Chapter 1

19 3 0
                                    

"Ethan, anak?" tawag ni Papa ang nagpagising sa'kin. "Anak, gumising ka na." dagdag ni Papa.

"Hmm" ungol ko dahil inaantok pa ako. "Pa, gising na po ako." dagdag ko.

"Sige, bumangon ka na at handa na ang almusal mo." sabi ni Papa at nakarinig na ako ng yabag ng mga paa na nasisiguro kong paalis na si Papa.

Tumingin ako sa bintana at napa-buntong hininga. Unang araw ng pasukan at heto ako tinatamad bumangon. Napadpad ang mga mata ko sa orasan at alas singko na ng umaga. Kailangan kong bumangon ng maaga dahil mahaba-habang biyahe pa papuntang sa school, dahil ang bahay namin ay nasa liblib na lugar. Bagong tira palang kami dito at hindi ko pa masyadong alam ang pasikot-sikot dito sa aming lugar.

hayss.Naalala ko nanaman si Mama, dahil siya ang may gusto na sa malayo sa maraming tao ang aming bahay.Bago pa man ako lamunin ng lungkot ay dali-dali akong nagtungo sa banyo upang maligo.

Pagkatapos ng ilang minutong pagligo ay bumaba na ako upang kumain ng almusal. Nakita ko si Papa na may kausap sa cellphone.

"Sige, papunta na ako diyan." huling sabi ni Papa at pinatay ang tawag.

"Anak, kumain ka na at pagkatapos mo ay ihahatid na kita." sabi ni Papa at pumunta sa kanyang kwarto. May kukunin ata.

Pagkatapos kumain ay hinugasan ko muna ang aking mga pinag kainan dahil wala pa naman si Papa.

Kinakabahan ako sa mangyayari sa akin sa school, bago pa lamang ako doon at walang kaibigan.Bahala na.

"Anak, tapos ka na ba?" nakangiting tanong ni Papa.

"Opo, tara na po." nakangiting tugon ko.

Habang nasa biyahe ay 'di ko maiwasang mag-isip ng kung ano-ano. Halo-halong emosyon na nararamdaman ko, kinakabahan, masaya at excited. Ewan ko ba, ganito siguro kapag hindi ka pa nasanay sa isang bagay o lugar. Ganito kapag bago ka pa lamang.

Tahimik kaming buma-biyahe hanggang sa basagin ko ang katahimikan. "Pa, sa tingin mo po ay magkakaron ako kaibigan sa bagong school na papasukan ko?"

"Anak, I'm sure na magkakaroon ka ng kaibigan. Magaling ka mag-basketball, matalino ka, mabait at higit sa lahat gwapo ka." medyo natatawang sabi ni Papa "Sigurado ako na maraming mag-kakagusto sayo doon." mapang-asar na sabi ni Papa

"Pa, tigilan mo nga po ako." natatawang sabi ko. "I just want to have a friends. Yun lang, 'di ko kailangan ng magkakagusto sakin."

"Sus, ang anak ko nagbibinata na." natatawang sabi ni Papa.

Dahil sa kadaldalan namin ay namalayan ko na lamang na nasa tapat na kami ng school. Sabay kaming bumaba ng sasakyan ni Papa.

"Anak, itext mo ako kapag uwian nyo na at susunduin kita." sabi ni Papa.

"Pa, I'm not a kid anymore, alam ko na po ang gagawin ko." medyo naiinis na sabi ko. "Pag alam ko na po ang pasikot sikot dito ay ako nalang ang pupunta mag-isa dito sa school." natatawang sabi ko.

"Kung 'yan ang gusto mo, sabagay malaki ka na." sabi ni Papa. "O sige, pumasok ka na. Ingat ka, anak. Goodluck." sabi ni Papa at kumaway muna bago umalis.

Pagpasok ko sa school 'di ko alam kung kinakabahan ako o masaya. Bahala na. Masasanay din ako.

Dumiretso ako sa classroom. Alam ko na kung saan dahil sinamahan kami ng Dean noong nagpa enroll ako. Napakalaki ng Hernandez University. Tanging classroom at cafeteria pa lamang ang alam ko.

Nasa tapat na ako ng classroom at kinakabahan ako. Ang daming tao, may naghahabulan, may nagbabatuhan ng papel, may naka-upo sa teacher's table. Pero hinayaan ko na lamang 'yon at dumiretso sa bakanteng upuan sa may bandang likod.

Hindi ko alam kung bakit biglang tumahimik, at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko silang lahat na nakatingin sa akin. May mga naririnig akong bumubulong.

"Bago ba siya dito?"

"Hmm, ang pogi niya..."

"Hala, crush ko na siya"

"Hoy, ang hilig mo mang-agaw."

"May bagong mapagttripan."

Nagulat at kinabahan ako sa huling narinig ngunit 'di ko pinahalata. Umupo na lamang ako at nanahimik.

------------

Hello po! Heto na po ang chapter one!! Sana magustuhan nyo. :>

I'm afraid of you, my love.Where stories live. Discover now