Chapter 22

48 1 0
                                    

BREANA'S POV

Nakapasok na ako sa loob ng building ni chase pero yumuko agad ako dahil sa tingin ng mga empleyado. Hindi naman malabong hindi ako chinismis nung babaeng dinala ni chase. Hindi ganito kalagkit ang tingin nila noon.

*ting* pumasok na ako sa elevator pero nagulat ako nang bigla silang nahati at nagsiksikan sa tabi. Sinuot ko ulit ang hood ng jacket kahit may bonnet akong suot.

Pumasok na ang isa sa mga bodyguard ko habang yung iba sa hagdan na lang ata dadaan. At least if they'll attack me, I have someone who always bring sniper and ready to fight.

Hindi pa talaga ako nakatulog dahil sa takot na matagalan na naman ako ng gising at baka magalit ulit si chase. I've been thinking about it and I think that was really my fault. Nadalaw lang sina tito kaya nasaktan.

"Hi miss--tress" tinignan ko ang supot ng pagkain na dala ko pero maya maya lang ay may tumapik sa balikat ka. Sa pagkakaalam ko wala akong ibang kakilala dito bukod kay chase.

"I'm sorry but I'm not tress"

"HAHAHAHA ang bobo!" mabilis akong tumalikod sa kanila at pinindot ulit ang button ng floor sa opisina ni chase. Miss tress--was that meant for mistress? They just made it like a name.

"HAHAHA kapit nang kapit, kabit nang kabit sa mag-asawa" bumukas na yung elevator kaya patakbo akong lumabas tsaka mabilis pang pinindot ang close button para mawala agad sa paningin ko ang mga ngisi nila.

Bumuntong hininga ako at tinignan ang mga tauhan kong nagkalat dito. Sila ang mga pinauna ko kaninang umaga nang mapansin kong paalis si chase. I'm glad he is safe.

Pinunasan ko muna ang luha sa pisngi tsaka maingat na binuksan ang pinto ng opisina. May ginagawa siya sa table at tutok lang doon ang atensyon niya. Is it right to interrupt?--but he will get mad if I starve him!

Tahimik akong pumasok at yumuko na naman habang nanatili lang dito sa tabi ng pinto. Nandito yung s-s-secretary na dinala niya noong nakaraan. Pati din ba dito g-ginagawa nila yun?

"Ito na ba lahat?"

"Yes sir"

"Remind me one hour before the meeting"

"Okay sir" lumabas na yung secretary pero nahagip pa ng pandinig ko ang mahinang tawa niya. Napakagat na lang ako sa labi.

"Nandito na ang p-pagkain mo, kain na"

"Leave" pumunta ako sa maliit na mesa para iayos doon ang mga dala ko. Takot pa rin ako dahil sa nangyari kahapon at posibleng sisihin ako sa p-pasang nasa gilid ng labi niya "Nung dumating ka sa buhay namin parang lahat ng tao galit sa akin. Anong kasinungalingan naman ba sinabi mo?"

*sip* umayos lang ako sa pagkakaluhod at sumulyap saglit sa alak na nasa taas ng cabinet na halatang nainuman. He is drinking in this hour?!

Kumunot ang noo ko dahil mabahong amoy. Lumingon ako pero lumakas lang kaya napatakip na ako sa ilong at bibig habang patuloy pa rin sa pagaayos ng pagkain. Five months na ah! B-bakit siya palapit?! Yung pabango niya!

"You're going to vomit?" mabilis akong umiling tsaka tumayo na. Tinago ko pa ang mga kamay sa bulsa ng jacket para hindi mahalata ang panginginig "Ito ang pinakamaling nagawa ko sa buhay and I want to remind you, that child is just my third priority and don't expect for any special treatment from me"

"A-anything you want"

"I always warn you. Kapag nalaman kong inuunahan mo ako, sa kamay ko mismo mamamatay ang batang yan. Naiinis ako sa pagmumukha mo kapag umiiyak ka"

*sip* tinulak niya ako at umupo na sa tapat ng pagkain. Muntik pa tumama ang likod ko sa cabinet. Yung anak niya! Hindi pwedeng mawala ang kaisa isang pagasa ko para kahit paano may papalit sa akin na magaalaga sa kanya.

"LEAVE!!" tumakbo agad ako palabas kaya doon na naman naguunahan ang mga luha ko. Sumunod lang ang mga bodyguard.

Heaven's corporation. Angel. Pati sa kompanya si angel pa rin. Ngayon ko lang napansin. Palagi na lang akong nahuhuli kay chase. Palagi naman kase akong nawawala! Ayan breana! Wala kang utak! Kasalanan mo yan!

***

Pabalik na ako sa condo kaya nakikita ko na sina bubwit sa tapat na parang may hinihintay. Pinunasan ko naman agad ang mukha at sinalubong sila.

"Ate breana ayos ka lang?" tanong ni rox tsaka isa isa nila akong niyakap maliban kay bubwit na nakacross arm lang tapos umatras pa nang magtangka akong yayakap.

"Bakit kayo nandito??" hinimas ko na lang ang pisngi niya para sabihing tumingin sa akin. May g-galit din ba siya sa akin? Nagtatampo?

"May sadya kami kay kuya. Wala ba siya sa loob ate? Kanina pa kami eh" umiling lang akong sa tanong ni kelvin dahil kay angela pa rin ang buong atensyon ko. I really miss her a lot. Nawala tuloy ang masamang pakiramdam ko.

"Kamusta ka na b-bubwit?"

"Hindi na ako bata" walang ganang sagot niya kaya tinignan ko din ang iba na pilit pang ngumiti sa akin. Tumabi lang naman ang mga tauhan ko para bigyan ako ng malaking space.

"S-saan ka nakatira ngayon?" umakto na naman akong hahawak sa balikat niya pero umiwas lang siya at mabilis na nagtago sa likod ni william.

"Tanong ka nang tanong sa akin?!"

"Angela huwag ka nga magalit. Gusto ka lang hawakan ni ate eh. Pagbigyan mo na" galit siyang lumingon kay rox at padabog pang inayos ang bag. Tinapik ko na lang si kelvin na pilit ding hinihila si bubwit para lumapit sa akin.

"Edi sige! Kani kanino ako nakikitira! Oh ayos na ba?!"

"Gusto mo bang magkaroon ng sarili mong matitirhan?" napatigil siya sa tanong ko at napatalon pa sa tuwa si penny. Alam ko na yan kaya baka kapag gagawin ko to mawala na yung tampo niya.

"Talaga ate!? Bibilhan mo siya?! Woaah sina kuya lean ayaw pumayag kase baby pa rin nila si angela hihihi"

"Kahit naman ako penny eh~ ibibaby ko pa rin siya pero ayaw naman niya ata ng ganun tsaka oo naman, kaya mo naman siguro angela diba? I don't have phone, call kuya now"

"Ate hindi nga siya payagan lalo na si papa liam~ sobrang strikto" nilahad ko na lang ang kamay kaya inabot agad ni william ang cellphone niya matapos pindutin ang dial. Ang bilis~

"Sasabihan ko agad si kuya para bukas na bukas meron ka na, okay? Our baby must learn how to be independent"

"Hindi na nga kailangan!" tumakbo si bubwit palayo kaya sinundan agad ng mga batang lalake. Nagpaiwan lang si penny since nasa akin pa ang phone ni william.

"Hello?? Wil?? May problema?? Kasama mo ba si dana? Pakausap nga please"

"K-kuya lean~"

"Breana??!! Why?!! May problema ka ba?!! Sandali papunta na si kuya dyan ha?--"

"Ano kase kuya, gusto ko sanang bilhan si bubwit ng condo"

"Breana~ hindi pwede yan. Baka hindi niya kayang tumira mag-isa. 15 pa lang siya kaya kailangang may magbabantay sa kanya"

"Gusto ko dito para ako magbantay sa kanya. Baka kase nahiya na siya dahil palipat lipat na lang"

"Sigurado ka ba breana? You don't have to do that. I'll send more men there"

"O-okay kuya"

"Sige, ipapaasikaso ko to kay blake. Busy pa ako ngayon, okay?"

"O-okay kuya"

"You sure you're fine there??? Glad you call but hang this now. Avoid too much radiation. I'm getting an update from mama so don't worry. Kukunin ka agad namin kung may gagawin ang lalakeng yun sayo"

"I-I'm really fine kuya" binaba ko na yung tawag at binigay agad kay penny para makaalis na. Niyakap niya lang ako tsaka umalis habang tumatalon pa sa tuwa.

MIND PLUS HEART (COMPLETED)Where stories live. Discover now