inihahanda lamang kita sa lahat ng bagay nang sa gano'n ay hindi kana mahirapan pa".

Nasilaw ako sa liwanag ng araw, sumakit ang ulo sa biglaang pagmulat ng mata. Mahapdi padin ang mga dala ng pag-iyak na halos gabi-gabi ko nalamang ginagawa .
Napatulala ako sa bintana, sumasayaw ang kurtina sa mga haplos ng hangin. Ang sigla ng paligid ngunit hindi man lang ako nito magawang hawaan.

Ngayon na ang araw.


Bumangon ako at nagsimula nang maligo, sa isang linggo at dalawang araw na inilagi nang bangkay ni mama sa tahanan namin bilang na bilang sa kamay ko ang mga taong hinarap ko at nakausap.


Hindi ko panga halos sila matandaan. Basta kadalasan sa mga iyon ay ex ko. Napailing lamang ako habang inaalala kung gaano katalim ang mata ni Juan matapos akong yakapin ni Marcus. Sa lahat kasi nang bisita kong lalaki ay siya lamang itong ora-oradang yumakap sa'kin.

Malapit siya kay Mama at saakin kaya naiintindihan ko. Hindi ko magawang pagtawanan ang mukha ni Maliana dahil alam ko sa sarili kong mas panget ang kalagayan ko ngayon.

Ang akala ko noong una kaya gumagamit nang shade ang isang tao ay para maiwasan ang init at mas maalagaan ang mata. Iyon pala, nagagamit din ito upang takpan ang emosyong pilit na kumakawala at luhang pinipigilang magpakita.


Habang nilalamon nang lupa ang kabaong ni Ina patuloy ko namang natatanggap na wala na siya. Napakasakit. Pinunasan ko ang luha na lumagpas sa mata ko. Mapait na napangiti nang paliparin ang isang lobo. Hindi na nawala ang iyak ni Caleb, nagulat silang lahat matapos itong mabuwal at mahimatay. Hindi ko alam kung bakit tinawanan ko iyon.

Napakawalanghiya kong kapatid huhuhuhu.


Nong nawala ang anak ko, bakit hindi ko 'to naramdaman? Napakamisteryoso talaga nang buhay. Akala mo masaya na, iyon pala, isang maikling patalastas lamang iyon at pagkatapos, masasaktan kana ulit.

"Matatapos din ang lahat."

Napapikit ako sa tinig na iyon ni mama nang minsan siyang magsalita patungkol sa ibong maya.

"At sa oras na iyon, alam kong magiging masaya kana".

Sana nga. Pero sa kalagayan kong ito, malabong marating ko kaagad iyon Mama. Mahabang daluyong ang dumating sa maya at wala siyang magagawa kung hindi ang magmukmok at maghintay hanggang sa tumila na ang ulan .


Hindi ako pumasok sa eskwelahan, giniit sa'kin ni Titus na mag home-schooling na lang daw ako pansamantala. Nabigla pa siya nang diretso akong tumango at hindi na umimik pa. Nagpatuloy ang araw na hindi ako umuusad. Sa dami nang oras na hawak ko, ni isa wala akong gustong gamitin.

Nakakabagot, nakakawalang gana.

"Umay na'ko Lods!". Iyan ang salitang narinig kong sinigaw ni Caleb. Na'ndito parin ako sa gitna nang daluyong, hindi na alam kung paano sisimulang tahakin ang bagyo dala-dala ang reyalidad na araw-araw kong hinaharap.



Wala na si Mama.

Parang isang anunsyo na bawat segundong pinapaalala nang mundo. Kinuha ko ang isang libro at doon nagsimulang magbasa. Iyon lamang ang kinahiligan ko, ang pakialamanan ang library ni Juan at doon gugulin ang oras kasama si Caleb. Ang kapatid kong walang ibang ginawa kung hindi mag laro nang mobile legends.



RAPE  (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon