Chapter 5

2 1 2
                                    

Ilang buwan na rin ang nakalilipas simula nung matanggap ko ang sulat na iyon, ngunit walang nangyayari sa'kin. Nagpapasalamat ako dahil doon, ngunit kailangan ko parin mag-ingat dahil baka naghahanap sila ng tamang oras para saktan ako.

At sa nakalipas na ilang buwan ay mas lalo akong napalapit sa mga kaibigan ko, lalo na kay Hailey.

Nandito kami ngayon sa aming tambayan, dito na namin napili na magpalipas ng oras daw walang masyadong tao.

"Excited na'ko para sa Acquaintance Party next week." masayang sabi ni Sharelane.

"Oo na dai, sigurado ako na tatadtadin nila tayo ng assignments at projects bago yang acquaintance na 'yan." masungit na sabi ni Alexis.

Sabay-sabay naman kaming napabuntong hininga, dahil may mga teacher talaga kami na pag may mga darating na events ay tinatadtad kami ng assignments at projects.

Natigil kami sa pagkkwentuhan nang may dumating. "Ahm.. Hailey, pinapatawag ka ni ma'am Sanchez." naiilang na sabi niya.

Naguguluhan na tumingin si Hailey sa dumating. "Nasabi ba ni ma'am kung bakit?" tanong ni Hailey.


"Hindi eh, ang inutos niya lang sa'kin ay puntahan ka at sabihin na pinapatawag ka niya." paliwanag niya.


Tumango naman si Hailey at nagsalita. "Nasaan ba si ma'am ngayon?" tanong ni Hailey.

"Nandoon siya sa office niya, ahm...mauuna na ako Hailey." pagpapaalam niya at tumingin sa'min at ngumiti. "Hmm, alis na'ko." pagkatapos niyang sabihin 'yon at umalis na siya.


"Ano kayang kailangan ni ma'am?" tanong ni Hailey.


"Edi sana kung pumunta ka don malalaman mo kung anong kailangan ni ma'am." mataray na sabi ni Alexis.


Natawa naman kami dahil don. "Eto naman, nagtatanong lang ako tapos nagtataray ka na diyan. May regla ka ba? Ha?" natatawang tanong ni Hailey.


Nakita ko naman na namula si Alexis, umirap siya at nag-iwas ng tingin. "Wag niyo nalang 'tong pansinin." sabi ni Kenjie sabay akbay kay Alexis. "Nagseselos lang 'to dahil tingin ng tingin sa'kin si Chloe kanina." natatawang dagdag niya.


Lahat naman kami ay nagulat sa sinabi ni Kenjie ngunit mabilis lamant iyon nawala. Tinanggal ni Alexis ang pagkaka-akbay ni Kenjie at tinarayan ito. "Asa ka naman." bulong ni Alexis.


"Hay nako, bahala nga kayo jan." sabi ni Hailey at tumayo. "Mauna nalang kayo sa classroom, susunod nalang ako." dagdag niya at akmang aalis na siya ngunit tinawag ko siya.


"Hailey." pagkasabi ko non ay tumingin siya sa'kin. "Hintayin ka nalang namin sa classroom at m-mag iingat ka." medyo nahihiyang sabi ko. Tumango at ngumiti nama siya, pagkatapon non ay tinalikuran na niya kami.


Bumibilis ang tibok ng puso ko pag malapit at ngumingiti siya. Sa nakalipas na buwan ay alam ko na kung anong ibig sabihin nito, noong una ay 'di ko lamang ito pinansin dahil bago ko pa lamang siya nakilala pero habang tumatagal ay mas nagiging malalim pa ang nararamdaman ko. Wala pa akong balak sabihin sa kaniya ito dahil natatakot ako na baka layuan niya ako.

Natigil lamang ako sa pag-iisip nang tawagin ako ni Zachary. "Ethan, nakikinig ka ba?" tanong niya.


"May sinasabi ka?"


"Hindi talaga 'to nakikinig. Ang sabi ko ay mauuna na sina Sharelane at Alexis sa room kasi pupunta tayo nila Kenjie sa court kasi pinapatawag tayo ni coach, nagchat sa'kin si Clifford ngayon-ngayon lang." paliwanag niya at ako naman ay tumango.



Gaya ng napag-usapan ay nandito kami ngayon sa court, mukhang may ia-announce si coach. Pagkatapos ng ilang minutong paghihintay at dumating na nga si coach at pumunta sa harap.



"Pinatawag ko kayo ngayon para sabihin na kasali kayo sa laro, sa darating na intramurals. Magaganap 'yon dalawang linggo pagkatapos ng acquaintance party, nabago ang schedule at sa halip na next week ay magaganap ito sa Friday. Inaasahan ko na pagkatapos non ay magsisimula na kayo magpractice, meron lamang tayong dalawang linggo para magpractice at inaasahan ko din na makikipag cooperate kayo." pagpapaliwanag ni coach. May mga bulong-bulungan, ang iba sa kanila ay excited at ang iba naman ay nagrereklamo dahil dadaan nanaman sila sa dalawag linggo na puro practice lamang.


"Pwede na kayong makabalik sa inyong classroom at huwag niyong kakalimutan ang mga sinabi ko." seryosong sabi ni coach, lahat naman kami ay nagtanguan, pagkatapos ay umalis na.


Habang naglalakad papuntang classroom ay nagsalita ako. "Next week, sa basketball nanaman matutuon ang atensiyon natin." natatawa kong sabi.


"Oo nga e." tugon ni Kenjie, huminto siya sa paglalakad at dahil don ay napahinto din kami ni Zachary. "Mawawalan na'ko ng time kay Alexis." dagdag niya at umaktong nasasaktan.


Napailing-iling naman ako. "Tsk, ang oa mo, bro." natatawang sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad.

"Ang harot mo, bro. Bakla ka ba? Ha?" narinig ko na natatawang tanong ni Zachary, pagkatapos ay sumunod sila sa'kin.


"Sinong bakla? Baka nakakalimutan mo na maraming naghahabol na babae sa'ken." pagyayabang na sabi ni Kenjie.



"Tss, parehas lang naman tayo, bro." sabi ni Zachary. "Baka nakakalimutan mo na mas maraming naghahabol kay Ethan, biruin mo 'yon halos araw-araw may natatanggap na letter at chocolates, yung iba sa locker niya pa nilalagay." natatawang sabi niya at tumingin sa'kin. "Grabe ka, bro."


Napailing-iling nalang ako. Totoo ang sinabi nila, nung una nagulat ako dahil doon pero habang tumatagal ay nasanay din ko. Hindi naman sa nag naghihinala ako pero sa tuwing may natatanggap ako ay laging nagiging tahimik si Hailey. 'Di ko alam ang dahilan pero dahil don ay sumeryoso ako. Ngunit 'di parin mawala sa isip ko ang unang natanggap ko na sulat, pinagbantaan nila ako at nasisiguro ko na galing iyon sa mga babaeng dumaan sa pinagtatambayan namin noon, makikita mo sa mga mata ang galit nila.



Namalayan ko na lamang na nasa classroom na pala kami. Nakatayo sa harapan si Hailey na mukhang masaya.


"As your class president, naatasan ako na magpaliwang tungkol sa darating na Acquaintance Party." nakangiting sabi ni Hailey. "Sa halip na next week ay sa Friday na gaganapin 'yon, pinaliwanag na sa'kin kanina ni ma'am ang mga gagawin. Sana magustuhan niyo ang idea ko.At dahil malaki naman itong classroom ay dito natin gaganapin. Ang theme ng natin ay Masquerade Party. The best part is, you only have to buy a mask to come to this party. Kayo na bahala kung anong gusto niyong suotin. Ang tayong mga babae ay magdadala ng picture natin nung baby pa tayo...pero dapat dalawang picture na magkaparehas, ang isa ay nasa basket na bubunutin ng mga boys at ang isa naman ay hawak ng natin mga girls. Pagkatapos bumunot ng mga boys ay hahanapin mo sa mga nakaupong babae kung nasan ang kaparehas non at pag nahanap niyo na ay isasayaw niyo siya sa gitna. Pag natapos ang isang kanta ay sabay sabay nating tatanggaling ang maskara at doon niyo malalaman kung sino ang nakapareha niyo." dagdag niya. Lahat kami ay namangha sa sinabi ni Hailey at lahat din kami ay naexcite.

"Ganon nalang ang gawin natin, Hailey."

"Oo nga, ang ganda ng idea na'yon."

"Excited na'ko para don."


Lahat naman kami ay pumayag sa sinabi ni Hailey. Pagkatapos naming mag-usap tungkol sa gaganapin na Acquaintance Party at nagsi uwian na kami.

--------

Waahh gusto ko rin makaranas ng ganyang acquaintance party huhu. Tapos yung partner mo e yung crush mo HAHAHAHAHA sanaol. Anyway, sana magustuhan niyo. Mwaaa.

I'm afraid of you, my love.Where stories live. Discover now