Trenta'y nuebe

1K 31 0
                                    

Pangalawang Bunga



Sheena Pov

Alam kong hindi madali ang kursong sinuong ko, tila butas ng karayom ko itong papasukin upang mapagtagumpayan ang pagsubok na ito. Pag-pu-pulis ang pinili ko dahil narin sa nangyaring krimen kay Ina. Gusto kong sumagip ng buhay, lumutas ng krimen at makatulong sa bansa.


Napakalalim, parang hindi ako. Tuluyan na ngang nabago ng panahon ang isang katulad ko. Tulad nga ng sinabi ng aking asawa ;

You're changing, for better.

   Unang semester pa lamang ay ganoon na ka-advance ang lesson, mabuti nalamang at advance narin ang mga librong binabasa ko hindi paman na-di-discuss ng guro. Isang technique na sobrang epektibo at labis ang pakinabang sa pag-aaral ko. Bakit ba ngayon ko lang ito nalaman?


Natigil ako matapos mahilo sa daan, mayroon na kasi kaming subject para sa martial arts. Nananakit ang katawan ko at kulang rin sa tulog dahil sa nalalapit na long quiz. Nang kumalma ang ulo ko ay isa-isa ko naring pinulot ang mga librong nahulog.


"Is that Sheena? The top of our class?", nag-init ang pisngi ko matapos iyong marinig, nakakapanibagong ang pangalan ko ay nakadikit sa isang magandang mensahe, ngunit nawala rin ang aking ngiti matapos ang kasunod na komento ng isa pang tinig.

"Yeah, the smart but dumb girl. Can't you see the way she practice karate? She's very weak. I never thought na makakapasok ang isang kagaya niya rito." Bumuntong-hininga na lamang ako, hindi masama ang loob ko sa sinabi niya, dahil iyon ay totoo naman. Hindi ko lang maiitim na pati kapwa ko Pilipino ay nagagawa akong kutyain.

Kami dapat ang nagtutulungan at nagdadamayan dahil magkababayan kami. Nasa ibang bansa ako at maraming dayuhang nakakasalamuha, sa lahat ng dapat kong puntahan, kapwa Pilipino ang una kong lalapitan, sapagkat naiintindihan niya ako at nagmamalasakit kami sa isa't isa. Naglalahad ng kamay sa oras ng problema, Ngunit bakit ngayon, siya pa itong tumutulak sa'kin sa putikan?


Maayos akong naglakad, hindi binigyan ng atensyon ang dalawang nakamasid lamang sa'kin. Hindi ako pumunta rito para mag-pa-impress, narito ako dahil sa pangarap ko.


Lutang na lutang pa ang utak ko, ang paligid ay madilim pa at napakalamig, isang patunay na sobrang maaga pa para bumangon. Humikab ako at tinignan ang orasan.

"Alas Tres palang", garalgal kong sabi at umunat-unat, nanginig ang labi ko matapos makita ang kama. Gustong gusto ko pang matulog! Huhuhuhu.


Naghilamos ako at uminom ng gatas, inayos ko ang sarili, nagsuot ng jogging pants at jacket para magta-ta-takbo sa field. Pagkatapos noon ay balak ko nang mag-almusal habang nag-re-review.


Iyon ang naging routine ko sa pang-araw araw, kapag may mga moves at technique sa karate na hindi ko alam ay hinding-hindi ko talaga tinitigilan hanggang sa maisaulo ko ito. Napakahirap, sobrang nakakapagod, pero satuwing iniisip ko ang magiging bunga ng pasakit na ito ay ginaganahan akong bumangon at simulang makipagsabayan sa laban ng buhay.


"Mrs. Yoon, you are improving. That's nice, keep it up", tinapik niya ang balikat ko bago ako iniwang tulala sa loob ng ring. Iyon ang professor namin sa martial arts at kakatapos lamang ng training ng klase. Kung hindi ko pa narinig ang pagsara ng pintuan, siguro ay hindi pa ako makakakilos.



Tagaktak ang pawis sa noo ko, ramdam ko narin ang pagod sa aking binti at pagod sa aking hita. Nakikita ko na ang papasikat na araw, nakailang ikot na ako at hanggat kaya ko pa ay pinagpapatuloy ko ang pagtatakbo sa field.

RAPE  (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon